LALABAN AKO

114 1 0
                                    

Maxwell feel be like

Sinong malambot?
Sa akin dapat s'yang matakot,
Galit ko hindi nagbabadya,
Mali ang akala n'ya.

Basta na lang ako sasabog,
Isa rin akong hambog,
Nagkakamali s'ya ng hinahamon,
Baka basta ko s'ya ibaon.

Ano ngayon kung nauna s'ya?
Eh ako na ang pinili n'ya,
Huwag n'ya kong galitin,
Baka kamay n'ya ay aking pilipitin.

Isang salita pa n'ya,
Kamao ko na sasalubong sa kanya,
Akala n'ya ha, tapik lang 'yon,
Huwag s'yang maghahamon.

Mali s'ya ng kinakalaban,
Dahil ako talaga ay lalaban,
Ako na nagmamay ari rito,
Baby ko na ang babaeng 'to.

Agawin pa 'to ay kanyang subukan,
Makikita n'ya sumabog ang bulkan,
Mahalaga ang mga kamay ko,
Mas mahal ko s'ya, kaya lalaban ako,

Dedicated Poems For Love Without Limits By:MaxinejijiWhere stories live. Discover now