Panaginip

548 19 3
                                    

" Ysabelle, gising!" May sumigaw. Dinilat ko ang aking mata, akala ko makikita ko si Paulo, ngunit nakita ko si Colonel Vicente. " Enteng?" Aking tinanong. " Anak ng teteng naman oh, akala namin patay ka na, nakita ka na lang ni Goyong walang malay sa gubat, dinala ka dito ng umiiyak." Kanyang sinabe na napaupo siya sa tabi ko. " Si..." nilunok ko ang mga problema. " Heneral-"
" Ako nga." May boses sa pintuan at andoon nha ang lalaki na iniiwasan ko. "Pasaway ka del Pilar." Bulong ko pero sapat para marinig nila. " Ysa, alam ko-"
" Kayo na ni Remedios?" Aking tanong na nagulat silang dalawa. " H-hindi ko m-mahal s-si R-remedios"
" Yan Goyo, dyan tayo magaling, sa pag sisinualing at pag uuto. Ilang babae na ang nautu mo ha? Ay teka lang, kasama pala ako dun-"
" Ysa, wag ngayon." Sabi ni Colonel Julian sa likod ni Goyo. " Hindi ba't totoo. Mahal mo lang ang babae sa itsura." Lumabas ang aking mga luha. Hindi ako mahal ni Heneral Gregorio del Pilar ng tunay. Humiga muli ako at hinarap ang likod ko sa kanila. May kamay na humawak sa aking braso. " Ysa, mahal-"
" Tigilan na natin to Heneral. Hindi ko na kaya masaktan. Mahirap ang buhay, simula ngayon, ikaw ay isang heneral, at ako ay... wala, hindi ako kasama sa buhay mo."
Umiyak muli ang heneral, " Mahal, h-hindi k-ko yan magagawa-"
" Ano?! Ayaw mo ako paghiwalayan tapos mayroon kang ibang nobya na si Remedios!" Sumigaw ako at pinikit ang aking mata. Nagsasalita ang tatlo, ngunit wala na ako marinig. Gusto kong makita si Paulo... parehas lang man sila ni Goyong, ang pinagkaiba, manloloko si Goyo sa akin gamit si Remedios at hindi manloloko si Paulo.

HenerasyonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon