Ready to let go

429 14 0
                                    

" Mahal gising na."
" Hmmm... Paulo?"
" Tara na, andito na tayo mahal."
Tumayo ako habang tinutulungan niya ako. " Mahal, asaan tayo?" Tanong ko. " Nasa Cinema" Kanyang sagot. " Gusto mo ba ng popcorn at drink?" Tanong niya. Tumango nalang ako. Ang ganda naman ng mundo nito. Pagkatapos ng ilang minuto, bumalik siya at may binigay saakin na kanyang siasabe na pagkain. Umupo na kami sa upuan. Nagkwentuhan kami hanggang nagsimula na ang palabas. Syempre, nagtataka ako sa lahat ng bagay.

Si Remedios.... Si Remedios ang kanyang mahal... hindi ako. Habang nanonood, napapaiyak na ako. Si Goyong, naghihirap. Hysttttt... marami na akong alam ngayon. Hinawakan ako sa kamay ni Paulo at ngumiti. Masayang-masaya yata siyang panoorin ang kanyang sarili.

Namatay si Goyong sa Tirad Pass. Doon na tumulo ang luha ko. Lalo na ang lihim na binigay niya kay Remedios. Pagkatapos ng palabas, tumawa si Paulo dahil umiiyak ako. " Mahal, umiiyak ka! Hahaha" Pero hindi parin ako tumitigil, kailangan ko iligtas si Goyong. Mukhang napansin ni Paulo ang pagiging siryoso ko. Hindi na siya tumawa at niyakap ako. " Pasensiya na mahal. Taha na, baka ako din iiyak." Pinigilan ko tumigil.

Nakauwi na rin ako sa nagsasabing bahay ko at humiga sa kama na pilit kong tumulog para kay Goyo.

" Goyo!" Sigaw ko nang bumangon. " Binibini? Bakit?" Tanong niya. Niyakap ko siya na umiiyak. " Taha na, baka ako din, iiyak."
Narinig ko yung pangungusap na yun dati ha. " G-goyo, m-mahal k-kita..." Tumingin saakin si Goyong at niyakap ako ng mahigpit. " Ako rin mahal."
" P-pinatay m-mo s-si M-manuel."
" Saan mo yan narinig?" Tanong niya na para bang nanernerbyos.
" Goyo, mahal mo si Remedios." Tumingin muli sya saakin. " Ysa, pinagusapan na natin toh-"
" hindi ba? Heneral, mahal kita. Mahal na mahal kita. Kaya na, na wala ka. Bumalik ka na kay Remedios. Wag mong pilitin mahalin ako. Hinihintay ka nya. Paalam aking mahal." Ngumiti ako ng malungkot. " Sigurado ka?" Kanyang tanong. " Syempre, basta magkaibigan pa tayo ah." Tumawa kaming dalawa. " Salamat Ysa" Ang kanyang binigkas. " Walang anuman Heneral."
" Teka lang, bakit ang galang mo na saakin. Goyo, o Goyong parin Ysa."
" O sige na Goyo." Tumayo ako. " Saan ka pupunta Ysa?" Tanong niya. " Huh? Ah! Lalabas lang."
" Sama ako!" May boses sa likod ko. Si Vicente. "Argh! Enteng naman eh. Ilang beses ko nang sinabe na wag mo akong gulatin." Sigaw ko. Mayroon din tumawa sa tabi niya. " Sabi ko sayo Vicente na nakakagulat ang itsura mo eh." Tawang-tawa si Julian. " Kuya, Enteng, Ysa, ang ingay nyo!" Sigaw ni Goyo. " Che, eh mas maingay ka nga kaysa saamin eh." Tumawa muli kaming lagat.

HenerasyonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon