Tirad Pass

367 18 0
                                    

" Heneral, kailangan na natin pumtunta sa Tirad Pass." Utos ng presidente. Hindi maari, bago mag salita si Goyong, sinabihan ko na agad ng " Sama ako!" Tumingin yung dalawa saakin, pinipigilan ako ni Goyo pero pinipilit ko parin siya. Sa huli, pumayag narin si Goyo.

Tatlong buwan na hindi ko na pinapaniginipan si Paulo. Kung kailan na mahal na tunay ko siya, saka siya nawala sa aking tabi. Nagyari lang iyon yung nagka problema ako sa pag-ibig. Ang masakit, alam ko na minamahal ko ang tao na hindi buhay, o ang taong hindi nandiyan sa totoong buhay.

" Handa ka na ba Ysa?" Tanong ni Coronel Julian. " Handa na ako Julian." Sagot ko.

Habang naglalakad ung iba, andoon ako sa likod ng kabayo ni Goyong. " Comportable ba?" Tanong niya. " Oo naman. Bakit?" Tinanong ko din sya. " Pag hindi ka kasi comportable, ako rin eh." Aba aba ha landi nito. " Goyo naman, may nobya ka!" Pinalo ko siya. " Aray Naman Ysa!"
" Wag kang maarti Goyong, wala pa ung sugat at bala ng baril sa mangyayaring digmaan."
" Eh, sungit mo."
Pinalo ko ulit siya.
" Oo na! Malakas ka. Tigil na uy."
" Hindi ako mag dadalawang isip para kunin ang baril mo at barilin ka."
Pilit na hindi tumawa ang dalawang coronel at ang batang heneral. Pinikit ko ang aking mga mata at bumalik saakin...

Bumalik saakin ang piling na kasama si Paulo sa likod niya gamit ang motor. Ang boses niya na nagsasabi kung gaano niya akong mahal. Paulo, mahal, asaan ka na ba?

Tatlong linggo na kami naglalakad patungo sa Tirad Pass. Maraming sundalo ang namatay, katulad ng palabas, nawalan kami ng pagkain at inumin.

" Heneral, dito na tayo mag lipas ng gabi." Sabi ni Coronel Julian. Pumayag si Goyo at doon kami natulog.

" Mga coronel at Heneral, makinig kayo, aabutan tayo dito ng mga Americano. Mas maraming sundalo ang mamamatay." Sinabihan ko sila.

" Paano mo nasabi yan Ysa?" Tanong ni Julian habang tumatawa. " Totoo ito Julian." Seryoso kong sinabe. " Antok ka lang yata eh. Ysa, matulog ka na sa tabi ko. Andoon ang higaan natin." Tinuro ng heneral. Pumunta ako doon. Ayaw nila maniwala, eh di wag.

" Ysabelle gising!" Dinilat ko ang mata at nakita ko si Vicente na puro dugo. " Bakit Enteng? Bakit ka puro dugo?" Tanong ko. " pumunta ang mga amerikano." Sabi niya. " Asaan yung iba?" Tanong ko. " Ayan si Goyong sa tabi mo, ayaw gumising, si Julian kausap ang presidente." " sabi ko sa inyo eh." Tumingin saakin ng gulat si Vicente.

Isa pang tatlong linggo kami naglalakad. Nang naka punta kami sa Tirad Pass. Malapit na ang kamatayan ni Goyong. Maraming araw din ang pinag handa para sa labanan sa Tirad Pass.

HenerasyonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon