Vicente Enriquez

408 18 1
                                    

" Joven Hernando ho." Pakilala saakin ng isang binatang lalaki. " Ysabelle Trinidad." Pinakilala ko rin sarili ko. " Ang ganda ni Remedios." Bulong ni Goyong. " Ito naman oh nahihiya ka pa." Tinulak ko siya patungo kay Remedios at sumayaw sila. Yan ang kilala kong Heneral Gregorio del Pilar. " Ang lungkot mo naman sa tabi." Pang asar na sinabe ni Enteng. " Walang hiya ka talaga." Minura ko siya.  Tumawa siya at niyaya nya akong sumayaw. Tumawa ako at pumayag.

" Hindi bagay sayo magselos Ysa."
" Bakit naman Enteng? Paano mo nasabi na nagseselos?"
" Kasi kanina ka pa tumitingin kay Remedios at kay Goyong."
" Vicente, pinakawalan ko na nga siya. Tignan mo, mas masaya siya kasama si Remedios."
" Tama ka nga, pero nag iba ka Ysabelle."
" Paano mo ulit nasabi?"
" May iba ka na ba minamahal?"

Yung pumasok sa utak ko si Paulo Avelino. Mahal ko na ba siya? Hindi ko napansin na tinatawag na pala ako ni Vicente. " Ysabelle, maayos ka lang ba?" Tanong niya. Tumango ako. " Huh? Ah oo, mayroon na akong ibang minamahal." Sagot ko. " Talaga?! Ayieeee.., sino naman yan?" Pang-asar talaga ang baliw na ito. " Hindi mo siya kilala." Mataray ko siyang sinagot. " Sino nga?! Andito ba siya?" Ngumiti ng malaki si Enteng.

" Wala... Sige na nga sasabihin ko ang pangalan. Siya ay si Paulo Avelino."
" Ah, bakit mo siya nagustuhan?"
" Kasi, mabait siya, puro ng pagmamahal, isa din siyang romantiko na lalaki. Ang guwapo-guwapo pa!" Kinilig kong sinabe. Mukhang tumawa si Goyong nung narinig ang usapan namin. " Hoy Gago! Ba't ka tumatawa ha?" Tanong ko. " Yung sinabe mo. Walang mas gwagwapo kaysa saakin." Tumawa si Remedios ng malakas. " Eh di nga? Mas gwapo kaya si Coronel Vicente Enriquez kaysa sayo Goyo."
" Tama si Remedios!" Sigaw ko. Naging pula ang pisngi ni Enteng. " Ayieee gwapo daw siya." Pang-asar kong sinabe. " Tumingil ka nga bastos ka." Mukhang nahiya si Vicente. Tumawa muli kami ni Remedios, habang nasa masamang piling si Goyo. " Bakit ba? Maganda ka rin naman Ysabelle ha." Tumigil ako tumawa. " Bolero ka talaga Goyong." Binulong ko ang pangungusap. " Tama si Goyong, maganda ka naman ha." Sabi ni Vicente. " Magsama ang mga sinualing sa impyerno." At saka tumawa ang lahat, kasama na doon sila Señor Presidente, Señor Don Mariano, Binibini Dolores at Clara, at Marami pa.

HenerasyonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon