Kamatayan

341 19 0
                                    

" Sugod!" Sigaw ng heneral. Dumating narin ang araw na iniiwasan ko. Ang araw na mamatay si Heneral Gregorio del Pilar. " Heneral, mamamatay ka." Pinigilan ko siya. " Ysabelle, babalik pa ako para kay Remedios." Kanyang sinabe. " Pero Goyo-" Niyakap ako. " Ysa, aking dating kasingtahan, pag namatay man ako, paki sabi kay Remedios na mahal na mahal ko siya."
Pfffttt.... mamamatay ka nga eh.

" Hindi kita kayang mawala sa buhay ko." Inamin ko. " Ikaw rin." Ngumiti ang heneral. Pagkatayo niya ay napansin ko ang amerikano na babaralin sana si Goyong.

" Goyong!" Sigaw ko habang tinulak siya at natamaan ako sa braso. " Ysabelle!" Kanyang sinigaw. Pinilit niya na puntahan ako ngunit pinigilan siya ni Coronel Julian. " Ysabelle!" Muli nyang sinigaw.

Boom!
Nabaril muli ako sa dibdib. Napa higa at napa sigaw ako sa sakit. " Ysabelle wag!" Sigaw ni Goyong na umiiyak. " Ysa!" Sigaw ni Enteng. Hinila niya ang katawan ko. At saka tumakbo saakin si Goyo.

" Goyong..." bulong ko.
" Y-ysabelle... bakit mo yun ginawa?" Umiyak sya.
" Goyong, importante ba yun? Kailangan ka ng bayan. At wag na umiyak. Hindi bagay sayo. Ang guwapo-guwapo mo. Huwag mo akong kalimutan ha." Umubo ako ng dugo. " Ysabelle..." Bulong ni Gregorio. " Gago ka Goyong, Taha na, sige ka, pati ako iiyak." Pagkatapos ng pangugusap pinikit ko ang aking mga mata. Unti-unting nawawala ang aking malay.

HenerasyonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon