KABANATA 15

597 51 4
                                    


KABANATA 15

Tradious

DAYS HAVE PAST hindi na ulit dumalaw si Trad kay Jan dahil sa mahigpit na pagbabawal nang kaniyang ina. He can't do anything if his mom say she will definitely do it.

Kaya naman kahit tinatamad, pumasok siya ngayong araw sa eskwelahan. Malapit na ang graduation yet Jan is still not awake. Kinakabahan siya sa bawat araw na lumilipas. Nakikibalita siya nang pahim sa ina ni Jan pero as usual walang improvement na nangyayari. God knows how much he miss Jan. Imbes na magalit siya sa pagtatangka nito sa buhay niya mas nangibabaw ang awa sa dalagang nakaratay ngayon sa ospital. Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga saka naglakad na lang ulit papuntang classroom niya.

"Tradious!" sigaw ng pamilyar na boses sakaniya.

Zild.

Humarap siya sa binata at pinakiramdaman ang kaniyang sarili. It was a normal heat beat. Nothing more, nothing less. But why? The last time he check his heart was beating so darn fast when seeing Zild. What happened now?

Tumikhim siya saka tipid na ngumiti. "Zild, ikaw pala. Why?" tanong niya.

Ngumiti ito. But his heart still remain normal. Dati sobrang kilig niya kapag ngumingiti ito sakaniya but now?--

"I just want to ask... Where's Jannarah? Hindi pa kasi siya pumapasok these past few days. I mean its like more on three months ago. May problema ba siya?" tanong nito.

Imbes na magselos nakaramdam siya ng inis.

Tumikhim siya ulit. "She's in the hospital. Three months ago and until now." sabi niya sa kalmadong boses.

Bakas sa mukha ni Zild ang pagkagulat. "What?! How?! You know... Bakit hindi niya--"

"She's in coma, Zild. Paano niya sasabihin sa iba?" he answered in sarcastic manner.

Gulat na bumaling si Zild sakaniya. "Oh sorry. Pero ikaw, you know what's her condition right now. Bakit hindi mo sinabi?" tanong nito.

No thanks.

Pilit siyang ngumiti. "I'm not in the right position to say." tinalikuran na niya ito saka mabilis na naglakad papuntang classroom niya.

He's not in the mood today. Damn that Zild. Imbes na matuwa siya ay naiinis pa siya sa lalaki.

Nang makarating sa kaniyang classroom ay kaagad siyang umupo sa may bandang likuran.

Nawala na siya sa mood hanggang sa matapos ang buo klase niya ngayong umaga. Kaagad siyang pumuntang canteen para sana bumili ng pagkain ng biglang tumunog ang kaniyang cellphone sa kaniyang bulsa.

Binuksan niya ang mensahe nang makita na galing iyon kay Tita Ems.

Nagising na si Jannarah, anak.

Namilog ang kaniyang mata sa nabasa. Oh god! Ilang minuto niya iyong paulit ulit na binasa saka nagtatatalon at nagsusuntok sa hangin sa sobrang saya.

Oh my God.

Wala siyang pakialam kung pinagtitinginan na siya ng mga estudyante. He's happy right now. Jan is awake, thank God.

Parang nawala ang mabigat na bagay sa puso niya dahil sa nabalitaan. Kaya agad siyang tumakbo papalabas ng campus saka pumara ng taxi. Sumakay siyang back seat.

"Manong sa Rio's Hospital po."

Tumango ang driver saka pinausad ang sasakyan.

***

Tradious

"ROOM 142, Ms. Jannarah Blast Salonga." tumango siya saka patakbong tinungo ang elevator. He press the fourth floor.

Hindi pa rin matanggal sa mga labi niya ang malapad na ngiti dahil sa nabalitaan.

God, heart kalma.

Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso niya sa mga nangyayari. Nakalimutan niya panandalian ang ginawa sakaniya ng dalaga. The important is she's awake, she's alive.

Bumukas ang pinto ng elevator at tumakbo siya para hanapin ang silid ng dalaga. Kumatok siya pagkakita iyon.

"Tradious, anak!" yumakap kaagad sakaniya ang ina ni Jan. Halata sa mga mata nito ang kasiyahan. Maging siya ay nahawa. Hindi niya namalayang umiiyak na pala siya sa tuwa.

"Nasaan po siya?" tanong niya matapos makalas ang pagyayakapan nila ng ina nito. Pinunasan niya ang luhang kumawala.

"Chinecheck ng doctor kung may kumplikasyon ba. Halika pasok ka." tumango siya saka tuluyang pumasok sa loob. Kung dati ay takot ang bumabalot sa kaniyang puso kapag pumapasok siya sa silid na iyon, ngayon ay nabalot ng excitement at saya ang kaniyang kalooban sa nabalitaan.

Umupo siya sa mahabang sofa na naroroon na nakatapat sa kama ng dalaga.

"Sundan mo ang ilaw hija, okay?" pinagalaw ng doctor ang ilaw sa kanan na sinundan naman ng tingin ni Jan. Napangiti siya sa nakikita. Unti-unting bumabalik sa normal si Jan. Thank God.

Marami pang ginawang pagsasanay ang doktor kay Jan bago ito humarap kay Tita Ems na katabi nito.

"She's making a progress. Kailangan lang niyang magpahinga ng konti bago sumabak ulit sa operasyon." ngumiti ito sa ginang bago magpaalam.

Tumayo siya saka lumapit sa kinaroroonan ng ginang. Nakaupo ito malapit sa kama ng dalaga habang hawak ang kamay ni Jan.

"Thank God you're awake, Jannarah." pasasalamat ni Tita Ems.

Ngumiti lang ang dalaga. Saka bumaling sakaniya. Nakakunot ang noo nito.

"Jan. You're awake" nakangiti niyang sabi.

Tinitigan siyang mabuti ng dalaga.

"Jan, hey. Are you okay?" pag-aalalang tanong niya nang hindi ito magsalita.

"Maiwan ko muna kayo, Tradious anak. May bibilhin lang ako sa baba." tumango siya saka hinatid ng tingin ang ginang palabas ng silid.

Siya naman ang umupo sa kinauupuan kanina ng ginang saka tumingin sa dalaga. Hinawakan niya ang kamay ni Jan na naghatid sakaniya ng bolta boltaheng kuryente sa kaniyang buong kalamnan. Ewan kung bakit pero hinawakan niya pa rin ang kamay ni Jan at ngumiti dito.

"You know what? I'm really curious about what you did to me that day, three months ago." paninimula niya habang nilalaro ang mga daliri ng dalaga. "Palaisipan pa rin sa 'kin kung bakit mo iyon nagawa. I'm expecting a deep reason why you did that." huminga siya ng malalim. "Jan, akala ko mamatay na ako noong araw na 'yon. Nagdasal pa naman ako sa lahat ng santo to safe my life." mahina siyang natawa sa sariling sinabi. "At hindi nga ako nagkamali. They saved my life actually. But then you..." nakaramdam siya ng panunubig ng kaniyang mata. Tumikhim siya. "You almost killed yourself instead. Akala ko mawawala ka na sa buhay namin... sa buhay ko." hinalikan niya ang likod ng kamay nito.

"Every second, every minute, every hours and every days that passed by, pinagdarasal ko na sana magising ka na. Malapit na akong mag-give up but then your Mom texted me saying, na gising ka na daw. Dali dali akong pumunta rito kahit pinagbawalan na ako ni Mom just to see you." huminga siya ng malalim.

"This is crazy." bulong niya sa sarili saka umiling. "Mababaliw ako kapag hindi ka nakita, Jan. Thank you. Thank you because you awake. Thank you." sabi niya saka tumingin ulit sa dalagang nakakunot parin ang noo.

Nag-aalalang tumingin siya dito. "Is there any problem, Jan? May masakit ba sa'yo? Tell me wh--"

"Who are you?"

Nanigas siya sa kaniyang kinauupuan dahil sa sinabi nito.

--

Beki's Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon