KABANATA 27

530 35 3
                                    

A/N: Tinary ko lang maging bad sa last chapter. [Inosente po talaga ako]. Sana hindi bad ang matanggap kong feedbacks. Correct me nalang sa mga wrong grammar and spellings.

KABANATA 27

Jannarah

"OH?! NAPANO KA? Ba't iika ika kang maglakad?" tanong sakaniya ni Win pagkarating niya ng Niksxzy.

Pa'no ba naman.

Hindi na lang niya ito pinansin at agad na umupo sa pang-isahang sofa. Masakit. Ramdam niya ang sakit sa pagitan ng mga hita niya. Kahit anong galaw ang gawin niya ay sumasakit ito.

Bakit ba kasi naisipan pa namin 'yong gawin? ani ng kaniyang isip.

Nag-enjoy ka naman eh.

Ugh! Ang sakit. Lumapit sakaniya si Win.

Win took a deep breath. "Kung 'wag ka na lang munang sumama sa misyon? Tignan mo naman 'yang mukha mo, hindi maipinta." panenermon nanaman nito.

Tinanong rin niya ang sarili. Kaya niya ba? Pero...

"'Wag na lang kaya, Rocket?" tanong rin ni High na abala sa pag-aayos ng kaniyang bag na gagamitin.

Pinilit niyang tumayo at tiniis ang sakit. "Kaya ko. Don't worry too much about me. I know what I'm doing." pilit siyang ngumiti sa kasama at inayos na rin ang sarili.

"Sabi mo eh." umalis na sa harapan niya si High at inayos na rin ang sarili.

"Ready girls?" tanong ni Gin na kakapasok lang ng underground.

Nagtinginan silang tatlo at ngumisi.

"Let's rock 'n roll!" malakas na sigaw ni High saka isinuot ang bag nito.

"Yes baby!" sigaw rin ni Win.

Ngumisi lang siya at si Gin.

Nauna nang maglakad ang dalawa. Naiwan siya at si Gin. Sinuot na ni Jan ang bag niya ng biglang magsalita si Gin. "Pahiram ng cellphone mo, Rocket." tumingin siya dito. Maya maya pa ay pinahiram na rin niya dito.

"Anong gagawin mo sa cellphone ko?" usisa niya.

Hindi ito sumagot at sinimulang kalingkotin ang cellphone niya. Kumunot ang noo niya.

Ngumti ito at inabot sakaniya. "Salamat." tumango lang siya.

"Mag-iingat ka." natigil siya sa pag-aayos at tumingin rito. Abala na ito sa pagtitipa ng keyboard. Kaya hindi na niya ito sinagot at umalis na ng Niksxzy. At dama parin ang sakit sa gitnang bahagi ng katawan niya.

Putek!

***

"NANDIYAN NA KAYO?" tanong ni Gin sa kabilang linya.

Tumango lang siya saka nagmasid sa mga bantay ng gate.

Huwes Village. Dito nakatira ang biktima. She's familiar to the name and place but she can't remember how.

"Plano?" tanong ni High habang abala rin pagtingin sa mga gwardiya.

"Distract them." tumingin siya kay High. "Ikaw na ang bahala sa mga gwardiya. Kami na ni Win ang aakyat." tumango ito saka pasimpleng umalis.

Nang makitang abala na ang mga gwardiya, nagkatinginan naman sila ni Win. Pasimple silang umalis ng tinataguan at pumuntang pader kung saan hindi mapapansin ng mga tao.

"Mauna na ako."

Tumango si Win. Agad naman niyang tinalon ang pader. Saglit siyang tumigil ng nasa taas na siya dahil sa sakit na nararamdaman niya nanaman sa kaniyang pagkababae.

Beki's Love StoryDonde viven las historias. Descúbrelo ahora