KABANATA 35

699 41 1
                                    

A/N: Last na po itong chapter tapos Epilogue na po. Salamat sa pagbabasa.

KABANATA 35

Tradious

KASALUKUYANG NASA BAHAY nila Jan si Trad. Hindi siya mapakali. Iba ang tingin ni Tita Ems sakaniya. Awkward.

"Tradious hijo, tatapatin na kita." anito.

Ba't ganoon? Sobrang bilis ng tibok ng puso ni Trad? Hindi naman siguro siya inlove kay Tita di'ba?

Umayos ka nga! Kaharap mo ang ina ng mahal mo! ani ng kaniyang isip.

Bumuntong hininga ito. Nakaharap siya ngayon sa dalawa. Hindi siya makatingin ng deretso kay Tita Ems. Natatakot siya.

"Alam mo ba ang nangyari noong nawala ka?" tanong ng ginang.

Tumingin siya dito at agad na nagbawi ng tingin. Yumuko siya.

"H-Hindi po."

"Alam mo ba ang kalagayan ni Jannarah ngayon?" tanong uli nito.

"H-Hindi rin po."

Tita Ems took a deep breath again. "Naku, kayong mga bata talaga, mapupusok!" pabulong nito pero sapat na para marinig nila iyon.

Nag-angat ng tingin si Trad. "T-Tita, pasensya na po kung ngayon lang ako umuwi. I have my own reasons po." aniya.

Hindi na siya pwedeng maging duwag. Kaharap na niya ang ina ng taong mahal niya. There's no time to be a kitten.

"B-Buntis si Jannarah, Tradious. Jusko, ano bang ginawa ninyo?" tanong nito.

Nanlaki ang mata ni Trad. Nakalimutan niyang buntis pala si Jan. Pero sino ang ama?

Ikaw.

Sigurado ka? Limang buwan kang nawala.

Pero baka nga ikaw?

Hays.

"Ikaw ang ama ng bata, Trad." ani ni Jan habang hinahaplos ang tiyan nito.

Nanlaki ang mata niya. Hindi alam ni Trad ang magiging reaksiyon.

Ama siya noong bata?

'Yon ba ang naging bunga ng ginawa nila?

Ngumiti si Jan sakaniya. "Oo, ikaw ang ama ne'to." anito.

With that, napatayo si Trad at lumapit sa kinaroroonan ni Jan. Lumuhod siya habang nakatingin sa tiyan nitong medyo malaki na rin.

"A-Ako ang ama n-ne'to?" tanong niya. Hinawakan niya ang tiyan ni Jan.

Mixed emotions. That was he's feeling right now. Saya. Excitement. Kaba. Parang lahat na ata nararamdaman niya ngayon.

Hinawakan ni Jan ang kamay niyang nakahawak sa tiyan nito.

"Oo Trad. You're gonna be a father soon." anito habang humihikbi.

Napatingin siya kay Jan. He wiped her tears. "H-Hey, don't cry. You should be happy." aniya.

She smiled and tried to stop her tears.

Ngumiti siya at muling tumingin sa tiyan nito.

"Baby, Dad is here. Daddy can't wait to see you." aniya.

Namalayan niya na lang na umiiyak na rin siya. Oh god, hindi niya alam kung ga'no siya kasaya sa narinig.

Lahat ng hinanakit na naramdaman niya parang bulang nawala bigla.

Beki's Love StoryWhere stories live. Discover now