KABANATA 29

481 35 0
                                    

A/N: Song for the day. 'I love you, Goodbye.' May emo'ng ganap si Author ngayon. Haha

KABANATA 29

Tradious

"I-I DID... PAANONG--"

Ngumiti ng mapait si Trad. "You did, yeah. Pero hindi mo tinuloy." kita ni Trad sa mukha ni Jan ang pinaghalong pagtataka at takot.

And this is his first time seeing Jan with mixed emotions. Masaya siya. Dahil sa pinakita ni Jan ang totoong nararamdaman nito.

"But I tried. Tinangka ko pa ring patayin ka." anito. Puno ng takot ang mukha nito.

Trad smile a bit. "Pero hindi mo naman itinuloy. Bakit mo nga ba nagawa 'yon?" this is the right time that he will ask Jan for what happened months ago.

"Bakit nga ba, Jan?" he asked again.

Kunot ang noo nito. So innocent. "I-I don't know. Naguguluhan na ako. Hindi ko alam ang nangyayari, Trad." napasabunot ito sa sariling buhok. Nakaramdam siya ng takot sa ginagawa nito sa sarili. Lumapit siya dito.

"Don't, Jan. 'Wag mo munang pilitin ang sarili mong alalahanin iyon. It takes time, Jan." pag-aalo niya sa dalaga.

Seeing her miserable makes his heart ache. Masakit makita na nagkakaganito ito dahil sa nangyayari.

"I hate myself! Bakit gano'n! Kung kailan importante ang parteng iyon ng buhay ko tapos nawawala pa! Ugh!" pinagsusuntok nito ang sariling ulo.

Kaagad naman siyang tumayo at lumapit dito. "Don't, my love." hinagod niya ang likod nito.

Natigil ito sa pagpalo sa sariling ulo. At gulat na tumingin sakaniya.

"You call me--"

Ngumiti siya dito at inabot ang kamay nito.

This is it.

Huminga siya ng malalim at tumingin sa mga mata. Those beautiful eye, that captured my attention three years ago.

"Since the day that we met. Noong grade 9 pa tayo. Remember? No, you can't remember it anyway." ngumiti siya. "Nagulat nga ako ng inapproach mo ako noon. I was surprise when you said you want to befriend with me. Dati kasi habulin ako ng mga babae." tumawa siya.

"Hindi sa mahangin ako, but I am stating the fact. Kaya sobra ang inis ko noon sa mga babae. I hate woman so much!" he cross their fingers together and pinch it lightly.

"At first, I refused your friendship. Pero noong nagpakilala ka sa harap ng klase, you just smile a bit. Hindi noong nagpakita ka sa'kin. Abot hanggang tainga ang ngiti mo noon." he took a deep breath and stared at her eyes. Damn that eyes. "But then after you say your name, naglakad ka na pabalik ng upuan mo. Then you stop in front of me. Kumabog bigla ang puso ko noong ngumiti ka ng malapad. Hindi ako makahinga ng maayos. Because you smiled at me. A real one."

Umiling siya at muling pinisil ang kamay nilang magkahawak. "Hindi na ako nakafocus noon. Palaisipan pa rin sa'kin ang ngiti mo. I can't name my reaction at that time. Kaya noong natapos ang klase, umalis ako para sana makaiwas sa'yo. But then again, you approached me. Sa pagkakataong 'yon, pinayagan na kitang maging kaibigan ko. You're different from other girls in school. Wala ka man lang pagnanasa sa'kin." He chuckled then play Jan's finger. "Tapos dumating 'yong time na sasabihin ko na ang totoong ako. Then I was shock because you already knew my true identity. That I'm a gay back then. Hindi ka man lang nagulat. I still remember your reaction at that time." tumingin siya sa mga mata nito. Nandoon pa rin ang gulat at naguguluhan sa mga mata nito. He smile a bit. "At sa mga nagdaang araw. I ask myself, na bakit nagkakagano'n ang puso ko sa'yo. It beats so fast. At first, hindi ko na lang pinansin pero habang patagal ng patagal. I started liking you. Not just my bestfriend but more than that."

Beki's Love StoryWhere stories live. Discover now