Chapter 11

4.1K 150 7
                                    

"Muntik ko nga palang makalimutan, birthday ng Mommy sa biyernes, mahigpit n'yang bilin na kailangang naroon ka," ani Euan, habang nagpapark sa tapat ng opisina ng mga ito.

Mula sa bangko ay sinundo siya ng kasintahan. Ang totoo ay ayaw na nga sana niyang magpasundo dito. May sasalihan daw na bidding ang mga ito bukas kaya alam niyang busy ang kasintahan, pero nagpilit pa rin si Euan na masundo siya, tutal lalabas din naman daw ito ng opisina para bumili ng pagkain para sa mga kasama. At gusto na rin daw nitong ipakita ang blueprint ng bahay na ipapatayo sa Tagaytay, kaya sumama na rin daw siya saglit sa opisina.

"Anong magandang relago sa Mommy mo?" aniya habang nagtatanggal ng seatbelt.

"Ibinilin niyang ang presensya mo ang pinakamagandang regalo," dinukwang siya nito at mabilis na kinintalan ng halik sa labi bago bumaba sa kotse para pagbuksan siya ng pinto. Napangiti na lang si Shaine dahil sa ginawa ng kasintahan. 

"Maaari bang wala akong dala? Nakakahiya naman iyon," aniya pagbaba sa sasakyan.

"Maaari, Sweerheart. Dahil ang totoo, hindi ka naman talaga bisita," may mapaglarong ngiti sa mga labi ng binata.

“Anong ibig ng ngiting iyan?” aniya, tinaasan ito ng kilay. Alam na ni Shaine na kapag nginitian siya ni Euan ng gano'n ay may kalokohan ka namang iniisip ang binata.  

"Hindi ka bisita, Sweerheart. Dahil ikaw ang regalo ko sa kanya," kinindatan muna siya nito bago pinagsalikop ang mga kamay nila, iginaya siya papunta sa opisina.

May gumuhit na init sa puso ni Shaine. Napangiti at napailing na lang siya.

“Teka! Akala ko bibili tayo ng pagkain para sa kanila?” ani Shaine na napatigil sa paglakad. Dahil sabik din siyang makasama ang nobyo, nalibang na sila sa pagkukuwentuhan at hindi na niya naisip ang pagkain nila at ng iba pang katrabaho ni Euan.

“Baka nariyan na yung ipinadeliver ko,” balewalang sagot nito.

Napakunot-noo si Shaine, “Akala ko ba...?”

“Mas convenient 'yon kesa tayo pa ang pipila sa restaurant. Matatagalan pa tayo. Kanina nung umalis ako’y patapos na rin kami sa estimate,” anito na sinabayan ng kibit-balikat.

Binati sila ng security guard at ito na rin ang nagtulak ng glass door para sa kanila. Pagpasok sa opisina ay narinig na niya ang tawanan ng mga tao roon.

“It seems dumating na ang pagkain. Sa pantry na muna tayo.”

Nasa hallway pa lang sila ay may nakasalubong na silang babae, nakasukbit na ang bag nito at ang office coat ay nakasampay sa isang braso.

“Boss, una na ako,” nakangiting bungad nito sa kanila. Nginitian siya ng babae, na ginantihan din niya ng ngiti.

“Si Shaine, Sweetheart ko. S’ya naman si Aurora, isa sa mga pinakamagaling na engineer na nakilala ko,” ani Euan, bago muling bumaling kay Aurora. “Tapos na? Nakakain ka na ba?”

“Opo, Boss, tapos na. Pero ipapakita daw muna nila sayo bago sila umuwi. At nakakain na rin ako. May take out pa,” anito na tinapik ang bag. “Sina Sir Stephen at Sir Lenard na lang po ang nariyan. Pagkakain ay umuwi na rin po sina Nicole at Dino.”

Tumango si Euan, “Ingat ka pauwi,” anito bago siya muling inakay papunta sa pantry.

“Pare, pasensya na, nilantakan na namin to. 'Di na namin kayo nahintay. Uwing-uwi na sina Dino at Nicole eh,” anang isang lalaki na may hawak pang fried chicken sa isang kamay. Ngumiti ito nang makita siya. Ang isang lalaking inabutan nila ay pizza naman ang kinakain.

“Okay lang, pare. Sabi naman ni Aurora ay tapos na raw ang estimate,” ani Euan, bago bumaling sa kanya. “By the way, I want you to meet my Sweetheart, Shaine.”

My Sweet Surrender (COMPLETED) Where stories live. Discover now