Teaser

7.6K 174 2
                                    

"Hindi ako over-confident, Sweetheart, I am determined. Magkaiba iyon. Gagawin ko ang lahat, mapasagot lang kita."

Presko, maloko, asumero. Mga katangiang ayaw na ayaw ni Shaine sa isang lalaki na lahat ay nakita niya kay Euan Silva. Unang pagkikita pa lang nila, "Sweetheart" na kaagad ang tawag nito sa kanya, at kung umasta pa'y tipong matagal na silang magkakilala.

Lahat ng pag-iwas sa binata ay ginawa niya. But the guy know all the right cards to play, and he definitely know all the right words to say. Kaya naman unti-unti pa rin siyang nahulog sa amuserong binata.

Pero bakit kung kailan tinanggap na ni Shaine ang pagtawag nito ng  "Sweetheart" sa kanya at ipinakilala na niya ito sa kanyang pamilya, saka pa niya nalaman na ang lahat pala ay sa laro lang nagsimula.

My Sweet Surrender (COMPLETED) Where stories live. Discover now