3.5 Mysterious Queen

4.1K 71 1
                                        

Chapter 3.5--Mysterious Queen

--------

"Congrarulations Keisha. Condition#2 Accomplished!" masayang sabi ni Kim Sy.

Nagpalakpakan naman sila at parang masaya na isa nalang at magiging official Royal Queen Bee na ako.

Wala talaga silang kaalam-alam na bestfriend ko yung ipinabully nila sa akin, well except kay siomai na parang abot langit ang tuwa dahil sa pinaggagawa ko sa bestfriend ko.

"This is a call for a celebration!" excited na sabi ni Kim.

Hindi ko alam kung kailangan ba akong ma-excite sa celebration dahil natapos ko na ang condition#2 and I am one step closer in being a Royal Queen Bee o hindi dahil sa ginawa ko kay Claire.

"Let's Go. Nagpaluto na rin ako sa mga maids namin." -Kim

Pagkatapos noon ay dumiretso na kami sa parking lot at napagdesisyonan namin na sumabay na kaming lahat sa kotse ni Kim dahil hindi pa naman namin alam ang bahay nila.

Mahigit isang oras ang naging byahe namin, sobrang antok ko na nga eh. Pero pinilit kong huwag makatulog at baka tunulo lang ang laway ko at ipang-blackmail pa sa aking ng siomai na iyon

At sa wakas nakarating narin kami, alam ninyo kung paano? Kasi maganda ako.! Alam ko walang connect maisingit lang ulit. Hahahaha.

Alam kong sila ang pinakamayaman na pamilya sa buong Pilipinas pero hindi padin ganito ang in-expect ko.

Walang salita ang makakatumbas o makakapagpaliwanag sa kung anong nakikita ko ngayon.

Gate palang nila pang palasyo na talaga. Oo hindi bagay ang salitang bahay o hacienda sa kung ano ang nakikita ko ngayon, Mahihiya pa nga yata pati ang salitang mansion.

Pumasok na kami sa gate habang nakasakay padin kami sa kotse at huminto iyon kahilera ng halos isang daang kotse na nakapark doon.

Pagbaba namin ng kotse may sumalubong sa amin na apat na babae na nakasuot ng maid outfit. Sabay-sabay silang yumuko at sinabing

"Good Afternoon Ma'am Kim."

Pagkatapos ay isa-isa silang lumapit sa amin at isa-isa kaming pinayungan.

Wow naman feeling boss reyna talaga kami ngayon.

Inihatid nila kami hanggang sa pintuan na sa sobrang laki pati yata si Goliath ay makakadaan.

Pinagbuksan nila kami ng pintuan at bumungad sa amin ang isang red carpet. Lakas maka hollywood.

Grabe sobrang laki talaga ng mansion ng mga Sy kung pwede lang sana na magpa-ampon matagal ko ng ginawa.

Ang mga maids naman ay nagakalat sa buong mansion.

Paano kaya nila napapasweldo ang daan-daan nilang mga maids.

"Dumiretso muna tayo sa kusina" -Kim

At pumunta nga kami sa kusina, grabe yung mesa nila kayang makapag-occupy ng mahigit 50 na katao.

"Hindi naman kayo nagtitipid sa upuan noh. Hahahaha" biro ko kay Kim.

Bakit kaya parang ako lang ang namamangha sa aming mga nakikita. Baka naman kasi first time ko palang pumunta dito diba at sila ilang beses na.

For sure naman noong una nilang makita ito ganito din yung mga mukha nila.

"Ilan ba kayong nakatira dito?" Nagtatakang tanong ko.

"Kung wala ang mga maids, cooks at bodyguards tatlo lang kami nina Dad at Mom."

Huh??? Grabe naman ang laki-laki ng mansion nila tatlo lang sila. Tsk. Tsk.

MYSTERIOUS NERD 'S SECRET (COMPLETED)Where stories live. Discover now