Chapter 3.7--Aggregates
--------
Isang araw na nanaman ang aking uumpisahan, isang araw para ipakita sa lahat ang natatangi kong ganda. Ang ganda ng nag-iisang diyosa sa Royal Academy.
Ang ganda-ganda ng araw na ito ngunit mas maganda pa rin ako, tamang-tama ang panahon hindi gaanong mainit hindi din maulan.
Pero bakit ganito ang aking nararamdaman? Bukod sa alam kong marami na naman ang mahuhumaling sa aking ganda parang may iba pang mangyayari. Nakakakaba naman.
Nakaka BV (Bad Vibes) naman kaumaga-umaga e.
"Goooooooood Morning.!" bati sa akin ni Kim sabay yakap.
"Ay napakaganda ko talaga, mukha akong Diyosa." bigla kong nasabi sa sobrang gulat.
Ganyan talaga ako magulat hindi kagaya ng iba na puro mura atleast ako puro puri sa sarili. E sa totoo naman.
Minsan talaga hindi ko maintindihan ang Kimchi na ito, kagabi lang kung ano-anong pinagsasabi sa akin ngayon naman parang bata na nakakita ng kalaro.
"Good Morning Kimchi." bati ko din sa kanya.
"It's not Kimchi it's Kim Sy." pagtatama niya sa akin.
"Whatever. By the way yung sa kagabi, anong ibig sabihin mo doon sa sinabi mo?"
"Ah wala. sige una na ako. May meeting pa kami sa Student Council e. Sige Bye."
Tsss. Weirdo.
Dumiretso ako sa room naming Fourth Year Section . Marami narin sa mga kaklase ko ang nandoon ngunit halos sila may hawak-hawak na libro.
Ohmy. May Quiz pala kami sa Sociology ngayon at hindi ko nadala yung libro ko.
At first period namin iyon sa araw na ito.
Inikot ko ang aking mata sa buong classroom,
Nakita ko si Xiu Mhay. Napailing nalang ako. Alam ko naman hindi ako papahiramin ng Nerd na iyan. Bukod sa Super Ultra Mega Grade Concious siya, hindi naman talaga kami close remember.
Ano ng gagawin ko niyan? Bukod kay Mhay wala na akong gaanong ka-close sa mga kaklase ko.
Nang mapatingin ako sa bandang sulok ng classroom namin, may nakaupong babae doon na nakahiwalay sa mga kaklase namin.
Oo nga si Claire!
Siguro naman papahiramin niya ako ng libro, we're still bestfriends right?
Bestfriends pa nga ba? After ng pinaggagawa ko sa kanya ituring parin kaya niya akong bestfriend niya?
After all wala narin naman akong choice, kaya nilapitan ko na siya.
"Hi Claire. May I borrow your Sociology book? O kaya share nalang tayo kung okay lang sayo?"
Inangat lang niya ang kanyang ulo para tignan kung sino ang nagsalita. At dali-dali niyang linigpit ang kanyang mga gamit at lumipat ng upuan.
Naiwan lang akong nakanganga doon. Aw lang? Ang cold na niya sa akin. Hayaan mo Claire darating din ang panahon na maiintindihan mo kung bakit ko ginagawa ang lahat ng ito.
Tsss. Nevermind. Hindi din naman kailangan mag-aral ng magagandang katulad ko, stock knowledge lang sapat na.
*Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiing*
Tumunog na ang bell. Nagsipasok na rin ang mga kaklase ko na nasa corridor kanina.
Ilang sandali lang dumating na rin ang sociology teacher namin.
ВЫ ЧИТАЕТЕ
MYSTERIOUS NERD 'S SECRET (COMPLETED)
Подростковая литератураUnveiling now the mysterious nerd's secret!
