Dapat talaga sa Christmas Break pa ang mga susunod na update dahil nga may iba kaming subject na magpapamidterm na this week. T.T pero dahil nagsuspend ng mga classes ng Monday at Tuesday at rest day namin tuwing Wednesday eto na!! Sana magustuhan niyo. :)
Dedicated to: RichelleOliveros . Thank you sa pagvovote at pag-appreciate.
-------------
Chapter 11.1--Cluster Hotel
"Hoy babae tara na! Sa sasakyan mo na tawagan si Prince mo!" sigaw sa akin ni Thea habang papalapit na ako sa van na sasakyan namin.
"Wait lang! eto na!"
Ngayon kasi ang week-long Battle of the Finest namin na gaganapin sa Cluster Hotel at 9:00 ang sinabing oras sa amin ni Principal Sy.
Sumakay na ako sa van na sasakyan namin papunta sa venue, katabi ng driver si Principal Sy, sa unang row naman nakaupo sina Kim at Lance, sa pangalawang row sina Thea at Mr. Alvin si sir kasi ang magiging adviser namin sa buong Battle of the Finest at sa pagkakaalam ko okay na daw kay Principal Sy ang relationship nila basta daw never silang mag-uusap sa loob ng school except kung tungkol sa studies, sa pangatlong row naman ay si Mhay, at sa panghuli ay si Liam naman ang nakaupo.
Pumunta ako sa pinakahuling row at tinabihan si Liam na abalang-abala sa pakikinig ng musika na animo'y may sariling mundo.
"Nasaan na ba yung Thyrone na iyon? Pa-VIP ha!" sigaw ni Mhay na parang iritang-irita.
"Wait lang babe excited ka naman na makatabi ako?" pambungad ni Thyrone na kakadating lang.
"Letse, bilisan mo na nga. Bwisit!"
Pinag-usapan kasi namin kahapon na pagtabihin ang mga couples at dahil wala dito ang mga lovey-dove namin ni Liam kami ang pinagtabi.
Nagsimula ng umandar ang van na sinasakyan namin at makalipas ang ilang minuto nakatulog na sina Kim at Lance ng magkayap, sina Thea at Sir Alvin naman tahimik lang na nagkukulitan, boses naman nina Mhay at insan sa kanilang pag-aasaran ang namamayani sa buong sasakyan.
"Hoy lalake pahingi nga niyang kinakain mo!" -Mhay.
"Ayoko nga. Bumili ka ng iyo! Bleh!" -Thyrone, at dumila pa.
"Edi huwag letse ka ang cheap naman niyang kinakain mo!" -Mhay, sabay kuha niya ng Nutella at Lays sa bag niya.
"Meron ka naman pala, gusto mo pa share tayo! Ayieeh! napaghahalataan ka tuloy." -Thyrone, sabay tusok pa sa tagiliran ni Mhay habang inaasar.
"Yum. Hmmmmmmmmm. Sarap." -Mhay, habang kinakain niya ang pagkaing linabas na parang sarap na sarap para inggitin si Thyrone.
"Kaya ka tumataba eh!" -Thyrone.
"Anong sinabi mo?" -Mhay.
"Tumataba kana Araaay!" -Thyrone, habang hinahampas siya ni Mhay.
"No! Binibilang ko kaya ang calories na tinatake ko sa bawat pagkain ko at cinocompute ko din kung ilang oras ang kailangan kong iconsume sa gym para mawala ang mga calories na iyon." -Mhay.
"Tsss. Nerd! sinabi ko lang na tumataba ka andami mo ng sinabi." -Thyrone.
"I'm just intellectually excelent. Kasalanan ko bang hindi kinakaya ng utak mo ang sinasabi ko?" -Mhay.
YOU ARE READING
MYSTERIOUS NERD 'S SECRET (COMPLETED)
Teen FictionUnveiling now the mysterious nerd's secret!
