4.2. Prince (Part 1)

3.9K 83 0
                                        

Chapter 4.2--Prince (Part 1)

--------

Point of View of Prince Esteban

How much can I sacrifice for love?

My friendship, family, prestige and even my happily ever after.

*******

I am Prince Esteban, 17 years old, nag-aaral sa Royal Academy.

Mala-Jose Rizal na buhok, makapal na salamin, baduy na porma, at mga libro sa aking mga kamay. Kung may makasalubong kayo na ganyan siguradong ako iyon.

Ngunit hindi lahat ng inyong nakikita at nababasa ay totoo. Dahil isang maskara na punong-puno ng pagpapanggap, kasinungalingan, at sakripisyo ang pilit na bumabalot sa aking pagkatao. Sa pagkatao ng isang Prince Esteban.

----------

Napagdesisyunan kong umupo muna sa Linear Park at doon na din mag lunch.

Oo mag-isa lang ako, forever alone kumbaga. Simula kasi ng nagalit sa akin si Keisha pati si Claire iniwasan ko na din sila. Balita ko nga pati silang dalawa ay wala na ang pagkakaibigan binuo nila ng ilang taon.

At sa pamantasan na kung saan mahigpit na sinusundan ang casting system, kaming mga hamak na emperor na walang kaibigan ang madalas na binubully.

Patapos na ako sa aking pagkain nang,

"Psssst." tawag sa akin ni Kim Sy ang Queen of Power and Authority ng Royal Academy. Student Council President at kabilang sa pinakamayamang pamilya sa Pilipinas ang pamilyang 'Sy'.

Tinapunan ko lang siya ng tingin na parang nagtatanong kung napano ba siya.

At binigyan niya ako ng isang malapad na ngiti.

Ano nanaman kayang nakain ng babaeng iyon?

Nang lingunin ko siya ulit nakarating na siya sa kanilang tambayan kasama si Meelk Thea. Ang Queen of Queens at The Face of Royal Academy.

Nandito sila? Maari kayang nandito din si Keisha? Kung sinuswerte ka nga naman.

Ngunit hindi niya ako maaring makita dito, kailangan kong magtago.

Kaya tumayo ako para magtago, ewan ko ba bakit ang saya ko na kahit sa malayo ko lang siya natititigan.

Nang biglang dumaan si Xiu Mhay ang Brainy Queen at consistent top one ng Royal Academy.

Magtatago na sana ako sa likod ng halaman kagaya ng palagi kong ginagawa ng biglang may sumulpot na babae na tanaw mula sa aking peripheral vision.

Takte si Keisha pala.

Hindi ko napigilan ang aking sarili na mapatingin sa kanyang mga mata at kagaya ng dati parang na stock ang mga mata ko sa pagtitig sa kanyang mga mapupungay na mata.

Ibang-iba na siya sa Keisha Montenegro na nakilala ko six months ago, na naging bestfriend ko. Siya parin naman yung Keisha na may mala-anghel na mukha, napakatangos na ilong, nang-aakit na mga labi, may mala-porselanang kutis, at mapupungay na mata.

But excluding her physical features ibang-iba na talaga siya, kitang-kita ko sa mga mata niya. Isang Keisha Montenegro na punong-puno ng poot, galit at paghihiganti.

Nabalitaan ko nga isa na siya sa mga Royal Queen Bees na hinahangaan ngunit kinakatakutan sa Royal Academy, iba na talaga siya sa napaka down-to-earth na Keisha na kilala ko.

Hindi naman siya ganoon dati, pero anong nangyari? Ganoon ba kasakit ang nagawa ko sa kanya noon? Na dumating sa puntong pati sariling pagkatao niya ay binago niya?

MYSTERIOUS NERD 'S SECRET (COMPLETED)Where stories live. Discover now