32

271 14 0
                                    

"Oh, Notebook mo." Inabot naman ni Rosé ang kanyang hawak kay Jaehyun.

"Kinuha ko ulit yan kay TY kasi wala kang balak ibalik notebook ko." Dagdag pa ni Rosé.

"Thaaank you! Nag notes ako sa notebook mo. Sana nag notes ka din para sa akin." Sabi ni Jaehyun. Binuklat naman ni Rosé ang notebook nya at nakita nyang meron ngang notes na sinulat.

"Don't worry, sinulatan ko ng notes yan. Wala din ako mapag sulatan na iba e." Sabi ni Rosé .

Nasa hallway sila papunta na sa mga room nila. Napatingin naman si Jaehyun sa braso ni Rosé . May parang kalmot ito at napatigil naman sa paglalakad si Jaehyun na nagpatigil din kay Rosé .

"Oh bakit?" Tanong ni Rosé .

"Anong.. Nangyari sa braso mo?" Napahawak naman si Rosé sa braso nya at parang tinatago ang kalmot.

"A-ah, walaaa. Kinamot ko lang kaya ganyan." Sagot ni Rosé . Huminga ng malalim si Jaehyun at nag simula na ulit mag lakad.

"Lagyan mo ng ointment yung nangangati para di mo kamutin ng sobra. Nagmukha tuloy na para bang may nakaaway ka." Sabi ni Dylan. Natawa na lang ng mahina si Rosé at nag lakad na papunta sa room nila.



---

"Mga boi, ingat kayo ha." Paalam ni Lisa kasi sinundo sya ng mother nya.

"Kayo din ni tita." Pagpapaalam ni Rosé .

"Oy, ingatan nyo tropa ko ha. Sakalin ko kayo pag may nangyari dyan." Pagbabanta ni Lisa kay nila Jaehyun at Taeyong. Umalis na ito at naiwan na lang silang tatlo.

"Una na kami sayo, Rose. Ingat sa pag-uwi." Paalam ni Jaehyun at sumakay na sa kotse nya. Kasabay ni Jaehyun si Taeyong at sumakay na din to sa Kotse. Naunang umalis ang kotse nila Jaehyun .

Nang makaalis na, pumunta na sa kotse si Rosé . Pagkalapit nya ay nakita nyang, flat ang tires ng kotse nya. Nakaramdam agad sya ng takot at para bang di alam ang gagawin.

'I don't have a choice to walk by myself today.'

Yan ang tumakbo sa utak nya. Nag simula na syang maglakad. Malapit lang naman ang school nila so di ganon kalayo kung mag lalakad pauwi.

Kinakabahan si Rosé at nag palingon-lingon habang nag lalakad. Alam nyang may nakasunod na naman sa kanya.

"Please, Ayoko na." Bulong ni Rosé na bumibilis ang lakad at mas bumibilis ang pag hinga. Napatigil sya sa pag lalakad ng marinig nya talaga ang ingay ng sapatos ng nasa likod nga.


Napatakbo ng sobrang bilis si Rosé at naririnig nya din ang yabag ng taong nasa likod nya na pilit syang hinahabol. Pagkaliko nya sa may kanto ay may biglang humila sa kanya at pinasok sya sa isang itim na kotse.

#𝟏 | ❝𝐍𝐎𝐓𝐄𝐁𝐎𝐎𝐊❞ ;ᴊ. ᴊᴀᴇʜʏᴜɴTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon