63

216 17 10
                                    

12:28 am


Naka pwesto na ang mga pulis sa nasabing tagpuan ng stalker upang kunin si Rosé. Nakakalat at nag hihintay ang lahat sa kung sino man ang lalapit kay Wendy na naka upo sa bench.


Isang lalake ang nag pakita sa di kalayuan na nakasuot ng kulay pulang t-shirt at black na jacket. Sa itsura nito ay nasa edad 35 pataas na ito. Nag lalakad ito papunta sa direksyon ni Wendy.


"PEDO--" Isisigaw sana ni Jeno ang salitang 'pedophile' nang takpan ito ni Renjun at sumenyas na tumahimik na lang.


"Rosé." Tawag nito kay Wendy. Narinig nila ito at tama sila ng hinalang ito ang lalakeng stalker ni Rosé.


"Wala pa yung ibang kapulisan." Sabi ng isang pulis na katabi ni Jaehyun.


"Wag po kayo mag-alala, alam po namin kasi uso sa mga story ang nahuhuli yung mga pulis kaya gumawa na kami ng paraan." Sabi ni Jaehyun and exposing some ofthe action / Tragic scene scenes.


"Sorry sir, nahook yan sa Cardo. But we'll buy you some time." Bulong ni Jhonny. Nakita nilang malapit na sya sa kinauupuan ni Wendy ng may biglang sumupot na mag babalot.


"Oh ayan na pala e." Sabi ni Jisung at nag pigil ng tawa.


"BalooOoOoOooOttt!!!" Sigaw ng lalakeng nag bebenta ng balot na may tono pa ang pagtawag. Nag momoonwalk ito papalapit sa stalker.


"Ingay naman nito." Napatigil sya sa pag lalakad dahil humarang ito sa harap nya.


"Kuya, bili ka na sa akin ng BaloOoOoOoooOt!!" Nagpakawala ulit ito ng mataas na Highnotes sa pagbigkas ng Balot.


"Ano bang pinakain nyo kay Haechan at ganyan sya ka hyper?!" Tanong ni Jaehyun kay nila Jisung. Nagpipigil naman ng tawa ang lahat pati na rin ang mga pulis.


"Tumabi ka nga dyan kung ayaw mo masaktan!!" Sigaw ng lalake sa magbabalot na si Haechan pala.

"Kuya, wag mo palampasin 'to! World class 'to! Malay mo next week exported na balot ko! You will miss the chance na matikman to bago sumikat at mag mahal!" Pang s-sales talk ni Haechan sa lalakeng stalker. Napa kamot at napadabog na lang ang lalake at kinuha ang wallet.


"OO NA BIBILI NA AKO MATAHIMIK KA LANG!!" Sigaw nito at patabog na kumuha ng pera.


"Ser, barya lang po. Wala pa ako benta, wala ako panukli. 23 lang ho!" Sabi nito.



"OO NA MANAHIMIK KA NA LANG!!" Sigaw pa muli nito.


"Buenas ka sir! Dahil dyan, ipagbabalat na kita! Sherep teh." Sabi ni Haechan at binasag ang shell ng balot at binalatan. Naka upo sila sa posisyong 'asian sit' at nasa gitna ng daanan.  Habang busy sa pag paghahanap ng barya ang lalake, sumenyas naman si haechan mula sa likod na 'daan na!'. Nag jogging naman padiretso si Jaemin at sinadyang mabangga ito para ngumudmod ang muksa sa balot na nabalatan.

#𝟏 | ❝𝐍𝐎𝐓𝐄𝐁𝐎𝐎𝐊❞ ;ᴊ. ᴊᴀᴇʜʏᴜɴWhere stories live. Discover now