64

209 12 3
                                    


"Rosé." Lumapit ang lalake sa kinauupuan ni Wendy. Tahimik lang si Wendy at hindi kumibo. Nakaabang naman ang lahat sa pwedeng mangyari at naka alerto ang mga pulis na naka-kalat.



"Asan na mga gamit mo?" Tanong ng lalake nung nakalapit na sya. Kinabahan naman si Wendy ng maalala nyang wala syang dala kahit anong gamit ni Rose as a props.



'Oh shit oo nga no? ba't di ko naisip yun?!' nagkunwaring nagpupunas ng luha si Wendy at napansin yun ng lalake.



"Wag ka na umiyak. Bibilhan na lang kita ng mga bagong gamit. Sasaya ka sa akin." Sabi ng lalake at pumunta sa harap ni Wendy. He touches her shoulder tracing down and continue until he reaches her legs. Wendy flinched and trying her best not to scream or act like 'not-so-Rosé'.



"Akin ka na. Kaya wag ka na umarte dyan. Hindi ka na makakatakas pa." Bulong nito sa inaakala nyang si Rosé. 



"You forgot something." Mahinang boses ni Wendy.



"What is it, baby? Do you want me to commemorate this special day with a kiss? I can give you one." Sabi ng lalake. 



"No. You're messing with the wrong blonde girl." Pagkasabi nito ni Wendy ay agad nyang isinaksak sa leeg ng lalake ang Tazer na kanina nya pang hawak. Nakamax power ito at umaalingaw-ngaw ang tunog ng Tazer at ang pag-inda ng lalake.



"SUGOOOOODDDDD!!!" Sigaw ni Jaehyun at nagtakbuhan sila papunta sa direksyon ni Wendy. Nangingisay ang katawan ng lalake at hindi makatayo. Paglapit nila Jaehyun ay kinuha agad nila ang baril na nasa gilid ng lalake at saka nila pinag tata-tadyakan. 



"YAN PARA KAY ATE JISOO!" Sigaw ni Jeno habang sinasabunutan nila yung lalake. Pumuwesto naman si Johnny sa legs ng lalake at tinadyakan ito sa maselang bahagi nito. 



"KAININ MO MANI MO!!" Sigaw ni Jhonny. Pinagbababato naman ni Haechan at Mark yung lalake ng mga paninda nila kaninang balot at Mani. 



"AYAW MO BUMILI SA AKIN HA!!" Bulyaw ni Haechan habang pinabato nya ng Balot yung lalake. 


"PARA TO SA ROSE KO!!" Sigaw ni Jaehyun habang hinahampas ang lalake gamit ang tabong pangsalok nang mani ni Mark.



"WINWIN!!" Sigaw ng lahat. Napatingin naman ang lalake sa paparating na lalakeng umaatras pa. 



"PARA SA BAYAN AT MAMAMAYAN!!" Sigaw nito at tumambling at sinipa ang mukha ng lalake. Nawalan naman ng malay ang lalake at natumbang may dugo sa bibig at ilong. Lumapit naman ang pulis at pinosesan ang lalake.



"Parang di nyo naman kami kailangan?" Sabi ng pulis na napapakamot dahil nakita nya ang itsura ng lalake. 



"Asan ako?" Tanong ng lalakeng bugbog sarado na umiikot ang paningin habang buhat-buhat ng kapulisan. 



"You are under arrest, Sir. You have the right to remain silent and refuse to answer questions. You have the right to consult with a lawyer and have that lawyer present during any questioning." Sabi ng isang pulis. Atsaka dumiretso sa police mobile. 



"Thank you for coming." Sabi ni Chenle sa mga pulis. Kinamayan nya ang mga ito at pinasalamatan bawat isa.



"Iba talaga si President Chenle." Bulong ni Jaemin sa mga kasama nya. Napatango na lang sila habang pinapanuod si Chenle kamayan lahat ng pulis. 



"Kadiri naman yun. Pedophile." Sabi ni Ten habang pinapagpag ang kamay nya. Napalingon naman sila sa dalawang naglalako kanina.



"Sayang yung peanuts ko." Bulong ni Mark kay Haechan. 



"Ako din. Nagsisi ako" Dagdag ni Haechan habang tinignan ang mga balot na nasayang nya. Napailin na lang sila at iniwan nalang ito. 



"Hon, you alright?" Tanong ni Eric kay Wendy. Tumango ito at inayos ang buhok. 



"Grabe. Nasukat yung patience ko dun. Yung feeling na gusto ko na sya suntukin nung palapit pa lang sya! Gosh!" Paliwanag ni Wendy with action. Natawa naman ang lahat dahil sa kwento ni Wendy. 



"Guys." Napatingin naman sila kay Ten na kausap sa phone si Lisa na nasa ospital. 



"Bakit?" Tanong ni Jaehyun. 



"Umm.. si Rosé." Nagtanguan silang lahat at tumakbo na papunta sa mga kanya-kanyang kotse nila.



--

#𝟏 | ❝𝐍𝐎𝐓𝐄𝐁𝐎𝐎𝐊❞ ;ᴊ. ᴊᴀᴇʜʏᴜɴWhere stories live. Discover now