42

232 14 0
                                    


Dali-daling tumakbo sila Lisa at Jaehyun paputa sa Emergency Room Waiting Area. Pagpasok nila ay naabutan nila ang kaibigan nilang tulala at yakap-yakap ang sarili. 


"Rosé !" Sigaw ni Lisa . Tumakbo ito at niyakap ang kaibigan. Ikinumot naman ni Jaehyun ang Jacket nya kay Rosé na nanginginig sa mga yakap ni Lisa. 


"Anong nangyare?" Natatarantang tanong ni Lisa sa Kaibigan. 


"Si Jisoo Eonni--" Di na nya natapos ang sasabihin nya ng umiyak ito sa harap ng dalawa. Niyakap  ulit ito ni Lisa at pinapakalma. Napalingon at napatayo naman silang tatlo ng lumabas na ang doktor.



"Stable na ang Patient. Buti naagapan namin ang bleeding. Ililipat na namin sya sa ICU." Sabi ng Doktor at lumabas na ulit. Napaupo naman si Rosé dahil nakahinga na sya ng malalim.



"Ano ba kasi nangyare?" Tanong ni Jaehyun. 



"May nang hit and run kay Eonni. Walang plate number yung bumangga sa kanya kaya wala pa rin kaming lead." Sagot ni Rosé . 



"This is getting weird. Bat nila gagawin kay Eonni yun? Sobrang bait ni Jisoo." dagdag pa ni Lisa . 


"Alam na ba ng parents nya?" Tanong ni Jaehyun. 



"Yes. Kukunin na muna nila si Eonni." Sagot ni Rosé . 



"Hala pano ka?" Tanong ni Lisa . 


"I'll stay. " Maikling sagot ni Rosé . Kinuha naman ni Lisa phone nya sa pocket at ngumiti. 


"Wait for me. I'll contact my mom." Lumabas ito sa Emergency room at may tinawagan. Lumuhod naman si Jaehyun sa harap ni Rosé at lumebel sa mata nito. 



"Everything's gonna be alright. I promise." Bulong ni Jaehyun dito. Naiyak na lang ulit si Rosé at napayakap kay Jaehyun . 


"Sorry. You don't have to come but you did." sabi nito sa pagitan ng pag iyak nya. 


"Don't be sorry. Andito lang kami para sayo." Naramdaman ni Jaehyun ang pagbigat ng yakap ni Rosé kaya inayos nya ang hawak dito. 


"Rosé ?" Bulong nito. Pumasok na ulit si Lisa at naabutan ganon ang pwesto ni Rosé at Jaehyun . 


"Anyare?" Tanong ni Lisa . 


"Check mo nga." Bulong ni Jaehyun . Chineck naman ni Lisa si Rosé na nakasubsob sa balikad ni Jaehyun . 


"Tulog paps!" Bulong nito. Natawa naman ng mahina si Jaehyun at binuhat na si Rosé . 



'Ang gaan naman nito.' Nasa utak ni Jaehyun nung binuhat nya si Rosé . 



"Nasa ICU na sila Tita at mama. Dumiretso ka na sa Parking lot. Iuwi na muna natin si Rosé . I'll tell tita na lang na iuuwi na muna natin siya." He nodded as he responds to Lisa's words. He immediately went to the parking lot and waited for Lisa.


"Tara na!" Binuksan ni Lisa ang back door at dun na pumuwesto si Jaehyun at Rosé . Si Lisa na ang nag drive pauwi.


---


#𝟏 | ❝𝐍𝐎𝐓𝐄𝐁𝐎𝐎𝐊❞ ;ᴊ. ᴊᴀᴇʜʏᴜɴTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon