62

218 16 0
                                    

Park's #0 fan
No mutual friend.

11:40 pm

Rosé Park
Please stop.
Alam kong ikaw yung kanina!!

Seen 11:42 pm

Park's #0 fan
Nagustuhan mo ba?
Sabi ko sayo, akin ka lang.

Rosé Park
What do you want?!
Ang dami nang nadadamay please!
Ano ba gusto mong mangyare?!

Park's #0 fan
Alam mo na yun
Gusto ko akin ka lang
Akin lang

Rosé Park
Ikaw din ba yung kay Eonni?

Park's#0 fan
Sino pa ba?
Makukuha ko na sana sya
Kaso tumakas.

Park's #0 fan
Nainis ako
Kaya sinagasaan ko na lang

Park's #0 fan
Ayoko na sa kanya
Pangit na sya sa paningin ko
Puro sugat na katawan nun

Park's #0 fan
Di katulad mo
Makinis, maganda
Masarap
Akin ka lang.

Rosé Park
Ano ba gusto mong mangyare?
Para tigilan mo lang ang
family and friends ko,
Ano ba gusto mo?!

Park's #0 fan
Sumama sa akin.
Mamuhay na tayo ng tahimik Rosé
Ikaw lang gusto ko
Wala nang iba

Rosé Park
Titigilan mo na ba sila
Kapag sumama ako?

Park's #0 fan
Pake ko sa kanila kung
nasa akin ka na?

Rosé Park
Ok.
For the sake of everyone.

Park's #0 fan
Sasama ka din pala
Kailangan ka pang paulanan ng bala

Park's #0 fan
Kukunin kita
Mag pakita ka sa Park
Sa river side.
12:30 am.

Rosé Park
Siguraduhin mong di mo na sila
Papakielaman
Mangako ka

Park's#0 fan
Nangangako ako
I love you
Mahal na mahal kita

Park's #0 fan
Akin ka na
Hahahahahahahahaha

Seen 11:53 pm

--

"Tangina." Bulyaw ni Jaehyun nang matapos ang chat between him and the stalker.


"Nakakadiri. Urgh!" Sigaw ni Lisa. Hinawakan naman sya ni Ten sa balikad at pinakalma.


"So ano sunod nating move, Eric hyung?" Tanong ni Jaemin.


"Makakahalata sya pag wala syang nakitang babae dun." Sagot ni Eric. Napa-isip naman ang lahat sa anong pwedeng gawin.


"I'll volunteer na mag panggap as Rosé." Napatingin naman ang lahat kay Wendy na nakataas pa ng bahagya ang kamay.


"NO! We're not risking your life in this situation, Hon! Masyadong delikado" Kita sa mukha ni Eric ang pag kagulat sa sinabi ni Wendy na agad nyang ikinagalit.


"Tama si Eric. Iba takbo ng utak nung lalake yun. He almost killed Jisoo from the hit-and-run accident." Dagdag pa ni Jaehyun na kahit papaano ay nag aalala din sa desisyon ni Wendy.


"Eto lang pwede kong itulong. Please. Mag ho-hood ako. May dala si Lisa na mga damit ni Rosé, pwede ko hiramin yun." Paliwanag ni Wendy.


"But still, it's very dangerous for you to risk it. Baka kung anong gawin nya sayo pag nalaman nyang di ikaw si Rosé." Eric is still explaining to Wendy that it's not the best choice.


"Hon, trust me. I can do this and I also trust you too. Alam kong di nyo ko papabayaan. Atsaka, may plano naman ako." Sagot ni Wendy. Ngumiti ito at may nilabas sa bag nya.


"Why do you--" di na natapos ni Eric ang sasabihin nya ng pinatahimik sya ng halik ni Wendy.


"For Emergency purposes? Hahaha." Lumapit na ito kay Lisa at nanghiram na ng damit. Lumapit naman si Jaehyun kay Eric at binulungan.


"Don't worry. Ikaw first kiss nyan." Napalingon naman si Eric kay Jaehyun at nag bro-fist ang dalawa.


"So simulan na natin ang malupit na plot?" Sabi ni Jaehyun at napatayo naman ang lahat ng tropa nya.


"Tumawag na ako ng pulis at nag papadagdag na ako ng pwedeng bumack up, hyung." Sabi ni Chenle na kakatapos lang mag phone call.


"Grabe, President Chenle for the win!!" Sigaw ni Renjun at itinaas ang kamay ni Chenle.


"Medyo maglalaro tayo mamaya."

---

#𝟏 | ❝𝐍𝐎𝐓𝐄𝐁𝐎𝐎𝐊❞ ;ᴊ. ᴊᴀᴇʜʏᴜɴWhere stories live. Discover now