Camille's Pov
Time check 4:10am may pasok na mamaya pero hindi parin ako makatulog .
Tinignan ko ang katabi ko . Carol mahal mo ba talaga ko ? Kanina pa kase ako naguguluhan .
Ilang oras na kong gising sigurado akong gising narin sila kaya bumaba ako.
Pagbaba ko nakita kong naghahanda si Ara at Mika . Minsan naiinggit ako sa kanila feeling ko kase ang perfect ng relationship nila .
"Wtf !?Ate Camille !?"Sigaw ni Justine pag kakita sakin .
"What happen ?" biglang lapit ni Mika samin .
"Look Ate yung eyebags mo oh " turo ni justine .
"Morning"Rinig kong sabi ni Kim sa likod napatingin ako sa kanya .
Sigurado akong pinagpatuloy nya ang pag iyak nya kagabi .
"Ano nangyari sa mga mata nyo ?" tanong ni Ara .
"Wala to napuyat lang" sagot ko naman .
"Eh ikaw ?"Sabi ni Mika tsaka tinuro si Kim
"Wala to " Walang emosyong sabi ni Kim .
"Goodmorning "Sa wakas gising na rin sya .
"Hoy Carol anong ginawa mo sa kapatid ko kagabi !?" sigaw ni Ciennang .
"Ha ? W-wala ano ka ba ! Baket !?"Takang tanong ni Carol .
"Kain na nga muna puro kay mata dyan"Sabi ni Ara tsaka umupo .
Syempre umupo kami at lahat tahimik parang walang gustong magopen up ulit ng topic.
"Ehem , ano ba meron sa inyo ? Ang tahimik nyo ?" pagbasag ni Ara ng katahimikan .
"Ligo na ko " Biglang sabi ni Kim . napatingin ako sa kanya este lahat kami.
Nang nawala na sa kusina si kim . Nagsalita si Ara .
"May tinatago ba kayo ?" syempre au hindi ako magpapahalata .
"Baka may ginawa kayong dalawa ni Kim Kambal ha !" biglang singit ni Kambal sa usapan kaya napatingin ako kay Carol na napatigil sa pagkain nya .
"W-wala ano ba kayo !"
"Maliligo na ako " tumayo naman si Carol .
"Sorry"Sabi ni kambal na nagpapacute .
"Ikaw Camille sabihin mo nga samin yung totoo " halatang galit na sabi ni Ara .
"Daks relax" sumubo muna si mika tsaka hinawakan ang balikat nito para kumalma .
"Ara ayokong pag--" naputol ang pananalita ko nang nagsakita ulit si Ara .
"May karapatan ako , dapat nga ako ang una nyang pinagsasabihan eh kaya karapatan ko captain ako dito kahit na hindi ako ang pinaka matanda gusto kong maging ate sa inyo " kalmadong sabi ni Ara .
Tumingin muna ko sa mga rookies at kila majoy .
"Hindi ko alam kung ito yung point pero feeling daw ni Kim nagbabago na si Mela "
"Anong klaseng pagbabago?" tanong ni Mika .
"Cold? Umiiwas? Less time for kim?" yun lang din kase ang napapansin ko kaya patanong .
Sinakop ng katahimikan hanggang sa natapos na kaming kumain at naka pag bihis .
Wala na talagang gustong magsalita .