MSR 25

3.2K 67 2
                                    

Camille's POV

"Ate Cams nakita mo ba si Ate Carol ?"Tanong ni Justine pagpasok ko ng dorm

"Bat mo sa akin tinatanong ?"Tsaka ako umupo sa upuan

"Simula kase kahapon eh gabi na umuuwi "Kamot ulong sabi ni Justine 

"Baka naman nakila Jirah "Sagot ni Kambal saka tumabi sa akin

 "Oo nga"Sagot ko tsaka ko binuksan yung TV

"Buti lang yun Camille wag kang magpakatanga dun sa Carol na yun "Sabi ni Kambal 

"Ate Cienne hindi naman sya nagpakatanga eh nagmahal lang sya "Sagot naman ni Justine

"Nagmahal nga sya di naman nasuklian "Sabi ni Kambal 

"Sinuklian naman ni Ate Carol kaso nga lang hindi tinanggap ni Ate Camille "Sagot ni Justine kay Kambal

"Basta wag mo ng bigyan ng chance yun "Sabi sa akin ni Cienne

"Bigyan mo ate Cams "Sabi din ni Justine 

"Teka nga para kayong Anghel at demonyo kay Camille "Biglang sabi ni Kim na kanina pa pala nasa gilid tas lumapit sa amin

"Eh kasi naman Kim dapat ang mga manloloko di na binigyan ng chance "Sabi ni Kambal

"Pero bat mo binigyan  ng chance si Ate tricia ha ?"Tanong ni Justine kay Cienne 

"Oh Ciennang sagot "Nakangising sabi ni Kim

"Kase mahal ko "Sagot ni Ate Cienne

"Oh mahal mo pala eh ganun din yung reason ng kambal mo  "Sabi ni Kim

"Tsaka Ate Cienne kung magbibigay ng chance kase sa tamang tao . Tamang tao naman si Ate Carol ah "Sabi ni Justine sa amin 

"Teka nga bat ang dami mong alam sa ganyan ?"Takang tanong ni Cienne kay Justine 

"Wala lang "Natawa naman kami ni Kim dun 

"Wala daw baka hindi namin alam may namamagitan na sa inyo ni Majoy ah "Pangaasar ni Kim kay Justine

"Wala kaya ate Kim dun na sya sa agila "Pagsusungit bigla ni Justine
Nagtatawanan kami ng biglang bumukas yung pinto ng dorm

"Hello "Sabi ng boses na galing sa pinto 

"Oh san ka galing ?"Tanong ni Kim 

"Dun lang . Akyat na ko "Ngiting sabi naman ni Carol

Maya maya ay nagkatinginan kaming apat

"Kausapin mo na kase "Sabi ni Kim

"Hindi naman ganun kadali yun Kim eh "Sagot ko tsaka nagkamot ng ulo

"Madali lang yun kung mahal mo talaga sya Cams"Dagdag ni Kim 

Carol's POV

"Oh bat ngayon ka lang ?"Tanong ni Ara pagpasok ko ng kwarto . Siya na kase ang bago kong kasama sa kwarto since nung alam nyo na yun .

"Naglabas lang ng sama ng loob sa sarili ko "Tsaka ako umakyat sa double-deck na kama 

"Bat sinisisi mo ang sarili mo ?"Tanong nya sakin

"Ako naman talaga diba ? nasaktan ko sya "Sagot ko sa kanya

"Pero diba mali naman yung bigla ka nalang nyang iiwan at pag nagkakasama tayong lahat parang  wala ka lang sa kanya "Sabi nya pero di ako sumagot 

Hindi ka ba nagsasawa na ikaw ang naghahabol ?"Tanong ni Ara ulit 

"Hindi naman sa naghahabol ako sa kanya "pag depensa ko

"Eh anong ginagawa mo ngayon kung hindi mo sya hinahabol ?"Rinig kong sabi nya na may halong tawa sa boses

"Waiting for the right time "Sagot ko

"Right time ? Maghihintay ka na lang ?"Tanong nya sa akin 

"Oo kahit gaano pa katagal "Sagot ko habang nakangiti dahil sa naisip ko si Camille

"Pano kung yung right time na hinihintay mo hindi na dumating ? aasa ka nalang ?"Sabi nya syemre seyoso

"Oo naman mahal ko kaya handa akong magpakatanga kahit na mas pinandidiinan nya pa sa akin yun,  na tanga ako kase tanggap ko lahat ng sasabihin nya tatanggapin ko yung mga salitang masakit hanggang sa malaman kong magsawa sya tas mahalin nya lang ako ulit "

"Pano mo nasasabi yang mga yan nasasaktan ka na nga ?"Takang tanong nya sa akin 

"Dahil kay Cams dahil mahal ko sya Ara "Simpleng sagot

Maya maya ay nanahimik kami at ako naman ang bumasag dun

"Ikaw Ara wala ka na bang balak balikan si Miks?"Tanong ko

"Hindi ko alam Carol nasaktan lang ako "Sagot nya

Hindi ako sumagot at hinayaan ko syang magsalita

"Hindi ko man lang alam yung pinag gagawa nilang dalawa sa likod ko , ni-hindi ko nga pinapansin yun eh kase may tiwala ako kay kiefer may tiwala ako kay M-mika"Sabi nya habang basag na ang boses hindi ko man sya tignan ay siguradong pinipigilan nyang umiyak

"Yung tipong akala ko hindi nila magagawa yun kase alam kong mahal ako ni Mika , Pero n-nung n-nalaman ko k-kay thirdy yung totoo ? Sabi ko sa sarili ko wag ka munang magcoconclude sa isang pangyayari baka kase may dahilan yun kaya ganun sila kumilos sa isa't-isa .May dahilan nga sya pero yung dahilan nyang sana ay dahilan din para di kami magbreak pero nawala "Ngayon alam ko ng hindi lang ako ang may buhat sa mundo

"Ara alam mo bang naiinggit ako sa relasyon nyo ni Mika ?"Sabi ko

"Bat naman ?"Sabi nya

"Kase nalaman kong kayo parin nung bumalik ako tas kung kumilos kayo para kayo na ang magulang namin tsaka ang perfect ng relasyon nyo pero di ko akalain na yung dating kinaiingitan ko wala na "Sabi ko

"Perfect ? Oo dati yun Carol DATI it's a fvcking past . Yung dating pangako namin na Forever ayun naging past din . Walang perfect Carol walang forever "Sabi nya na may halong inis sa bawat pagsasalita nya

Biglang bumukas ang pinto at pumasok so Kim

"Mukhang seryoso kayong dalawa ah ?"Tsaka sya umupo sa kama ni Ara sa baba

"Kim ikaw naniniwala ka ba sa forever?"Tanong ko

"Oo naman bat hindi?"Sabi ni Kim
"Baket ka naniniwala sa kasinungalingang yan ?"Tumingin ako sa kanila at nakita kong nakangisi si Ara

"Nung nakita ko si Mela sabi ko sa sarili ko sya na ang pang forever ko"Sabi ni Kim

"Ang Corny mo pala Wafs?"Tumatawang sabi ni Ara

"Ang panget mo pala pag seryoso "Tawang sabi ko pero biro

"Grabe naman kayo ! Basta naniniwala ako dun !"Sagot ni Kim habang tumatawa

"Pero Kim nung nangyari sa inyo FO diba ? Paano kung di kayo nagkaayos ?"Seryoso na ulit ang lahat

"Edi walang forever ganun lang kasimple "Napatawa nalang kami ni Ara sa sagot nya

May forever man o wala hihintayin ko parin si Camille

My Sweetest Revenge [With you Part 2]Where stories live. Discover now