MSR 46

2.9K 56 6
                                    

Carol's POV

"Carol hindi mo pa ba kakausapin?"Tanong sa akin ni Cienne habang umiinom ng gatas 

"Ano bang pag-uusapan namin?"Tanong ko pabalik habang kumakain

"Dalawang araw na kayong walang pansinan ? nakakaya mo yun?"Tanong nya ulit 

"Bat hindi ? wala rin namang patutunguhan "Tsaka ko nilagay ang pinagkainan ko sa lababo

"San ka pupunta?"Tanong nya

"San pa ba papasok "Sagot ko 

"Linggo ngayon !"Sigaw nya 

"Linggo pala "Kamot ulo kong sagot 

"Oh san ka ngayon?"Tanong nya ulit 

"Matutulog na lang ako "Tsaka ko binagsak ang katawan ko sa sofa

"Di kase nagtatanong kung anong araw ngayon "Rinig kong sabi ni Cienne

"Kaya pala tulog pa silang lahat "Sagot ko naman 

Camille'sPOV

"Si Carol?"Tanong ko kay Justine pagkagising ko 

"Ayun oh nakadapa dun sa sofa "Sabi nya tsaka nya nginuso yung nakadapa dun 

"Wag mong gisingin yan walang tulog yan "Sabi ni Kim sa akin dahil balak ko syang gisingin 

"Ah ganun ba? baket?"Tanong ko 

"Ewan ko sa kanya labas pasok sa kwarto kagabi eh "Sabi ni Kim tsaka dumeretso sa kusina

Umakyat muna ako para tignan ang cellphone ko dahil tinext ko si Den at kinwento ang nangyari sa amin .

"GoodMorning Mangga ! HAHA punta ka dito pleaseee  . miss ka na namin :)"Pagbasa ko sa text ni Den sa akin 

"GoodMorning Liit :P sige sige ngayon na habang tulog si Carol baka kase kung anong isipin pag nalaman nya ,mabilis lang ako ha miss ko na rin kayo ! "Reply ko naman tsaka ko binaba ang phone ko sa higaan at naligo 

 Pagtapos ko maligo at ginawa ang ang scenario ko ay bumaba na ako 

"Tulog pa?"Tanong ko kay Kim 

"Yep"Sagot nya kaya naglakad na ako palabas

"Teka teka kambal san ka pupunta?"Habol na tanong ni Cienne sa akin 

"Kila Den saglit lang ako ... uhmm alam ko na text mo ko kung gising na sya para ganung oras na lang ako uuwi"Sabi ko kay Cienne tsaka tuluyang umalis

Pagdating ko sa dorm ng ALE ay nakahoodie ako kinuha ko yung dating hoodie ni Carol na bigay sa kanya ni Jirah baka kase makilala ako at issue nanaman sa ibang tao 

"Hoy mga babae buksan niyo ang pinto "Sigaw ko dun sa bintana nila 

"Camille! "Rinig kong sigaw nila sa loob 

"Buksan nyo kaya yung pinto !"Ssigw ko sa kanila tsaka lang nila binuksan yung pinto 

"Oh musta na ? "Akbay sa akin ni Ella

"Okay lang "Sagot ko tsaka umupo

"Teka san mo nakuha yan?"Turo ni Jirah sa suot ko 

My Sweetest Revenge [With you Part 2]Where stories live. Discover now