MSR 47

2.8K 50 0
                                    

Camille's POV

"Carol kausapin mo na ako "Sabi ko tsaka ko sya hinawakan sa braso 

"Ano nanaman ba Camille?"Sabi nya habang nakatitig ng masama sa akin kaya bumitw na ako sa pagkakahawak ko sa kanya 

Camille nanaman ang tawag nya sa akin , namimiss ko na yung Cams , yung Mango .

"Dahil dun pa rin ba dun kaya mag-aaway tayo?"Tanong ko sa kanya 

"Camille ilang beses ko bang sasabihin kailangan ko lang ng tamang oras , pagtapos nun okay na "Sabi nya sa akin pero hindi nakatingin sa akin 

"Kailan yang tamang oras na yan? paano mo malalaman kung yun na pala yung tamang oras kung hanggang ngayon hindi mo ko kinakausap , Ano bang gusto mo magpakasal agad tayo ha !"Sigaw ko sa kanya 

Hindi ko na kaya na walang pansinan gusto ko na sya kausapin ngayon . Andito kami sa Dorm pero parang kami lang ang tao , nakatingin lang sa amin sila Kambal habang nagsasabatan kami .

"Hanggang sa lumayo ka kay Dennise!"Sigaw nya sa akin 

"Kaibigan ko sya Carol !"Sigaw ko din sa kanya 

"Wala akong pakielam , bat di na lang kayo ang magpakasal mas bagay naman kayo "Sabi nya sa akin tsaka umakyat sa taas

"Kambal"Tawag sa akin ni Cienne tsaka lumapit 

"Bat di mo na lang sya sundin?"Tanong nya sa akin

"Kambal alam mo naman na diba? Close kami ni Dennise wala naman kaming ginagawang masama pero parang ganun ang iniisip nya "Sabi ko sa kanya 

"Umiiyak ka nanaman! Tsk kaya ayaw kong nakikipagaway ka eh , alam mo na ngang wala kang laban sa kanya laban ka pa rin ng laban "Sabi nya habang pinupunasan ang luha ko 

"Mahal na mahal ko sya Cienne"

Carol's POV

"Carol naman bat naman ganun ginawa mo?"Tanong sa akin ni Ara 

"Ara kung ikaw rin naman masasaktan ka din "Nakaupo kong sabi

"Ganto na lang Carol , mag-usap na kayo kaysa magpataasan nanaman kayo ng pride dyan "Galit na sabi ni Ara

"Hindi mataas ang pride ko sadyang nasaktan lang ako sa sinabi nya "Sabi ko naman 

"Wala kang magagawa Carol kung ayaw nyang yun nga , mahal mo naman sya Carol eh hindi pa ba sapat yun?"Mahinahong tanong sa akin ni Ara

"Pero iba pa rin yung nakatali sya sa akin , yung masasabi ko talagang akin lang si Camille"Malungkot na sagot ko 

"Hindi bang parang ang aga naman atang pag-awayan yang pagpapakasal na yan? Gusto mo na ba talaga?"Tanong nya sa akin tsaka tumabi 

"Alam kong maaga pa Ara pero gusto ko namang may plano sya pero Ara WALA "Tsaka ako humiga

"Gusto mo na nga? bat ka ba exited?"Tanong nya ulit 

"Hindi naman sa gusto ko ngayon tsaka di rin naman sa exited ako "Paliwanag ko sa kanya 

"Eh ano nga kase!"Sigaw nya tsaka pinalo ako sa legs

"Aray ! hayy dahil kay Dennise ! okay na ?"Sagot ko tsaka hinimas himas yung parteng pinalo nya 

"Yun pala yun , nagseselos ka "Tumatawang sabi nya 

"Eh ano naman ?"Masungit na sabi ko 

"Hindi ba parang napaka-childish mo naman at para magtampo?"Tanong nya 

"Childish na kung childish basta gusto ko akin lang sya " Sagot ko

"Obsessed ka ba kay Camille? grabe to "Sabi naman nya sa akin 

"Obsessed na kung obsessed pag akin , akin "Sagot ko habang nakangisi 

"Sayo nga inaaway mo naman "Masungit naman na sabi nya 

"Anong gagawin ko napupuno na ako Ara"Sabi ko tsaka ko sinabunutan ang sarili ko 

"Selosa ka masyado alam mo yun?"Sarkastikong sabi nya  

"Carol you are acting like you're pushing her away , the way you talk  ,the way you act like she's nothing to you . Ano na lang iisipin ni Camille sayo? Paano kung nalaman ng magulang nya to ni hindi ka pa nga kilala ng parents nya sya lang ang kilala ng parents mo sigurado ka bang papayag sila ? kase Carol puro future ka na lang ang iniisip mo , go down there talk to her"Sabi nya sa akin tsaka ako hinatak sa baba 

"Pero Ara --"

"Wala ng pero pero bumaba ka !"Tsaka nya ako tinulak tulak sa hagdan na halos mahulog na ako 

"Camille kakausapin ka daw ni Carol!"Sigaw ni Ara kaya nanahimik lahat  

"Uhmm Cams Im sorry"Yun lang ang nasabi ko tsaka lumapit sa kanya 

"Pang-ilang beses mo na yang sinasabi sa akin "Sabi nya habang nakayuko 

"Im sorry hindi na kita pipilitin kung ayaw mo talaga , ikaw na nagsabi , sila na rin nagsabi na sapat na yung mahal kita , mahal mo ko "Tsaka ko sya hinawakan sa kamay

"Wala sigurong araw na hindi tayo nag-aaway sa maliit na bagay dahil sa akin , kaya siguro sabi ko sa sarili ko na hind ako karapat-dapat sayo kase nakikita kitang umiiyak dahil sa akin nakikitang kitang nahihirapan dahil sa akin pero kapag naririnig ko yung I love you mo parang gumagaan lahat Camille tulad kapag umiiyak ka hindi dapat kita iwan dapat mas samahan pa kita , kapag nahihirapan ka na sa sitwasyon natin , hindi ko na pala kailangang makipag-sigawan sayo kase mas kokontrolin ko na yung sarili ko . Hindi dapat ako nag-iisip na hindi ako bagay sayo kase mas perpekto pala tayo kapag mas nag-aaway"Sabi ko tsaka ko pinunasan ang luha nya 

"Hindi sa gusto kong mag-away tayo lagi , gusto ko lang na malaman mo na sa bawat pag-aaway natin hindi na ako bibitaw mas kakapit ako Cams kase diba nga? Ang Donkey ay para sa isang Mango . So for short ikaw para sa akin "Tsaka ko sya niyakap

"Im sorry sa ginawa ko nanaman , pero sana wala ng susunod "Hinalikan ko sya sa noo

"Okay tama na ang drama at pagtutula mo Carol papasok na kami ni kambal " Sabi ni Cienne habang pumapalakpak

"Panira talaga to "Sabi naman ni Kim

"May sinasabi ka?"Masungit na tanong ni Cienne kay Kim

"Wala ano ka ba , Tara na Carol pasok na rin tayo "Tsaka naman ako inakbayan ni Kim

My Sweetest Revenge [With you Part 2]Where stories live. Discover now