MSR 20

3.2K 66 3
                                    

Carol's Pov

Andito kaming tatlo ni ara at kim ngayon sa may gym tapos na ang school at practice dahil binulong sakin ni kim na magpaiwan daw ako at may paguusapan lang pumayag naman ako kahit isang buwan na ang lumipas at laging nauulit to.

"Umamin ka na nga Carol " biglang salita ni Ara

"Yan nanaman ba tayo?"Sabi ko naman

"Isang buwan ka naming pinipilit---"Sabi ni Kim na pinutol ko

"Kung ito nanaman paguusapan umuwi nalang tayo "Sabi ko tsaka ako tumayo sa Upuan ko

"Ilang araw narin namin nakikita lahat"sabi ni ara na halatang may galit sa boses

"Carol nasasaktan na si Cams isang buwan syang nagmukhang tanga sa ginagawa mo ! Maawa ka naman sa kanya iniwan mo na sya dati iiwan mo nanaman?"pagtanggol ni Kim kay Camille

"Hindi nyo alam ang nangyayari sa buhay ko .wala kayo sa tabi ko nang mga panahong hirap ako" hirap akong intindihin ang lahat at  alalahanin ang sakit . Gustong gusto kong sabihin pero di ko magawa kase may kirot akong nararamdaman .

"Carol please lang tigil na tong kalokohan na to kung mahal mo si Jirah edi pumunta ka sa kanya ! Hindi mo kayang manloko kilala kita Carol pero sa ngayon hindi ko alam kung kilala parin ba kita " sabi sakin ni ara

"Yun nga Ara hindi na ako yung dating Carol na tatanga tanga " pagpapaliwanag ko

"Hindi ka tanga dati Carol nagmahal ka lang pero ngayon ? Tanga ka nga , sobrang tanga mo para saktan ang taong mahal mo "Sabi ni kim habang palakad lakad at nakahawak sa ulo nya

"Si Jirah ang mahal ko !"Sigaw ko sa kanila para narin matigil na to

"Yun umamin ka rin ! Mabuti pa tara na kausapin mo si Cams magsorry ka tsaka mo sabihin ang mga salitang yan  !"Hatak sakin ni kim at nakihatak na rin si Ara

"Teka Teka bitawan nyo ko ! "pagpupumiglas ko

"Im not yet done to her  ! Gusto ko syang makitang halos walang buhay gusto ko syang magdusa Gusto ko syang saktan ! Gusto kong makita amg luha sa mata gusto ko---" bigla akong naputol sa pagsasalita ng nagsalita si Ara

"Gusto mo syang saktan kase gusto mong maranasan nya yung sakit na naramdaman mo dati !? What the Fvck Carol ! Okay na yung isa na yung nasaktan dati sana naman wag mo na syang idagdag !" Sigaw sakin ni ara

"Tama na to sana pagbigyan nyo ko sa gusto ko kahit ito lang pagtapos nito pwede nyo nang gawing lahat ng gusto nyong gawin sakin "Tsaka ako lumabas ng  gym at umwi .

Ara's Pov

"Baliw na sya " pailing iling kong sabi kay Kim habang pinagmamasdan si Carol palabas

"Pano na ? Sasabihin ba natin yung totoo? " takang tanong sakin ni Kim

"Oo?Hindi?Ewan?Wag na lang kaya !"Lito kong sabi sa kanya

"Ara naman ! Haisstt bahala na nga sila dyang dalawa mamroblema !"Sabi ni kim habang nagkakamot ng ulo

"Hindi na kailangan .... Matagal ko na rin namang alam "Biglang sabat ng isang pamilyar na boses

"What the !? Camille !?"Gulat na sabi ko tsaka ako lumiko ng tingin para tignan kung si camille ba yun

"Ang saya diba ? Atleast sakin parin sya atleast nasa tabi ko sya , At atleast kahit di totoo lahat ng sinasabi nya masaya ako "Sabi nya habang papalapit saming dalawa ni Kim na hanggang ngayon tulala sa mga luhang bumabagsak sa mata nya

"Camille ? Bat di mo sya kausapin ? Bat hinayaan mo lang lahat ! Baliw ka ba !?"sigaw ko sa kanya

"Ara please hayaan mo na lang kami masaya na ko "Sabi nya pero umiiyak parin

"Masaya ? Masaya ka sa itsura mong yan ?"turo sa kanya ni kim at sya nakayuko ma  kaya nagulat kami ng narinig namin syang umiyak ulit .

"Ara hayaan mong masaktan ako , okay lang basta wag lang syang mawala ulit sakin mahal na mahal ko sya " tsaka sya tuluyang bumigay at umiyak lalo .

Wala na kaming nagawa kundi ang tignan sya at tulungan kahit labag man samin yung ginagawa ngayon ni Carol sa kanya .

Camille's Pov

"Donkey !" sigaw ko pagpasok ng dorm

"Mango ko san ka ba galing ha !?"Tsaka sya lumapit sakin at niyakap ako

Nakita kong napatingin sya sa likod ko kung saan nandun si ara at kim

"ehemm ehemm " di man sila magsalita kitang kita ko sa mata nila na animo nageespadahan sa talim

"Akyat na kami ha bye!" tsaka ko hinatak si Carol paakyat

"Anong meron dun?" tanong ko pagpasok namin

"Ha?Anong sinasabi mo ?"Tanong ni Carol sakin

"Yung mga tingin nyo ." sabi ko tsaka umupo sa kama

"Ano ka ba wala yun "Tsaka sya lumuhod at hinalikan ako sa noo .

Feeling ko totoong mahal nya ko dahil sa mga ginagawa nya pero hindi si jirah parin .

"Tulog na tayo ?" tanong nya sakin

Ayoko siguradong pagnakapikit at nakayulog na ko iiwan mo ulit ako at pupuntahan mo nanaman sya

At syempre hindi ko masabi yan siguradong iiwan nya ko

"Tara na namiss kita eh" pagpapacute nya tsaka humiga

"Baliw andito lang naman ako ha ?"tsaka ako tumabi sa kanya

"Ay andyan ka ba ? Akala ko kase nasa puso kita " sabi nya habang niyayakap ako . Napangiti na lang ako .

Ganto naman lagi eh magpanggap na masaya para hindi nila makitang mahina ka .

My Sweetest Revenge [With you Part 2]Where stories live. Discover now