Chapter 4

3.8K 220 31
                                    

Right now, I'm somewhere alone in the forest with my basket in the middle of the night. Kung anong ginagawa ko dito? Well, I set out this late to collect important herbs which only blooms at exact midnight.

I was an Assassin. Kapag may misyon ako hindi maiiwasang hindi ako mapuruhan at since wala akong oras magpagamot sa doktor, ginagamot ko ang sarili ko mapalason, tama ng bala, o kung anong mas malala pa yan.

Kadalasan sa mga kagubatan na ganito o mga lugar na malayo sa kabihasnan ako nakakatamo ng mga malalaking sugat at walang mga ready-made na gamot dun, hassle ding magdala ng first-aid kit kaya sa mga medicinal herbs na lang ako umaasa at so far so good buhay pa naman ako.

At dahil nga nagkainteres ako dun, inaral ko ang tungkol sa mga iba't-ibang halamang gamot at kung ano ang mga gamit nila kaya alam ko na din ang mga lason sa hindi.

At kung bakit talaga ako nandito? Kailangan kong gumawa ng gamot na makakatanggal sa lahat ng sakit ng katawan ko sa loob at labas.

Siyam na halaman ang kailangan ko sa pag gawa at isa na lang ang kulang kaya kailangan kong pumunta sa pinakaliblib na parte ng gubat na ito kasi dun lang sila tumutubo.

Sa pagliko ko sa puno, napatago agad ako sa malaking bato kasi nakaramdam ako ng presenya ng mga malalakas na tao. Sumilip ako, sampu sila at base sa pormasyon nila, may pinoprotektahan sila sa gitna. Inobserbahan ko ang mga damit at kilos nila.

Ugh. Di ko sila kilala. Pero ang naka agaw ng pansin ko ay ang mga kagamitan nila. Mga mamahaling bagay.

"Oooh"

Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko tsaka nagsimulang maglakad patungo sa direksyon nila

"Sino yan!"

Nagkunwari akong nagulat "Pasensya na sa istorbo, nangongolekta lang ako ng mga halamang gamot"

Nagkatinginan silang lahat hanggang sa nagsalita yung lider ng mga guards. Alam ko lang, kilos pa lang eh halata na

"Doktor ka ba?" Tanong niya habang tumitingin sa mga bitbit ko

"Parang ganon na nga bakit?"

"Gamutin mo ang kasama namin at babayaran ka namin"

Bingo!

Tumango ako kaya inakay niya ako sa isang puno kung saan nakasandal ang isang lalaki na sugatan.

Hindi pa tumitigil ang pagdugo sa dibdib niya kaya nilapitan ko siya pero nung tatanggalin ko na yung damit niya ay tinulak niya ako ng pagkalakas-lakas

What the!

"Wag mo akong hahawakan" mahina niyang sabi

Sa inis ko, naisip ko siyang kurutin pero nagpigil ako at kinagat na lang yung labi ko. Siya na nga ang gagamutin eh siya pa may ganang mag-inarte

Para sa ginto, para sa gintong makukuha mo kumbinsi ko sa sarili ko

"Wala din akong pakialam kung mamatay ka dito pero dahil nga babayaran niyo ako ililigtas kita"

"Wag kang lalapit" aba matibay

"Sige, magpakasaya ka sa natitirang limang minuto ng buhay mo" aalis na sana ako nung hinila niya yung laylayan ng damit ko

"Sorry"

Napabuntong hininga ako, gusto din naman pala niyang mabuhay eh. Halata kong mataas ang posisyon niya sa kung ano man siya pero nakaya niyang magsorry, meaning, hindi siya masamang tao kasi kaya niyang mababa ng pride agad.

Hindi lang yun ang dahilan pero basta, I'm a good judge of character.

Umupo ulit ako harap niya.

Reincarnation of the AssassinWhere stories live. Discover now