Chapter 6

3.1K 209 27
                                    

Layla’s POV

“Lady andito na po tayo” Tinignan ko siya. Inoobserbahan niya ang tatlong palapag na shop. Tahimik at walang expresyon.

“Pumulot ka ng tatlong bato” ginawa ko agad yung iniutos niya, pagka-abot na pagka-abot  ko pa lang sa kanya ng mga yun ay sabay-sabay niyang ibinato sa direksyon ng shop. Nagulat na lang yung mga taong dumadaan nung biglang parang may sumabog. Nagtilian ding lumabas yung mga tao sa loob kasama na yung may-ari na nanakit sa akin. Galit na galit siya sa nangyari na ampangit ng timpla ng mukha niya sa puntong nagsitago yung mga bata sa kalye dahil sa hitsura niya.

Nanindig naman yung mga balahibo ko nung lumingon siya sa akin kaya napatago na lang ako sa likod ni lady ng hindi ko namamalayan.

“Ikaw ba ang may gawa nun!? Binasag mo ang sampung garapon ng mga halamang gamot ko. Bayaran mo ako alipin ka!” natakot na talaga ako nung tuluyan na siyang naglakad patungo sa direksyon namin “hindi pa ba sapat ang panlalamog na binigay namin sayo!? Halika dito dukha!”

Sa takot, napapikit na lang ako nung hahablutin sana ako nung babae pero nung wala akong naramdaman ay napamulat ako. Sinalo pala ni lady yung kamay nung babae.

“Sino ka!”

"Titigan mong mabuti kung sino ang nasa harap mo" madiin na tugon ni lady

"Baliw! Hindi ba ikaw yung baliw --- "

Lingid sa pananaw ng mga taong nakapalibot sa amin, nakita kong hinigpitan ni lady ang pagkakahawak niya sa pulsuhan nung babae at bakas sa mukha nung may-ari na nasasaktan siya ng todo kaya napasigaw siya pero tinakpan agad ni lady ng tela yung bibig niya. Dahil malapit ako sa kanila, narinig ko din yung binulong ni lady “Aminin mo sa harap ng mga taong nandito ang mga illegal na ginawa mo at ibigay mo sa akin ang cottage na ito.”

Mas nilapit pa ni lady yung bibig niya sa tenga nung babae “kung hindi papatayin ko kayo”

Para akong binuhusan ng tubig yelo. Na estatwa din ako sa kinatatayuan ko. Ngayon lang ako natakot ng ganito sa tanang buhay ko. Sa simpleng salita na hindi naman para sa akin, natakot pa rin ako. Yung intension ni lady na pumatay, ramdam na ramdam ko na para bang hindi talaga siya magdadalawang isip na kitilin ang buhay ng taong nasa harap niya.

Ibang-iba na talaga si lady mula nung nagising siya matapos siyang mabugbog. Para bang magkaibang tao ang lady ko noon sa lady ko ngayon. Mahirap man paniwalaan pero ito ang nakikita ko ngayon.

Napabalik naman ako sa katinuan nung napaupong umiiyak yung may-ari, sobrang nanginginig siya na hindi na makapagsalita dahil sa takot niya.

Tinignan ko si lady, wala pa rin siyang ekspresyon pero hindi na siya nakakatakot.

“Tara na sa loob Layla. Hindi mo gustong makita ang mangyayari dito sa labas mamaya.”

“Opo” nautal-utal kong sagot

Serafina’s POV

Matapos ang ilang minutong katahimikan, narinig namin ang galit na sigaw ng mga tao sa labas

“Lady ano pong nangyayari” Natataranta niyang tanong. Para kasing may pagsusuguran.

“Pinaamin ko yung babaeng yun sa mga ginawa niyang kasalanan katulad na lang ng pagbebenta niya ng mga pekeng gamot sa mga mamamayan. Tinatadyakan na siguro siya ng mga niloko niya.”

"Po? Eh pano niyo po nalaman ang mga yan?"

"Amoy pa lang ng mga ginagawa nila, kahit mababa ang level ng doktor, malalaman at malalaman niyang damo ang niluluto ng mga ito"

Nakita ko ang awa sa mukha ni Layla, hindi din nakatakas sa akin ang pagkatakot niya sa ginawa ko kanina”

“Huwag kang maawa. Bakit? Naawa ba sila sayo nung sinaktan ka nila? Naawa ba sila nung niloko nila ang mga taong desperadong iligtas ang mga mahal nila sa buhay? Naawa ba sila sa mga pinatay nilang tao para itago ang mga baho nila? Hindi Layla hindi. Kaya kailangan nating maging malakas para hindi tayo apakan ng mga ganitong klase ng tao. Naiintindihan mo ba?”

“Opo lady” alanganin pa ding ngiti niya sa akin “Good”

Inilibot ko ang paningin ko sa cottage na ito, halatang napabayaan. Sira-sira ang mga kagamitan, tinakpan lang ng mga bagong kurtina tsk

“Ano bang klase ng lugar to, hindi nababagay sa katulad kong maganda” Napaubo ako nung lumabas si Emperor, napangiti din ako kasi diring-diri talaga siya sa mga nakikita niya.

Tinanaw ko din si Layla na naglilibot, walang kibo. Hindi niya nga nakikita si Emperor. Bale kami lang na tatlo ang nandito sa loob kasi tumakas yung ibang mga tauhan ng pagamutan na ito samantalang yung karamihan naman ay nahuli ng taong-bayan.

Ugh honestly, wala akong makitang pwedeng pakinabangan dito maliban sa pwesto ng lugar na ito na matatagpuan mismo sa gitna ng bayan. Puro peke din ang lahat ng mga gamot at wala man lang kahit isang pwedeng ipalit ng ginto.

And speaking of which, the money I had painstakingly earned was taken away by those damn swindlers. And here I was thinking I could have a fresh start from those gold coins.

“Aha!” Nagtaka ako sa pangisi-ngisi ng white demon fox ko kaya nilapitan ko siya. Nasa third floor kaming dalawa samantalang nasa baba naman si Layla.

“Anong inaha-aha mo dyan?” tanong ko sa kanya

“Tsaran!”

“Jackpot!” Napasuntok ako sa hangin. Isang crate na puno ng ginto. Omo sabi na nga ba maswerte ako eh “Layla!”

“Po?” Patakbo siyang dumating at napangisi ako nung nanlaki yung mga mata niya sa nakita niya

“Hala lady kanino po yan?”

“Sa atin na” tawa ko

Nagtatalon si Layla sa tuwa pero nawala agad nung lumusot yung paa niya sa butas na nalikha nung tumalon-talon siya

“Sabi ko nga lady, pang-ayos natin yan sa shop na to” I messed her hair when she awkwardly said that to me. Hinayang din na hinayang yung hitsura niya kaya napailing ako ng nakangiti

She have the same enthusiast as me when it comes to money though I'm worst

“Oo, gagamitin din natin yan na pambili ng mga tauhan natin kaya tara na.” Nauna nang naglakad pababa si Layla matapos kumuha ng 500 na ginto

Pano ko kaya mabubuhat lahat ng ginto na ito? Baka may mga kukuhang magnanakaw kapag iniwan ko ito dito

Sa lalim ng iniisip ko, nabigla ako nung binatukan ako ni Emperor. Natawa din ako kasi nakalimutan ko pala siya nung nakita ko yung mga ginto. Hindi ko na din pinansin yung kunwaring galit niya

“Tanga ka ba? Baka may unit ka?” natampal ko yung noo ko. Oo nga pala no

Ipinasok ko ang lahat sa unit at naglaho na din si Emperor kaya bumaba na ako.

Una naming pinuntahan ay ang mga mag-aayos ng cottage. I hired 30 men to do the work and they promised that it will be finished within 3 days. I also specifically told them what I want them to do with the building. Palalawakin muna nila ito, ipapatanggal ko yung mga unnecessary used space para sa mga layunin ko. First floor is used for storing all the medicine with a counter where people can easily line up to buy them. Second floor is where I want critically injured people to be treated and third floor will be our personal space.

Akin yung bandang  may balcony na nakaharap sa kalye at sa mga tauhan ko naman yung isang parte. Dito titira yung mga walang uuwian na mga tauhan ko.

Napag isipan kong ganto ang gagawin kasi hindi maiiwasan na may mga di inaasahang pangyayari ang magaganap sa mga tahanan ng mga tao.

Gaya ng sa mundo ko dati, gagawin ko ang pagamutan ko dito na bukas ng 24/7. Meaning, they’ll be taking shifts.

“Lady nandito na po tayo sa bilihan ng mga utusan”

"Okay tara na. Talasan mo ang paningin mo at ituro mo sakin ang mga mukhang may potential at mapagkakatiwalaan"

Reincarnation of the AssassinWhere stories live. Discover now