Chapter 3

4K 209 18
                                    

"Serafina Allen Lu"

Sa pagbigkas niya ng pangalan ko, kumirot bigla yung ulo ko kaya namilipit ako sa sakit. Nagsisisigaw na rin ako dahil hindi ko na talaga kaya. Parang gusto ko ng mamatay dahil parang sasabog na siya. I never ever experienced this kind of pain, kahit nung nakikipagsapalaran ako kay kamatayan walang tatalo sa dinadanas ko ngayon.

"Baliw! Hindi nararapat ang mga baliw dito! Layas!"

"Dapat sana 'di ka na pinanganak! Isa kang basura!"

"Wala akong pamangkin na katulad mo! Ikulong niyo siya sa kwarto niya!"

"Mana sa ina niyang walang silbi!"

"Kaya siguro kayo nilayasan ng ama niyo dahil salot ang tingin niya sainyo!"

"Hindi ba iyan yung anak ng dating Right Prime Minister? Mahina at may saltik."

"Shhh. Tumahimik ka, katulong lang tayo dito"

"Ano naman ngayon, wala din namang magtatanggol sa kanya tsaka walang magbibigay ng parusa sa atin"

"Pinsan, wala ka ng karamay! Patay na ang ina mo!"

"Halikan mo yung sapatos ko at pag-iisipan ko kung tatanggapin ba kitang utusan ko"

"Si Layla na lang ang may pakialam sayo. Bagay kayo, isang dakilang utusan at ikaw naman na baliw!"

"Hahahaha! Tama tama"

Hingal na hingal ako pagkatapos nung nakakabiyak ng ulo na sakit. Naririndi din ako sa mga tawa nila na naririnig ko pa rin sa isip ko.

Mga ala-ala, ala-ala ng Serafina na ito ang mga nakita ko. She has been experiencing inhumane treatment all her 18 years of existence just like what I experienced in my former life, dang it. I swear that is the last time I'm going to beg to die and I swear I will change my life. Nobody's going to control me anymore, ako na ang bahala sa buhay ko.

At sinusumpa ko, uunahin kong pagbabayarin ang mga taong mumaltrato sayo Serafina Allen Lu, leave the rest to me.

"Layla" nagulat yung babae nung tinawag ko siya. Tahimik niya na lang kasi akong pinapanood matapos kong magwala. Natatakot ata siyang gumawa ng ingay sa kadahilanang baka maulit yung kanina. Buti na lang napigilan niya ako nung sinubukan kong iuntog yung ulo ko sa pillar ng bahay kundi baka na braindead na ako. Ang kaso, katawan niya ang isinangga niya kaya nagsuka siya ng dugo sa lakas ng pwersa ko.

"Nakakaalala na po kayo?" Tumango lang ako at nakita ko naman sa mukha niya ang tuwa. Sa ala-ala ng taong to, si Layla ang pinaka malapit sa kanya. Though she is just a maid, she's the most loyal person to her. Kahit nung ipit na ipit na yung sitwasyon nila noon, kinaya niyang protektahan ang taong ito sa bingit ng kamatayan.

"Magpapagaling ako sa isang buwan, wala kang papapasukin dito, kung magpupumilit sila, sabihin mo na malubha ang sakit ko at nakakahawa"

"Magandang idea po yan lady, sa arte ng mga tao dito hindi na ako magtataka kung hindi na sila bumalik pagkatapos ng isang bisita" ngumiti lang siya ng maluha-luha "blessing in disguise na din po siguro yung pagsakit ng ulo niyo kanina"

Reincarnation of the AssassinDove le storie prendono vita. Scoprilo ora