Chapter 10

2.9K 207 52
                                    

Nagsimula na siyang sumayaw at manghang-mangha ang mga nanonood sa kanya. Sino bang hindi e mahusay talaga ang pagkaganap niya sa ginawa niya

Tuwang-tuwa ang mga kalalakihan sa nasaksihan nila at naiingit naman ang ibang mga kababaihan

Nagbulung-bulungan din ang mga tao at narinig ko ang pagbanggit nila ng ikawalong prinsipe sa usapan nila at baka daw ang pinsan ko ang piliing magiging asawa niya

Nakangiting tagumpay naman si Akira dahil naririnig niya ang mga komento sa kanya samantalang nakita ko namang nangangati sa inggit si Diane dahil hindi ganon napuri ang sa kanya at malamang gusto niya din ang ikawalong prinsipe.

Chance

Tamang hakbang ang pagtingin ko sa kanya dahil tinignan niya ako ng masama at mas lalong nagalit nung nginitian ko siya. Ito na ang pinakahihintay kong pagkakataon. Sa ugali ni Diane, alam kong gagawa nanaman siya ng hindi pinag-isipang pamamahiya sa akin.

At tama ako. Welcome to the start of your doom stupid cousin

Tumayo siya at naglakad patungo sa trono at tumigil sa katanggap-tanggap na distansiya mula sa hari.

"Mahal na hari, humihingi po ako ng paumanhin sa inyo dahil hindi po makakapagbigay ng presentasyon ang nakababata naming pinsan na si Serafina Allen Lu"

Nawala ang ngiti sa labi ng hari na ikinatahimik ng mga tao sa loob ng palasyo
"At bakit?" pagtatanong niya

"Baliw po kasi ang kawawa naming pinsan, hindi din po siya natuto ng kahit anong kasanayan kaya naihahalintulad siya sa isang kahihiyan at mang-mang. Patawad po" Kulang pa yan pinsan. Mas lalaan mo pa

"Minsan nga po sa isang okasyon sa pamamahahay namin ay pinilit namin siyang magbigay ng presentasyon para naman po makilala siya ng mga tao pero nagwala lamang po siya at naghubad sa harap ng mga bisita namin, kaya hinding-hindi na po namin uulitin ang pagkakamaling yun"

Sa pagbigkas niya ng mga salitang yun, sinimulan nito ang gulo sa isip ng mga mamamayan kaya nagsimula silang gumawa ng sari-sarili nilang interpretasyon. Tinatawag din nila akong kahihiyan at kung ano-ano pa na ikinatutuwa naman ng demonyo kong pinsan

Hinayaan ko munang lumabas sa bibig nila ang mga maruruming salita na yun bago ako tumayo at nanindigan sa harap ng hari.

"Mahal na hari, ako po si Serafina. Sana po dinggin niyo ang kahilingan ko"

"Ipagpatuloy mo"

"Bigyan niyo po ako ng pagkakataong ipakita sa lahat ang kaya kong gawin" umingay nanaman pagkatapos kong banggitin ang mga katagang iyon

Madaming sumisigaw ng masasamang salita pero hindi muna umimik yung hari at nakipagtitigan lang sakin. Una siyang nag-alis ng tingin. Hmp talo

"Sige. Pinapahintulutan kita" Saad niya na ikinangiti ko

Tinignan ko ang pamilya ni tito, handa na sila na panoorin ang 'pamamahiya' ko sa sarili ko. Abot tenga pa ang mga ngiti nila.

mga halang

Tahimik akong pinapanood ng mga tao. Hiniram ko ang espada ng isang gwarya na ikinagulat ng mga nanonood pero hindi sila umimik dahil pinatigil sila ng hari

Sumenyas ako sa mga tutugtog at pinalaro ang tugtugin sa sayaw na Goddess Dance.

Ang sayaw na ito ay nagpapakita sa kaaya-aya at marikit na sayaw ng mahinhing dalaga ngunit sa bersyon ko, ito ang sayaw ng maganda at matapang na dalaga sa digmaan.

This dance also means victory celebration from war and it suits the theme of the banquet perfectly.

This is what they call SWORD DANCE

Tinanggal ko lahat ng pusod ko kaya naiwang nakalugay ang buhok ko at sinimulan ang sayaw. Ramdam ko ang bawat matang nakatitig sa akin kabilang na ang sa hari. Sa katunayan hindi ako marunong sumayaw pero natuto ako sa mga nakita ko kanina at idinagdag ko lamang ang mga elementaryang kilos ng pakikipaglaban ko

Nang matapos ang presentasyon ko. Maikling katahimikan ang sumalubong sa akin bago napalitan ng masigabong palakpalakan. Lahat ng mga naririnig ko ay papuri, kabaliktaran ng mga narinig ko kanina.

"Bigyan niyo siya ng gantimpala!" Tuwang-tuwang bigkas ng hari. Kasama niya ding pumapalakpak sa tabi niya ang reyna na nakangiti sa akin

"Mahal na hari, wala po akong  nais na ano mang gantimpala. Gusto ko lang pong malinis ang pangalan ko sa mga hindi makatotohanang sabi-sabi" sambit ko habang nagkukunwaring nasasaktan

"Kaawa-awang bata. Isasantabi ko muna ang pabor ko sayong ito at hingin mo lang kung may naisip ka nang gusto mo"

"Maraming salamat po" pagluhod ko

Sumenyas ang hari sa eunuch niya na tumayo naman sa harap namin

"Dahil sa panlilinlang sa mahal na hari at paninira sa reputasyon ng iba, dadakpin ang pangalawang anak ni Prime Minister Lu at babawian ng buhay!" Sigaw niya na ikinatakot ng pinsan ko at ng ina niya

"Mahal na hari patawarin niyo po siya parang awa niyo na" pagmamaka-awa ni Concubine Katrina

Nakaluhod na din ang tito ko at mga pinsan ko pero hindi natitinag ang hari

Not good. Hindi pwedeng ganon-ganon na lang ang magiging katapusan niya. That's barely enough for what she had inflicted on me.

"Mahal na hari, mahal na hari. Nais ko lang pong linisin ang pangalan ko, huwag niyo po sanang kitilin ang buhay ng pinsan ko. Mahal ko po kasi siya at pinapatawad ko na po siya sa nagawa niya"

yuck

pero effective, naawa siya sa akin

"Bigyan niyo na lang siya ng limampung palo pamalit sa panlilinlang sa akin" perfect. Suffer Diane and enjoy.

"Maraming salamat po mahal na hari sa patawad niyo" at bumalik na ako sa upuan ko ng may matagumpay na ngiti na napansin ng pamilya ni tito. Isang buwan lang ang ibibigay nila saking pahinga at babalik din sila sa dati pero at least mabibigyan ako ng konting katahimikan

Tuloy ang kasiyahan kaya naglabas ulit sila ng mga pagkain at inumin. Hindi gaya ng kanina, hindi na ako nakakain ng diretso dahil may kumakausap sa akin sa gitna ng pag kain ko at hindi ako natutuwa

"Layla ikaw nga kumausap sa kanila" utos ko sa kanya

"Lady, hindi po ako ang sumayaw"

"Aba!" Natawa siya dahil may lumapit nanaman sa akin bago ko pa siya mapagsabihan

Sa buong oras na yun hindi man lang ako nakakain ng maayos. Nung tapos naman na sila saka pa kami pinaupo dahil may importante daw silang  ibabahagi

Tumayo ang hari
"Tuloy ang kasunduang pakasal ng ikawalong prinsipe sa unang anak ng Prime Minster"

Huh?

napasimangot ako sa mga katagang iyon at hinagilap si Xuan na nasa tabi ng reyna

Nainis naman ako nung nakangiti pa siyang nakatingin sa akin e ikakasal daw siya sa pinsan ko.

Alam niya pala? Bakit niya ako hinalikan? Anong ibig sabihin ng mga salita niya?

Pinaglaruan niya lang pala ako kainis. Napayuko na lang ako at kinagat ang labi ko dahil sa nararamdaman ko.

Malapad ang ngiti si Akira na naglalakad papunta sa harap. Kitang-kita ang tagumpay na ekspresyon sa mukha niya habang pasimple akong kinukutya.

Pero kaagaw-agaw din ng pansin ang ekspresyon ni tito sa nangyayari, para siyang naguguluhan sa mga nangyayari pero pilit siyang ngumingiti

Yun bang parang wala siyang ideya-----

Alam ko na. Kaya pala

Napangiti ako sa sunod na sinabi ng hari at napatingin kay Xuan na mas lumapad ang ngiti

"Hindi sa kasalukyang Prime Minister ang ibig kong sabihin kundi sa dating Prime Minister na si Calvin Lu, ama ni Serafina. Kaya ibig sabihin, ito ay sa pagitan nina Xuan at Serafina"

Reincarnation of the AssassinWhere stories live. Discover now