Chapter 5

3.8K 203 77
                                    

Ugh. This body is so weak. Konting lakad lang ng apat na kilometro at byahe ng sampung oras pagod na pagod na agad. Looks like I really need to double my effort to recover, mahihirapan ako sa mga gagawin ko 'pag nanatiling ganito ang kalagayan ng katawan ko.

"Lady! Ba't ngayon lang po kayo? Naku nag-alala ako ng todo, akala ko may nangyaring masama sa inyo. Isang linggo na din po kayong wala" Inalalayan niya ako sa pagpasok kasi malamang napansin niya ang panghihina ko

Base sa mata at katawan niya, halata kong totoo ang paga-alala niya kaya 'di ko na napigilan yung katawan ko nung yakapin ko  siya.

"Ang baho niyo po lady" natawa na lang ako at kinatok yung ulo niya ng isang beses. Kunware pa siya eh kung makayakap sakin parang may balak ubusin yung hangin sa baga ko
"pero seryoso po lady, may masakit po ba sa inyo?"

"Okay lang ako Layla. Ikaw naman ang lumabas ngayon. Alam mo ba yung luging Herbs Cottage sa bayan?"

"Opo. Yung nasa gitna ba mismo?" Tumango ako

"Pumunta ka ngayon doon at bilhin mo yun" Nanlaki yung mata niya sa sinabi ko

"Po? Aabot din po yun ng 300 na ginto. Wala po tayong ganong kalaking pera"

Nilabas ko yung 500 na ginto na binigay nung ginamot ko at halos mabilaukan si Layla sa laway niya sa gulat.

"Ipapaliwanag ko din sayo kung san ko nakuha yan pagbalik mo. Ang tandaan mo lang ay malinis na pera yan at mag-ingat ka sa mga magnanakaw. Kung pu-pwede ay huwag mong ilalabas ito hanggat hindi pumapayag yung may-ari sa mga kondisyon natin ." Tumango siya at nagmadaling lumabas

Naligo ako at nagbihis. Aayusin ko na lang yung mga halamang gamot sa cottage. Hassle din kasi kung ilalabas ko sila sa unit, madami masyado at baka nga hindi kaya ng kwarto ko ang dami nun.

One week of foraging for herbs but gathered a year's worth of supply. Worthy enough of my sacrifice.

Napabuntong hininga ako at naupo. Tahimik ang buhay ko ngayon, walang gulo pero I am fully aware that if I want my former glory back, madami ding mga pagsubok ang dadating. Naalala ko tuloy yung buhay ko noong nasa dating mundo ko pa ako.

By night I was the deadliest Assassin but by day I was a CEO, a doctor, a professor, a scientist, and even a detective. How twisted my life was pero wala akong nagawa kundi tanggapin ang kapalaran ko habang tahimik na inaasam ang buhay na payapa at naaayon sa kagustuhan ko.

Then this happened. I was given a second chance and because I can't escape the feeling of missing my thrill in the past, I'll do it here again but for a better cause.

"Oh? Tutulala ka lang ba dyan?"

Nagulat ako sa paglabas ni Emperor pero napakalma ko agad ang sarili ko dahil sa ka-kyutan niya

"Hindi kaya makita ka ng ibang tao?" Tanong ko sa kanya

"Ikaw lang ang nakakakita sa akin at pwede mo akong kausapin gamit ang utak mo kung gusto mo 'pag nasa labas tayo baka kasi mapagkamalan ka nilang saltik - kausap ang sarili na mag-isa"

Aba. Isang matinong tanong ang lumabas sa akin pero nakatanggap lang ako ng lait. Pisilin ko kaya tong pusa na to? Napatango ako sa magandang ideya na yun

"Hoy hoy hoy kapag tinuloy mo ang binabalak mo hindi ko ipapaliwanag sayo ang mga detalye ng unit" dinuro duro pa ako gamit ang mabalahibong kamay niya. Kagatin ko yan eh

"Oo na" Napangiti ako dahil panalo nanaman ako

"May tatlong main features ang unit na ito. Gaya nga ng sabi ko nung nakaraan, kusang nagrereplenish ang mga laman ng unit na ito kapag naubos, yan ang una. Hindi din pala ito maihihiwalay sayo hanggat buhay ka pa at buhay pa ako. Pangalawa ay hindi mag eexpire ang mga bagay-bagay na maiimbak dito tulad ng pagkain, gamot, at iba pa. Pangatlo, mage-expand ang space nato ayon sa kapabilidad ng katawan mo at kaalaman mo."

Wow. Napasipo ako sa mga sinabi niya. In my years of existence, I conclude that this is the best treasure to come across my life yet. Kung nasa modern world pa ako, sigurado akong pagkakaguluhan ito ng mga tao magkamatayan man.

Tinignan ko si Emperor pero wala na ata siyang balak magsalita. "Yun lang?"

"Anong yun lang! Syempre ikaw naman na ang bahalang umalam sa mga minor functions niyan. Nako, nako, nakikita ko na ang mapait kong kahahadlangan." Natawa ako sa sinabi niya. That was funny.

Lumipad siya papunta sa kama ko pero hindi nakaligtas sa tenga ko ang sinabi niya
"... ang malas ko sa kanya ... lugi ako ..."

Sinundan ko siya at pinanood kung pano siya humiga at at nagkumot pa. Nagluluksa ata, hindi pa nga tapos ang pagbulong-bulong niya ng kung ano-ano eh

"Pag 'di ka umayos diyan kakagatin kita kahit ikaw ang mukhang pusa" banta ko

"Ano! Hindi ako pusa, fox ako fox! White demon fox!"

Nagulat naman ako sa biglaang paglipad niya. Galit na galit ang hitsura pero hindi ka talaga matatakot kasi ang cute niya sobra

"Demon? oo demon ka pero fox? white? san banda?" Pang-aasar ko pa na dahilan ng pagbato niya sa akin ng libro at nag tantrum sa higaan ko

Aliw na aliw ako sa panonood sa kanya na nagwawala nung bigla akong nasilaw sa liwanag na nagmula sa katawan niya kaya napikit ko yung mga mata ko at pagbukas ko ng mga ito, bumungad sa akin ang napakaputing fox na nakita ko sa tanang buhay ko, baby blue ang mata at wala na yung pakpak kanina pero nakakalutang pa rin sa ere

"Hindi pa stable ang unit nung mga nakaraang araw kaya ganon ang hitsura ko. Kung sakaling hindi mo alam, nakabase ang development ko sa unit na ito na nakabase din sayo"

Speechless. That's how I am right now. Not that I'm exaggerating but I'm looking at the most beautiful creature in the world and he knows his beauty too the way he holds that head of his as if a crown is sitting on it.

Kung cute siya kanina, ngayon naman mas cute pa siya at sobrang ganda niya kahit lalaki siya. Yung hitsura niya ay yung tipong nakakagigil na nakakamangha na pagnakikita mo siya parang gusto mo siyang pigain ng pigain

Hahablutin ko na sana siya nung nagbukas yung pinto

"Nandito na po ako lady"

Napaseryoso ako sa nakita ko. "Anong nangyari sayo?"

"Bigla po akong sinampal ng may-ari ng shop nung sinabi ko po na kayo ang lady ko. Sabi pa niya na hinding-hindi daw siya papayag na ibenta sa atin ang shop na yun dahil baliw daw po kayo at baka daw po lasunin niyo ang mga tao dahil bobo daw po kayo. Pinaglaban ko po kayo pero inutusan niya yung mga utusan niya na sipain ako ng madaming beses. Kinuha din po nila sa akin yung pera na pinaghirapan niyo pambayad daw sa pangiistorbo sa kanila. Sorry po wala akong silbi, wala akong nagawa, handa po akong tanggapin ang ibibigay niyong parusa kahit pa--"

Hindi ko man naiintindihan ang nararamdaman ko, hindi ko na ito pinansin. Niyakap ko na lang siya para damayan siya "Wala kang kasalanan at kailan pa ako nanging malupit na naisip mong paparusahan kita?"

Hindi na siya nakasagot dahil nahimatay siya

"I'm sorry Layla"

May namuong galit sa puso ko. Lahat ng saya ko kanina nawala na parang bula . Layla is only one year younger than me but she took care of me all her life never caring about hers. Panahon na para suklian ang mga sakripisyo niya

I think it's time to stir things up in this place to see who's boss

Tahimik ko siyang ginamot at hinintay na magkamalay bago kami pumunta ng bayan. Pasado alas dose at kasagsagan ng mga tao sa kalye. In other words, more than enough witnesses. Perfect.
"Ngayon ituro mo sa akin ang taong yan"

"Pero lady baka po saktan ka nila"

Nilingon ko si Layla "Napag-usapan na natin ito kanina"

"Sorry po"

Bubuhayin ko ang katagang 'The strong prey on the weak'. Away ang gusto niyo? Sige, away ang ibibigay ko. Gulo? So be it!

Reincarnation of the AssassinWhere stories live. Discover now