CHAPTER 4

89 3 0
                                    

Author POV
       Nanonood si Axeron na abot abot hanggang langit ang kaba sa maaaring mangyari kay Odette.. Sa kabilang banda habang nakikipag karera si Odette ay nakaramdam ito na para bang may mali na nangyayari sa karera.. "Aba ms. Wag kanang umasa na mananalo ka" sabi ng lalaki kay Odette ngunit ang dalaga ay agad na tinaasan ng kilay ang lalaki at mabilis na pinatakbo ang Ducati.. "Mayabang ka ah" sabi ng lalaki sabay labas ng kutsilyo isasaksak na sana nito sa dalaga ng biglang nailayo agad nito ang motor...
      "Sh*t" mura ni Odette sa kaniyang sarili.. Mabilis nitong pinatakbo ang motor kailangan niyang matapos ang karera kung hindi mamamatay siya..
        Ilang sandali lang at narating na ni Odette ang finish line ngunit may nauna dito ngunit di na masama para sa 2nd place.. Nang bigyan siya ng medalya at sinalubong ng maraming tao.. Mula sa likod ay may sumaksak dito sanhi para sumuka ng dugo ang dalaga..
    Sing bilis ng kidlat na pinuntahan ni Axeron si Odette at halos liparin ang dinadaanan sabay karga ang dalaga.. Walang anu ano ay naihagis niya ang susi ng motor kay Ace "makikidrive ng Ducati ko dalhin mo sa bahay ko sa Skydome Village sa bahay na ang number 123 dun mo na din kunin kay manang ang pamasahe mo" sabi nito at isinakay ang dalaga sa kotse..
    "Baby hold on" tarantang saad nito at mabilis na pinaandar ang nasabing sasakyan para madala sa malapit na ospital..
        Ilang minuto lang ay narating na ni Axeron ang ospital.. Buhat si Odette ay mabilis nitong dinala sa Emergency Room "doc my girlfriend.." hinihingal na sabi ni Axeron kaya lumapit ang doktor at mabilis na chineck si Odette sa loob ng Emergency Room habang si Axerom ay naiwan sa labas at nagdadasal na sana maging maayos ang kalagayan nito..



Odette POV
     Dahan dahan kong iminulat ang mata ko.. Ramdam kong may mga bisig ang nakapulot sa bewang ko ng tingnan ko kung kaninong braso ko ay nakita kong si Axeron ito.. Ang huli kong natatandaan ay tumanggap ako ng medalya ng biglang may sumaksak sa tagiliran ko.  Akmang uupo ako ng mapaigik dahil sa sakit.. "Don't" narinig kong sabi ni Bakulaw.. "I need to kaya ko to malayo ito sa bituka" sabi ko pero nakita kong nagdilim ang ekspresyon ng mukha nito "malayo sa bituka?! God Odette daplisan kanang mamatay now tell me malayo sa bituka?!" galit na sabi nito kaya napatahimik ako.. Hindi ko alam pero naramdaman kong may tumulong luha sa mukha ko. "I-im sorry baby" sabi nito sabay pahid sa tumutulong luha ko sabay halik sa aking pisngi "simula ngayon di kana pupunta dun baby ayokong napapahamak ka baka ikamatay ko" sabi nito sabay yakap sa akin "please nakikiusap ako wag kanang babalik dun" sabi pa niya kaya di ko mapigilang mapangiti.. This man has a sweet boner. "Naka ngiti ka diyan?" tanong nito "asus ang sweet mo naman" sabi ko  nakita kong namula ito kaya mas lalo akong napatawa "anlah nag bablush ang baby bakulaw ko" tudyo ko dito pero siya ayun halos maging kamatis na sa pamumula  ang kaniyang mga pisngi.
         "Anyway kailan ba ako makaka alis dito?" tanong ko ayoko na kasi ng amoy ng gamot sa ospital "bukas tsaka nga pala bukas na uuwi sina mama at papa kaya magready kana haha" sabi nito sabay gulo sa buhok ko "seriously bakulaw? Ni hindi ka nga nanligaw sa akin" sabi ko nakita kong nalukot ang mukha nito "kailangan pa ba yun?" tanong niya kaya napahagalpak ako sa kakatawa..
      Halatang walang alam sa panliligaw ang bakulaw na ito pero shh lang kayo ah parang nagugustuhan ko na kasi si bakulaw basta wag kayong maingay hahah secret ito ha kaya walang mag sasabi



Axeron POV
      Gabi na kaya napag isipan kong bumili ng pagkain namin ni baby pandak. "Pandak aalis na muna ako ha bibili ako ng pagkain" sabi ko nakita kong ngumiti ito sabay sabi na "ice cream ko ah wag mong kakalimutan" kaya napatawa ako "bawal sayo ang icecream" sabi ko pero nag pout ito.. Hooo Axeron kalma.... "Okay" sabi niya sabay talikod sa akin...
      Paglabas ko dito sa ospital ay nag hanap ako ng malapit na fastfood hanggang sa nakita ko ang McDonald's kaya pumasok ako.. Nakita kong mahaba ang pila kaya agad akong pumunta sa likod.  Nasa pilahan ako ng....

"Teka si Axeron Na yon?"
"Parang siya nga"
"Teka anong ginagawa niya dito?"
"Bro di ba yun ung idol natin?"
"Oo nga bro eh ang galing kaya niyan sumayaw"
"Wait Confirm si Axeron nga!"
"Axeron Babe!"
"Kapal mo ah Baby ko yan!"

       Yan ang narinig kong mga usap usapan jusko nakalimutan ko pa lang mag mask at mag sumbrero.. Habang nasa pila ay dinumog ako ng mga fans ko

"Pede pa picture?"
"Ang kyut mo talaga pwede pa autograph?"
"Papicture naman po idol ka kasi namin"
"Pa sign naman itong damit ko"

       Ilang minuto lang ang nakalipas at tapos na akong makihalubilo sa kanila di ko namalayan na ako na pala ang sunod na tatanungin sa counter "ahm sir whats2 your order?" tanong ng babae pssh alam kong nagpapa cute ito pero hindi bagay.. Kung si Odette pa sana ok lang "ahm Two French fries, two hamburger, 2pc chicken and 3 hot fudge sundae" sabi ko "788 pesos po sir" sabi ng kahera kaya mabilis kong iniabot ang isang libo "keep the change miss" sabi ko sabay kindat nakita kong namula ang pisngi nito tsk girls.. Pero bakit pag yung pandak na yun ang kinikindatan ko walang epekto?? Hay naku..
    Nakabalik na ako dito sa may ospital at agad akong nagtungo sa kwarto ni Pandak hahawakan ko pa lang ang doorknob nang "Mega Kill!" narinig kong tunog kaya mabilis kong binuksan ang pintuan at nakita ko si Pandak na busy sa nilalaro "huy ano yan?" tanong ko pero aba at hindi ako sinagot
"An Enemy has been slain,Double kill, Triple kill" narinig kong tunog sa cellphone kaya napa bunton hininga ako "Baby" tawag ko dito pero ayun Focus sa nilalaro "huy baby pansinin mo ako" sabi ko dito sabay sundot "wag kang malikot nag lalaro ako" sabi pa niya kaya napa simangot ako "tara kain na tayo" sabi ko dito "mamaya na tatapusin ko ito Rank to ha" sabi niya kaya napa buntong hininga ako.. Aantayin ko na lang siyang matapos kaya humiga ako sa sofa at ipinikit ang aking mga mata..
     Nagising ako na parang may bumabato sa akin at nang bumangon ako ay nakita ko si Odette na may hawak mg mansanas at akmang ibabato ng makitang gising ako "hoy bakulaw tara kain na tayo nagutom ako eh" sabi niya kaya mabilis kong inayos ang aming pagkain ng inilabas ko ang aming pagkain ay nakita kong mapa busangot ito "hala tunaw na yung ice cream ko huhuh" sabi niya kaya napatingin ako at oo nga tunaw na pero nakita kong kinain niya ito at ayun hanggang sa naubos niyaang isang hot fudge sundae ni hindi niya nga ako binigyan "nakabusangot ka?" narinig kong tanong nito pero ayun di ko pinansin "huy anong nangyari sayo?" tanong niya pa pero di ko siya kinausap nakatingin lang kasi ako sa isang hot fudge sundae "ah alam ko na gusto mo nito noh?" tanong niya kaya tumango ako "ayoko nga!" sabi niya at inilagay sa likod niya.. May naisip akong brilliant na idea.. Unti unti akong lumapit dito at inilapit ko ang aking mukha sa kaniyang mukha. Nakita kong halos maduling na si pandak sa akin at napapa lunok... Inilapit ko pa at konti na lang ay maghahalikan na kami. Nakita ko kung paano niya ipikit ang kaniyang mata kaya agad ko siyang hinalikan. Smack na sana yun pero nagulat ako ng tugunin niya ang halik ko. Dahan dahan kong kinuha sa likod niya ang hot fudge sundae at humiwalay ng halik sa kaniya na may ngisi sa labi "akin na ito baby salamat" sabi ko nakita ko kung paano magtaka ito at nang marealize na.. "Bakulaw! Pag ako nakatayo dito sisipain kita sa pinaka iingat ingatan mo! Bwisit ka!" sigaw niya "pagsinipa mo ang kayamanan ko hindi kita mabibigyan ng gwapong anak" sabi ko na naka ngiti sabay kain ng sundae "ang hangin mo!" sabi niya sabay kain ng hapunan namin..  Haha hay naku baby pandak may lahi ka talaga ng kingkong hahaha..

THE MOBA GAMER AND THE VLOGGER MEETSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon