Chapter 10

85 4 0
                                    

>>>>2 DAYS LATER<<<<

Axeron POV
        Nandito ako sa kwarto ko at nag iisip kung anong pwedeng maging vlog hanggang sa... "Aha!" sabi ko na akala mo ay may bumbilya ako sa ulo. Agad kong kinuha ang aking camera at ini on ito..

"What's up guys Im Axeron Micko Martinez at your service. Anyway welcome to my channel. Like this video and turn on your notification for a shout out so you can't miss any of my video. My vlog is.... DELETING MOBILE LEGENDS ON MY GIRLFRIEND'S PHONE. so titingnan natin ang magiging reaksiyon niya pag nangyari. Anyway ito ang phone niya naiwan niya kaya maisasagawa na natin ang plano hahahah."

      Turan ko sabay bukas ng cellphone ni pandak agad kong tiningnan ang menu at hinanp ang mobile legends na laro. At successfully ay nakita ko rin at dinelete pangisi ngisi ako sa camera thinking na ano kayang magiging reaksiyon niya pag nakita ito.. Babye ML game magkakaroon na kami ng time ni pandak dahil wala kana.

"So guys successful na nadelete ko na ang game na kinaadikan ng girlfriend ko tingnan natin ang kaniyang reaction kapag tiningnan niya ang cellphone niya" sabi ko at tinago ang camera sa may likod ng teddy bear para hindi mahalata.
     Ilang oras na ang nakalipas at narinig kong tumunog ang doorbell hudyat na nandito na si pandak kaya dali dali akong tumayo at nagtungo sa may pintuan at pinagbuksan ng pinto. "Bakulaw" sabi niya sabay yakap sa akin kaya niyakap ko din ito pabalik pagkatapos ng yakapan moment namin ay pumasok na siya sa loob at pumunta sa kwarto namin. Nakita kong kinuha ang cellphone nito at binuksan kaya napapakagat ako. Eto na yung moment. "Bakit wala ang ML ko dito??" tanong niya kaya napataas baba ang balikat ko "what??! Pinakialaman mo ba ha?!" galit na tanong nito kaya napa buntong hininga ako sabay iling. "Fvk TELL ME PINAKIALAMAN MO BA ANG CELLPHONE KO HA?! SAGUTIN MO AKO KUNDI SA LABAS KA MATUTULOG! SAGOT!!!" galit na saad nito. Patay.

     Napa lunok ako holy crap  ayoko pang matulog sa labas gawa hindi ko siya mayayakap tsaka hindi ako makaka tsansing. "Wa-wala akong ginagawa baby" sabi ko sabay lunok ng sunod sunod "bakit nauutal ka?" usisang tanong nito "eh natatakot ako sayo baby" sabi ko kaya nakita kong napatango tango ako "siguraduhin mo lang bakulaw kung hindi sa labas ka matutulog ngayon o di kay ipapakain kita sa tigre ko" banta niya kaya napatango ako ng sunod sunod. Nakakatakot siya.
       Ilang oras lang ang nakalipas at dumating ng mag gabi nakatingin ako kay pandak  ang himbing ng tulog kaya agad kong kinuha ang cellphone nito at binuhay ang wifi ko sabay punta sa google play store para install ang ML naku kung hindi ko lang ito mahal aysss..  Natapos ko nang idownload ang larong gusto niya kaya napa hinga ako ng maluwag hays. Naisipan ko ding mag download nito gawa titingnan ko kung maganda talaga ang laro nito..
      Nang madownload ko ay nag isip ako ng ipapambawi sa kaniya kaya agad kong tinawagan si Shawn..

>>>CONVO WITH HIM<<<<

"Hey Martinez maganda dapat yang sasabihin mo dahil ginambala mo kami"
"Oo. I will a ring"
"What magpo propose ka ba?"
"Hindi yung pang couple na ring"
"So kailan mo kailangan?"
"Maybe the day after tomorrow"
"Ok ipapadeliver ko sayo"
"Salamat bye"
"Yeah yeah welcome bru"

>>>>END OF CONVO<<<<

      Napangiti ako, ngayon may tanda kana at walang sinumang makaka agaw sa mahal ko..

>>>KINABUKASAN<<<<<

Odette POV
      Nagising ako ng parang nay tumatama sa mukha ko pag mulat ko ay ang sinag pala ng araw. Agad akong bumangon dahil wala naman akong pasok ngayon kaya mas maganda na dito muna ako sa bahay.
    Pagbangon ko ay wala na si bakulaw kaya agad akong bumaba at nakita wala din siya hanggang sa nakita kong may sulat sa lamesa kaya agad ko itong binuklat..

~~DEAR BABY~~
     Sorry kung hindi ako nakapag paalam sayo. May binili lang ako dito sa grocery. Eat up your breakfast at magbihis ka may surprise ako sayo

~~Your handsome Boyfriend~~

      Hindi ko tuloy mapigilang hindi mapangiti. Kyaah bakit ba ang sweet sweet mo huh. Kaya agad akong umupo sa may upuan at nakita ko ang breakfast na niluto niya fried rice, sunny side up, hotdog at gatas.
      Natapos akong kumain at hinugasan ang aking pinag kainan pagkatapos ay nag tungo ako sa banyo para maligo. Hindi ko tuloy maiwasan isipin kung ano ang surprise niya sa akin..
      Habang nag iintay ako sa sala ay nakarinig ako ng busina ng kotse kaya agad akong lumabas at nakita ko si bakulaw na naka sandal sa hood ng kaniyang Hammer habang naka pamulsa ang cool niya talaga kaya ngumiti ako dito "ahm saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko pero ngumiti lang ito sa akin sabay iginiya ako papasok sa kotse. Aww so sweet. "You look beautiful my baby" sabi niya sabay lapit sa akin na konti na lang mag kikiss na kami kaya namumula akong tumingin dito at nagulat ako sa ginawa niya. He sniff me "ang bango mo i can't wait to ravish you my baby" sabi niya kaya napa nganga ako what the???!!  Hindi ko na Lang ito pinansin at nag tulog tulogan na lang...
      Nagising ako ng may gumising sa akin kaya mabilis kong iminulat ang mata ko at nakita ko itong sobrang lapit sa akin "gising na baby nandito na tayo" sabi niya at dahan dahan akong hinila patayo kaya agad kong inayos ang damit ko.. Dumating kami dito sa may yatch at aaminin ko napaka ganda nito. Nagulat ako dahil may naka pangalan na 'Mintonet Ashford' kaya tumingin ito sa akin nakita kong napa kamot ito sa ulo na para bang may nakakahiya "ahm eh yang name na yan ay pinagsamang pangalan natin" sabi niya kaya namula ako. Is he falling for me??? I can't wait the day na aamin ito sa akin. Yung tipong hahalikan niya ang kamay ko sabay sabi na "please be mine im badly inlove with you" tapos hahalikan niya ako.. Nabalik ako sa reyalidad ng pitikin niya ang noo ko "bakit ka naka nguso? Siguro pinagnanasaan mo na ako noh?" tanong niya kaya inirapan ko na lang ito.. Waaahhh!!! Nakakahiya!

THE MOBA GAMER AND THE VLOGGER MEETSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon