CHAPTER 6

86 2 0
                                    

Odette POV
     1 week had passed ang kung sasabihin ko sa inyo kung ano ang nangyari sa loob ng isang linggo ay hindi niyo kakayanin.. Anyway, nandito kami ni Bakulaw sa may cabin namin nag lalaro ako ng Mobile Legends..

"God like"
"Double kill"
"Triple kill"
"Maniac" 
"Savage!"

      Kaya napa ngiti ako these hero is my favorite nasa kalagitnaan ko ng paglalaro ng biglang "the fvck sino nag patay ng wifi?!" inis kong tanong shit rank pa naman ito tsaka bawas credit pa nakita ko ang bakulaw na pangiti ngiti kaya agad ko siyang nilapitan. Well sa totoo lang matangkad ito sa akin ng konti "hoy buhayin mo ang wifi!" demand ko sa kaniya ngunit siya ayun tinago sa mataas na lugar. Argggghhh!!! Binibwisit talaga ako nito ah "ano ba bakulaw sabi nang buhayin mo eh" sabi ko pero siya umiling iling lang tapos nilapitan niya ako at kinuha ang cellphone sa kamay ko "nandito tayo sa palawan para magbakasyon hindi yang maglaro" sabi niya sabay buhat sa akin palabas ng cabin...  Nang mabuksan namin ay napataas kilay ako "Axeron i miss you so much" sabi ng babae sabay lingkis sa braso ni bakulaw kaya nabitawan niya ako sanhi na mapatama ang balakang ko sa buhagin. "So-sorry baby" sabi niya at akmang hahawakan ako ng bigla ko siyang tingnan ng masama "Dont touch me!" sabi ko sabay alis..
       It's been sunset kaya naupo ako dito sa may buhangin at tiningnan ang papalubog na sikat ng araw. Sino ba kasi ang babaeng yun? Maya maya napag desisyunan ko nang bumalik sa cabin namin at ng bubuksan ko ang pinto ay naka lock ito "ahhhh babe" narinig konh salita sa loob at nang tingnan ko sa may siwang na bintana ay para akong sinaksak nang makitang naka kandong yung babae kay Axeron samantalang si bakulaw ay parang hinahayaan lang.. Akala ko ba girlfriend niya ako? Hindi ko namalayan na may luha na pa lang tumutulo sa pisngi ko oh hell please don't cry.
     Naisipan ko na lang pumunta sa cabin nina mama.   Nang makarating ako ay huminga muna ako ng malalim bago kumatok.. Ilang sandali lang ay binuksan ako ng pintuan ni mama. Nagtataka man ay pinapasok niya ako "oh anak bakit nandito ka?" tanong ni mama "ma pwede po bang dito ako matulog namiss ko po kasi kayo ni papa" sabi ko kaya tumango ako at iginiya sa isa pang kwarto dito sa cabin nila.  Agad si mama nagpaalam sa akin na mag hahain habang ako ito nakahiga sa kama.. Ang totoo niyan ayaw kong bumalik sa cabin ni Axeron dahil nasasaktan ako sa mga nakikita ko.  At hindi ko kakayanin iyon.. Kaya ngayon iiwasan ko na siya para wala nang problema. At isa pa he didnt like me nor love me..


Axeron POV
      Halos mabaliw ako sa kakahanap kay Odette saan na ba nag punta si pandak?? Gusto ko sanang mag explain about kanina.  "F*ck kasalanan mo ito Cassy eh!" sabi ko nakita kong napa labi ito.  Cassy is just 16 years old she is my cousin.. Sadyang close kami.. Para na ngang kapatid ang turing nito sa akin kaya napa upo ako.. "Eh hindi ko naman alam kuya eh. Malay mo may gusto yun sayo kaya nag seselos" sabi niya kaya napa isip ako may gusto kaya siya sa akin??. "Paano mo nasabi kebata bata mo pa eh may alam kana diyan" sabi ko kaya binatukan ako nito "baliw ka kuya ang tanda ko na. Wait kuya nandito siya nakita ko siya sa may bintana. Only one way to find out kung gusto ka niya" sabi niya kaya napa tingin ako sa may bintana.. Huh sinasabi ng batang ito?? Maya maya nagulat ako ng umupo ito "hoy ano ba!" hiyaw ko dito pero bumulong ito "shhh kuya wag kang maingay ano ka ba. Di ba may plano tayo para mapaamin siya kaya makisakay ka" bulong niya kaya napa tango ako "ahhhh babe" tawag niya kaya napa nganga ako. Batang ito daming kalokohang alam.. "Hala kuya umalis siya" sabi ni Cassy kaya sinamaan ko ito ng tingin "pag ako nasuntok ng tatay ni Pandak humanda ka sa akin talagang bata ka" sabi ko pero ito tinawanan lang akoat umalis sa pag kakaupo sa hita ko "kuya pagkatapos nito pasasalamatan ako sinisuguro ko yan" sabi niya sabay ngisi at kumain ng ice cream "bagay kayo kuya so bukas ulit ah OPERATION: MAPAAMIN SI MISS GANDA" sabi niya sabay alis sa cabin ko kaya napa tanga ako ang daming alam ng batang yun hindi ko mareach haha. Sana bukas mapatawad niya ako

>>>>KINABUKASAN<<<<<

    Nagising ako ng may umaalog alog sa balikat ko kaya napa mulat ako at nakita ko si Cassy "hoy kuya gising na kailangan na nating isagawa ang misyon we only have 3 days para mapaamin siya" sabi niya sabay pameywang sa akin kaya bumangon ako at nagulat ako ng sipain ako nito sa likod may sa lahi ata itong kabayo eh "pwede ba Cassy wag kang manipa para kang kabayo!" inis kong turan sabay punta sa banyo at naligo..
      Natapos na akong mag bihis at lumabas ako na ako sa cabin.. Nagtungo ako sa may reception at nakita ko ang aking pinsan na naka ngisi. Nakita ko din si Odette na nakain mag isa "babe!" tawag ni Cassy sabay ngisi lintek naku naku kung hindi lang namin papaaminin ito ay hindi ko talaga gagawin ang kabaliwan na nais ng pinsan ko. "Pssh" narinig kong nag salita sa likod ko. Nais ko mang yakapin na napaka higpit si Odette pero hindi ko magawa.

Odette POV
       Nakain ako dito sa may reception dito sa beach nang marinig ko ang boses na nakakapag kairita sa akin "babe" tawag nung babaeng nakita ko kagabi. Naku ang sarap niyang tirisin. Nakita kong lumapit si Bakulaw dun sa babae nakakawalan ng gana ang mga ito eh. "Psh" sabi ko sabay alis sa lugar na iyon. Baka hindi ko makayanan at baka masugod ko ang babaeng iyon.. 
       Habang nag lalakad ako ay napadpad ang mga paa ko dito sa may buhangin kaya napa upo ako.. Tinitingnan ang daloy ng tubig sa dagat. Naramdaman ko na may tumabi sa akin. Base sa amoy nitong pabango na AXE ay masasabi kong si bakulaw ito. "Pandak" tawag niya sa akin kaya nilingon ko ito ng nakataas kilay "oh kailangan mo?" nataray kong tanong. Nakita kong napa buntong hininga ito "pandak sorry na" sabi niya sabay yakap sa akin ngunit binaklas ko lang ito "matapos ng ginawa mo sa akin sorry lang?" inis kong tanong.. "Pandak i know i hurt you last night. Di ka nga umuwi kagabi alam mo bang halos mabaliw ako sa kakahanap sa iyo tsaka yung babaeng iyon ay pinsan ko" mahaba niyang litanya kaya napa tingin ako dito na matalim "pinsan? Bakit babe ang tawag sayo?" tanong ko "look baby pinagseselos ka lang namin para umamin ka. I know baby that you like me" sabi niya. Aba at ang hambog ng kumag na ito "tapos?!" inis kong tanong "Baby i like you. Hindi ko kayang mawala ka" sabi niya kaya napa nganga ako. He likes me???? "Are you kidding?" tanong ko pero ngumiti ito "no im not kaya may tanong ako sayo. Do you like me too?" tanong niya kaya napa nganga ako. Halata na ba? "What if i tell you that im not?" tanong ko nakita kong lumungkot ito. "No baby hindi kita hahayaan na mawala you're mine. Akin ka lang pandak" sabi niya sabay lapit sa akin ng kaniyang mukha ng paunti unti. Hanggang sa hindi ko inaasahan na halikan niya ako. Hindi ko alam kung bakit ako tumutugon sa halik niya. Siguro dahil hindi lang like ang nararamdaman ko dito kundi pagmamahal. I'm a really falling inlove with him?

THE MOBA GAMER AND THE VLOGGER MEETSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon