Chapter 22

70 2 0
                                    

>>>>>>2 weeks after<<<<<<

Odette POV
       Nagising ako ng may yumayakap sa beywang ko kaya agad kong nilingon ito at nakita ko si Axeron na naka ngiti sa akin ng malapad.. "Good morning baby" sabi niya at hinalikan ako sa labi kaya dahan dahan akong bumangon at nginitian siya "good morning too" sabi ko.. "Ahm baby bibisita tayo sa doktor mo huh para check ang lagay ni baby" sabi niya habang kumukusot kusot ang mata "mahal kaka check up kay baby kahapon" natatawa kong sabi pero sinimangutan niya ako "basta para ok na si baby bukas sa kasal natin" sabi niya at tumayo na.. Tumango ako dito baka kasi mag tampo. Agad akong pumunta sa banyo para maligo pero nagulat ako ng sumama ito jusko naman "mamaya kana maligo" sabi ko sabay taas ng kilay pero tinawanan niya lang ako "papaliguan kita" sabi niya habang naka ngiti at iginiya ako papuntang bath tub.. "Ok na ba itong temperatura ng tubig?" tanong niya kaya inilublob ko ang aking paa sa bath tub "ok naman" sabi ko.. "Upo kana ako na bahalang mag sabon sayo at mag shampoo" sabi niya kaya napa ngiti ako..
            Naka tingin ako sa kaniya habang sinasabunan niya ang katawan ko.. "Don't spoil us baby" sabi ko kaya narinig ko ang mahinang pag tawa nito "gustong gusto kong inispoil kayo" sabi niya at tumingin sa mga mata ko "pero dapat naman din kita inaalagaan" sabi ko. He just put his index finger in my lips to silence me "i know baby pero ang sarap kasi sa pakiramdam na inaalagaan ko kayo" sabi niya at hinalikan ako sa noo..  Namalayan kong tapos na pala siya at nilagyan na niya ako ng shampoo kaya napa pikit ako baka kasi malagyan ng shampoo ang mga mata ko.. "Alam mo baby ang bilis ng panahon ano?? Bukas na ang kasal natin ayiiee. I can't wait na makita kitang nag lalakad sa may simbahan suot suot ang gown mo" sabi niya kaya ngumiti ako "oo nga eh i can't wait na mapaiyak ka sa aking vow" biro ko kaya napa tawa ito "me too baby haha kaya mamaya after nating mag punta sa OB- Gyne mo doon ka muna kina mommy ok??" sabi niya kaya napa simangot ako "kailangan pa ba noon?" tanong ko kaya ginulo niya ang buhok ko "silly oo naman it's for good luck kaya bakit hindi di ba?" sabi niya at kinarga niya ako at pinaupo sa may lababo.. Mabilis niyang kinuha ang tuwalya at dahan-dahan niya akong pinunasan. Natapos na ito sa pag pupunas at kinarga na naman niya ako papunta sa kama at kinuha ang blower at pinatuyo niya ang buhok ko hanggang sa matuyo ang mga ito.. "Baby mag bihis kana liligo lang ako" sabi niya kaya ngumiti ako dito "ok po salamat" masaya kong turan kaya ngumiti ito at nag punta na siya sa banyo habang ako ito nag bibihis.  Namili ako sa aking mga damit hanggang sa napag desisyunan kong mag bihis ng sun dress at nag ayos kahit pulbo at liptint lang bago bumaba ng sala. Im sure nag iintay na ang anak namin. Pag baba ko ay sumalubong sa akin ang anak namin na nanonood tapos na kasi itong maligo at mag bihis "mama nasaan si daddy?" tanong niya "naliligo pa siya baby" sabi ko at tumabi dito. Nakita kong ngumiti ito sa akin at hinawakan ang tiyan ko na isang linggo pa lang "baby bilisan mong lumaki huh para makalabas kana at maalagaan ka ni kuya" sabi niya sabay halik sa tiyan ko kaya napa ngiti ako "ang sweet naman ng Kuya Elinzer ni baby" sabi ko at ginulo ang buhok nito..
           Nakita kong bumaba si Axeron na naka jeans at white T-shirt na may naka print na 'wag ka dito may mag-ina na ako'   kaya napa tawa ako seriously yan ang damit niya??? "Baby yan ba talaga ang susuutin mo?" tanong ko at nakita kong tumango ito "oo naman bakit hindi di ba??" sabi niya at kinarga ang anak namin at hinawakan niya ako sa kamay patungo sa garahe..
           Sumakay na kami sa kotse at nakita kong pinaandar na niya ang engine ng kotse. Habang nasa daan kami ay hinawakan niya ang kamay ko "baby i love you" sabi niya kaya napa ngiti ako this man lagi niya akong pinapakilig jusko.. Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa aking OB-Gyne Doctor agad akong nag punta sa desk ng nurse na si Jhem Jhem Lopez "hi maam good morning po" bati niya sa akin kaya nginitian ko ito "ahm Jhem nandiyan ba si Doctor Meghan F. Landingin?" tanong ko nakita kong tiningnan niya ang attendance "opo maam nasa kaniya pong clinic" sabi niya "salamat bye the way invited ka sa kasal ko ah abay ka ito ang invitation naka lagay na din diyan kung saang shop mo kukunin ang iyong gown" sabi ko sabay abot sa kaniya ng invitation sa kasal namin bukas at umalis na para mag tungo kami sa clinic ni Doctor Meghan.. Nang marating namin ay kumatok kami at nakita ko ang doktor na may kasama. Boyfriend niya kaya ito??? "Ahm hi doc mag papa check up lang po ako" sabi ko kaya tumango ako "Cloud doon ka muna sa labas samahan mo ang asawa ni Mrs. Martinez" sabi nito at tumango yung lalaki. Infairness huh ang gwapo "doc sino po iyong kasama niyo?" Hindi ko mapigilang hindi magtanong "ahm iyon si Cloud Ace Montefalco kaibigan ko" sabi niya kaya napa tango tango ako "anyway Mrs. Martinez kaka check up mo lang kahapon ah bakit nag pa check up ka ulit ngayon?" tanong niya kaya napa tawa ako "sabi po kasi ni Axero. Ipacheck up ko po daw si baby para sa kasal namin bukas tsaka nga po pala ito po ang invitation para po sa inyo ni Cloud nandiyan din po ang shop kung saan niyo po kukunin ang susuutin niyo" sabi ko at iniabot sa kaniya ang invitation. Nakita kong napa tango tango ito "salamat at ok naman ang lagay ni baby" sabi niya kaya ngumiti ako dito at nag paalam na aalis na.
         Pagkalabas ko ay nakita kong nag uusap si Cloud at si Axeron. Nang makita ako ni Axeron ay nag paalam na ito kay Cloud at nilapitan ako "baby ang gwapo ng kausap mo" sabi ko na siya naman ikina kunot noo nito "so hindi ako gwapo?" tanong niya kaya napa tawa ako nag seselos ba ito??? "Nag seselos ka ba?" tanong ko "masama ba??" tanong niya kaya napa tawa ako at hinalikan ito sa pisngi "ito naman nag seselos agad ikaw naman ang mahal ko eh tsaka ikakasal na tayo at may anak na rin jusko" sabi ko at tiningnan ang sasakyan fvk wala ang anak namin "ahm baby nasaan si Elinzer?" tanong ko nakita kong napa kamot ito ng ulo "kinuha na siya ng mama at papa mo" sabi niya at iginiya ako papasok sa passenger seat. Kaya pala narinig kong bumukas na ang pintuan sa may driver seat at nakita kong pinaandar na niya ang kotse patungo sa bahay nina mama..
          Ilang minuto ang byahe at narating na namin sabay na kaming pumasok ni Axeron na magkahawak ang aming mga kamay sinalubong naman agad kami ng aming mga magulang, kaibigan at syempre yung mga abay namin para bukas ayiiee may paparty kasi kaming mga girls at meron din naman ang mga boys hindi ko lang alam kung saan.. Narinig kong inaya na ni Axeron ang mga kalalakihan kasama na dito si MJ, Shawn, yung asawa ni Joy at nagulat ako dahil nandito din si Cloud, nag paalam na sila sa amin para sa kanilang stag party kaya hinalikan ko muna si Axeron sa pisngi bago ito umalis..

THE MOBA GAMER AND THE VLOGGER MEETSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon