🍃HTLYB 73🍃

456 35 4
                                    

"Forgiveness"

Third Person POV

May apat na kalalakihan ang nag aabang doon sa dalawang babae na kanina pa nag iikot sa mall. Hinahantay lang nila na bumaba ang mga ito sa parking lot. Pagnakadating na sila doon ay saka na nila isasagawa ang plano.

"Hyung? Are you sure about these?" Tanong sa kanila noong pinakabata.

"Yes so better shut up. Pababa na sila." Sabi naman nung nakakatanda sa kanila.

"Let's go, mamaya pagkamalan pa akong super model dito." Sabi nung playboy nilang kasama at kinindatan yung mga babaeng kanina pa sila kinukuhaan ng litrato.

Napailing nalang ang kapatid nito saka siya piningot.

"Alam mo bro para kang krimstix" Naiiling na sabi nung kapatid niya.

"Bakit bro?" Kinikilig na sabi niya.

"Kasi imagination mo ang limit HAHAHAHA!" Sabi ng kapatid niya at tumakbo palayo.

"Humanda ka sakin pag naabutan kita!" Sabi niya at nagsimula na din tumakbo.

Napailing nalang ang mga kasama nila.

Sinundan na nila yung dalawang babaeng pinapakuha sa kanila.

Nang makarating sila sa parking lot ay laking gulat nila na may mga kalalakihang pilit kinukuha ang dalawa.

"Who the hell are you!? Let us go or else---" Naputol ang sasabihin nung babaeng maputi dahil sumabat agad yung lalaking may matabang katawan.

"Or else what?" Pananakot na tanong nung lalaki. Imbes na sumagot ay ngumisi lang ang dalaga.

Nagtaka naman sila dahil ang alam nila ay sila lang ang inutusan para kunin ang dalawang dalaga.

"Argh!" Napalingon agad sila ng makarinig sila ng daing at nakita nila na yung maputing babae ay may hawak ng baseball bat na kaninang hawak nung matabang lalaki. Isa isa niya iyong inihampas doon sa mga lalaking nag babalak na sumugod sa kanya.

"Arianne!" Sigaw nung babaeng mas matangkad doon sa babaeng maputi. Napatingin naman doon ang babaeng maputi na nag ngangalang Arianne.

"Rayelle!" Sabi nung Arianne at sinugod yung mga lalaking nag tatankang sumugod doon sa mga lalaki.

Nang makalapit siya doon sa Rayelle ay sinabi niyang tumakbo na ito at humingi ng tulong. Napapatangong umiyak naman yung Rayelle at saka tumakbo.

Nagkatinginan ang dalawang lalaki at saka tumingin doon sa sa dalawang magkapatid, nang mahalata yun ng dalawa ay tumango ang mga ito at sumunod doon sa babae.

Nang mawala na sa paningin nila ang dalawa ay saka sila nag inat at nilagay ang mask sa mukha at nilagay ang hood para hindi sila makilala ng dalaga. Kinuha nila ang mga baseball bat na nagkalat sa sahig at pumunta sa direksyon ng dalaga para tulungan ito.

Hampas dito, hampas doon. Nanghihina na ang dalaga dahil sa dami ng kalaban nila. Kaya dali daling lumapit ang dalawa at tinulungan atakihin yung mga lalaking nag tatangka sumugod dito. Nang matapos nila lahat ay kitang kita nila kung paano manghina ang dalaga at napaupo na ito.

Tinanguan niya yung ang nakakabata nilang kasama dahil may dala itong panyo na pampatulog.

Lumapit ang lalaki sa dalaga at nakita nila kung paano nanlaki ang mata nito at pumalag palag kaso nanghihina siya kaya hindi na siya nakapalag pa.

𝓗𝓸𝔀 𝓽𝓸  𝐋𝐎𝐕𝐄 𝔂𝓸𝓾 𝐁𝐀𝐂𝐊?Where stories live. Discover now