Chapter 8

74 22 6
                                    

I was sitting comfortably in my seat while listening to music. Katatapos lang nang second period kaya chill muna kami sandali habang naghihintay sa susunod na subject. Sila Innah, Psyche, at Mary, may kanya-kanya ring ginagawa katulad nang mga kaklase kong nasa kani-kanilang mga mundo. May naghaharutan, nagsisigawan, nagtsitsismisan.

What do you expect? Pag walang teacher, ganun naman talaga diba?

Not long, pumasok na rin ang prof namin kaya nagsitahimik na ang lahat. See that? Magbebehave lang talaga pag may prof na.

"Good morning class."

"Good morning Maam."

Tumango lang ito kaya nagsiupo nalang kami sa kanya-kanyang upuan. Lumabas naman ito at ewan ko lang kung anong ginawa.

Wala akong pake sa perfectionist na prof naming yun. Sa sobrang pagkaperpekto niya, nawawala na sa passing. Tsk.

Bumalik naman siya sa loob na may nakabuntot na apat na estudyante. Napatass ang kilay ko.

Ano na naman kayang pakulo nang bruhang 'to?

Pamilyar ang mga estudyanteng nakabuntot sa kanya kasi madalas kong nakakasalubong ang mga ito dito sa building namin. I bet, education students ang mga ito.

"Ah class, these are my Filipino Major students. They're also freshmen like you and do you mind na makisit in sila dito?"

Puta! Pinalambing pa talaga ang boses.

Pabebe.

My classmates shook their heads. "Not at all, Maam."

"Good." mayabang at maawtoridad na sabi niya.

Aii wow! Bitch mode agad ang bruha!

Nagsiupo na sila sa likuran pati na ang bruhang prof namin. Nagsimula namang magreport ang kaklase kong si Amber. Habang nagsasalita siya, nagtetake note naman ako. Pasulyap-sulyap siya minsan sa dala niyang notes but still, hindi pa rin nawawala ang galing niya sa pagdedeliver nang report which is the thing that I really like from her. Amber is one of the intelligent students in our class. Nagkataon lang talaga sigurong hindi niya masyadong napaghandaan nang maigi ang report niya kaya ganun. Sa dami ba naman nang gawain namin ngayon?

Half-day lang ang klase namin tuwing MWF pero pinapatay naman kami sa gawain habang loaded naman kami tuwing TTh. Straight ang klase namin niyan starting at 7:30, vacant lang tuwing lunch at balik na naman at 2:30 pm. Oh di ba? Hindi na ako magtataka kung mga kalansay na kaming gagraduate. Daig pa nga namin ang mga ST eh.

"Okay sit down, Amber."

WTH?

Napalingon naman ako sa bruha. Hindi pa nga tapos magreport si Amber ah?

Magkasalubong ang kilay ni bruha habang nakatingin sa harapan.

Sayang maam. Lodi pa naman sana kita kasi ang ganda at ang talino mo po. Bruha nga lang. Tsk.

"Okay Rhea, you may now start."

Tumango naman si Rhea at nagsimula na ring magreport. Partner ni Amber si Rhea sa reporting. Sila ang pinakaunang pair sa amin na magrereport. Pangwalong topic pa ako kaya medyo malayo pa. Katulad ni Amber, pasulyap-sulyap rin si Rhea sa notes niya but not to the point na binabasa na niya. For guidance lang.

"Sit down Rhea."

Nanlaki ang mga mata ni Rhea matapos marinig yun. Even us. Bruha talaga siya eh no? Eh kung siya kaya ang ganyanin namin? Napatingin naman ako sa apat na estudyanteng nakisit in sa amin.

Love and Lies Series #1: Notice My Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now