Chapter 33

74 19 9
                                    

Hinubad ko ang aking suot na sapatos nang makarating sa condo. Another peaceful day without someone pestering me. Parang bumalik ang mga panahon na hindi pa siya nakakauwi nang Pilipinas at naging Engineer na magtatrabaho sa Academy. Just me and my regular and normal schedule.

Napasalampak naman ako sa couch at hinilot ang aking leeg na nanakit kapagkuwan ay napabuntong hininga. I miss him pestering me though. He became distant the other day pero siguro dahil na naging busy na rin siya sa construction nang buildings.

Pero nang maalala ko na naman ang nalaman ko noong nakaraang araw about the kids that he's that Kuya they've been talking about, mabuti na rin sanang may distansya muna kami. Baka kung may malalaman na naman akong sekreto which involves him, baka hindi ko na kakayanin. And this space is better para makapag-isip-isip at makapagrefresh ako.

"Euwie! Baby! Nandito na si Mommy!" tawag ko sa kanya. Usually pag umuuwi ako galing trabaho, sinasalubong niya ako. Pero ngayon, wala man lang akong nakitang pusa na naglalaro sa sala.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nagsimulang libutin ang unit ko while calling his name. "Euwie! Nasan ka? Where are you baby?"

Nang pumunta naman ako sa hinihigaan niyang basket sa may kusina, wala rin ito doon. Nasan na ba yun?

I searched the corners of my unit pero wala talaga akong nakitang pusa and I started to freak out. Hanggang sa nang sinuri ko ang ilalim lang aking kama, nakahinga ako nang maluwag nang makitang mahimbing itong natutulog doon. "Bakit ka jan natutulog baby? Its dusty down there." I reached out to him pero kumunot ang aking noo nang hindi man lang ito nagising and he stiffened. "Euwie?" I tried to wake him but I failed. I started to panic again. My hands started to get cold yet sweating. "Baby. Wag ka namang magbiro nang ganyan kay Mommy. Hindi na nakakatuwa ah."

Euwie is cold and stiff. Nagsimula nang maglalagan ang aking mga luha nang hindi pa rin ito nagigising. "Euwie naman eh. You're scaring me."

Agad akong tumayo with him in my arms sabay kuha nang bag ko sa couch at nagmamadaling tumakbo papalabas nang building saka pumara nang taxi. Hindi na tumigil sa pagbuhos ang aking mga luha. God please. Not my Euwie.

Yakap-yakap ko siya nang makarating kami sa Vet Clinic. Nag-aalalang napatingin naman sa akin si Doc Amy nang makapasok ako. "What happened?"

Inilapag ko si Euwie sa table niya. "Please Doc. Do everything for him to be okay." umiiyak na sabi ko.

Nang hawakan niya si Euwie at sinimulang suriin, natigilan ito at dahan-dahan siyang napailing habang nag-aalalang tumingin sa akin. "I'm sorry. He's gone, Miss Peralta."

No.

"You're just joking right, Doc?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

Umiling ito ulit. "I'm really sorry but hindi na siya humihinga and he's cold and stiff."

Naitakip ko ang mga kamay ko sa aking bibig habang napahagulhol. I looked at the lifeless Euwie in the table. "Baby naman eh. Wag ka namang magbiro nang ganyan. Promise ni Mommy hindi na kita papakainin nang ulam na may maraming Magic Sarap kahit na gustong-gusto ko 'yun, bumalik ka lang."

But there was no answer from him. He stayed there. Eyes closed, unmoving, cold and lifeless. Hinagod naman ni Doc Amy ang aking likod habang wala pa rin akong tigil sa pag-iyak.

Ang daya mo Baby. Iniwan nga ako nang Papa mo, iiwan mo rin naman pala ako. Pareho lang kayo.

-----

Tumawag ako kay President na magleleave ako nang tatlong araw. Nag-alala siya and asked about it at ang ginawa ko lang rason ay tatapusin ko na ang thesis ko kasi malapit na ang graduation namin which is a lie. Pumayag rin naman ito at hindi na nagtanong ulit.

Love and Lies Series #1: Notice My Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now