Chapter 34

68 20 5
                                    

Nagising ang diwa ko nang kanina pa may humahaplos sa aking buhok pagkatapos ay ibinababa naman ito sa aking pisngi at may lumapat na malambot na bagay sa aking noo. Wala akong choice kundi dahan-dahang imulat ang aking mga mata. At first, I was surprise when a smiling Jayce met my face pero nang maalala kong dito pala siya natulog kagabi, nawala naman iyon kaagad. Nakaupo ito sa gilid nang aking kama habang pinagmamasdan ako. Bagong ligo at mukhang handa na itong pumunta sa trabaho.

Ningitian agad ako nito. A sweet and soft one. "Good morning, love."

Kinusot-kusot ko muna ang mga mata ko bago ako bumangon and also gave him a small smile. "Morning."

Ang sarap nang gising ko ngayon. Makatabi ka ba naman nang mabango.

"How was your sleep?"

"Great."

He grinned. "Halata naman eh. Nilawayan mo nga ang tshirt ko."

Nanlalaki ang mga matang tinignan ko siya then my cheeks started to turn red. "Wag mo kong maloko-lokong lalaki ka!" naiinis na sigaw ko sa kanya at pinaghahampas ito. He just laughed at me though. "Hindi ako naglalaway pag natutulog!"

Tumigil ako sa panghahampas sa kanya at tinignan siya nang masama. Ginulo naman nito ang aking buhok. "I'm just messing with you." then he pressed his lips to mine that made me stiff. Hindi pa rin talaga ako nasasanay sa panghahalik niya bigla eh. "Good morning again. Magready ka na muna tapos kain na tayo."

Tumayo na ito at tinalikuran ako tsaka nagsimulang maglakad habang binato ko naman sa kanya ang nahawakan kong unan dahil sa inis. "Ang aga-aga ang landi mo!"

He just answered me with a chuckle at tuluyan na akong iniwan sa kwarto.

Napalitan ang simangot ko nang isang ngiti. Para na tuloy akong timang. Makaligo na nga lang rin muna.

Inayos ko ang aking sarili matapos maligo. Natagalan ako sa banyo kasi nacoconscious ako sa ayos ko baka hindi niya iyon magustuhan.

Teka nga lang muna. Kailan ba ako natutong magpaimpress sa iba?

Nagkibit-balikat nalang ako at binilisan nalang ang pag-aayos tsaka lumabas na nang silid.

Naabutan ko naman siyang nakaupo na sa isang silya nang kusina habang nagkakape. Nang maramdaman niyang nasa likuran niya ako, nilingon ako nito pero nagsalubong ang mga kilay nito at madilim ang mukha habang nakatingin sa, mga binti ko? Ba't ba jan siya nakatingin? Ang manyak-manyak talaga nang lalaking 'to.

"Anong tinitignan mo jan? Eyes up here." mataray na sabi ko sa kanya pero hindi man lang nagbago ang expresyon nang mukha nito.

"Your skirt's too short. Your legs and thighs are exposing. Palitan mo yan." inis na sabi nito at sumimsim ulit nang kape.

Tinaasan ko siya nang kilay. "Pencil skirt nga di ba? May pencil skirt bang patungong talampakan ang haba?" nakapameywang na sabi ko sa kanya.

"I don't care. Just don't wear that kind of skirt. Wear jeans or slacks instead."

"Wala akong slacks kasi skirt naman talaga ang ipinapares sa uniform namin! At sino namang baliw na paparesan itong blouse nang jeans aber?"

Tinignan lang ako nito nang masama at hindi na ako pinansin. Aba! Wag niya akong sisimulan.

Padabog akong umupo sa aking pwesto and silently prayed. Inabot ko naman ang kanin matapos gawin iyon nang bigla niyang kunin ito kaya tinignan ko siya nang masama. I was about to shout at him nang nilagyan niya ang aking plato nang kanin at sinunod ay ang ulam.

"I'll talk to Norris hyung with regards to your uniform. I hate it when other men stares at your bare legs. Even any part of your body, I don't want them exposed." seryosong sabi nito.

Love and Lies Series #1: Notice My Love (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora