DayDREAM 10: Like 💜 (Tag. Ver)

4 1 0
                                    

May dalawang lalaking pumasok saking tahanan.

Isa ka sa mga lalaking iyon.

Nakangiti ka sakin ng napakatamis na parang gusto ko na lang matunaw.

Ang isa naman ay ang iyong kaibigan na kaibigan ko rin.

Ngitian ko siya dahilan upang mapasimangot ka.

Hindi ko naman iyon napansin dahil lumakad na ako papalit sa inyo upang kayo'y salubungin.

Nang makarating ako ay bigla mo na lamang hinawakan ang aking mga kamay.

"Maaari ba kitang maka-usap?"

Bigla na lamang bumilis ang tibok ng aking puso.

Napatingin ako sa mga kamay nating magkahugpong.

Napakagandang tanawin.

Tumango ako bilang pagsagot sa iyong tanong.

Tumingin rin ako sa iyong kaibigan upang magpaumanhin.

Nginitian niya lang ako at umalis na rin siya upang bigyan tayo ng oras.

Ang mga sumunod mong sinabi ay di ko inasahan.

"Gusto ko lang sanang sabihin sayo ang aking totoong damdamin.

Matagal na kitang gusto ngunit ako'y natatakot na ako ay hindi nararapat sayo.

Ika'y napakaganda at napakabuting babae.

Ang lalaking kagaya ko ay hindi nababagay sa iyo.

May mga kasalanan akong nagawa sa aking buhay na hindi ako nasisiyahang na nagawa ko.

Ngunit naisip ko na mas makakabuting masabi ko sayo ang totoo kong nararamdaman bago ako matakot sa mga maaaring mangyari.

Gusto kita, ito'y totoo at walang halong biro."

Napangiti ako sa mga katagang iyong sinambit.

Oh aking mahal.

Hindi mo lang alam.

Ako'y may gusto rin sayo.

#MaagangPanaginip10 #Gusto💜 #😂

DayDREAMWhere stories live. Discover now