VII: Maling Liko

221 12 0
                                    

Hindi alam ni Iya kung paano sisingit sa napakaraming tao sa bahay ni Princess. Just like in the movies, Princess knew how to host a party. 

Nang sinabi nito sa kanya na bibili ito ng chicken at pizza, hindi inakala ni Iya na pang-fiesta ang dami ng bibilhin nito, at na bukod kay Erin at Ginny ay in-invite nito ang ilan sa mga classmates nito sa iba pang subject. Para itong si Regina George ng Mean Girls. And Iya felt like Cady Heron, alone and out of place.

"Excuse me!"

Dali-daling tumabi si Iya bago pa siya mabuhusan ng juice. Kahit saang sulok siya tumingin ay mga mukha ng estranghero ang nakikita niya. Pakiramdam niya ay nalulunod siya ng mga mukhang hindi naman niya maaalala paggising niya kinabukasan.

Nagpa-ikot-ikot na ata si Iya sa malaking bahay nila Princess bago niya natagpuan ang restroom. Balak na sana niyang i-lock ang sarili niya sa restroom hanggang sa matapos ang party nang may kumapit sa pinto.

"Fancy meeting you here, Iya. May away na naman ba kayo ng boyfriend mo?"

Nanginig si Iya nang marinig ang tinig. Ano'ng ginagawa ni Jason dito? Mabilis na lumabas si Iya, pero nahawakan ni Jason ang braso niya.

"Aalis ka na kaagad?"

Sa likod ng masayang boses ni Jason ay naririnig ni Iya ang talim sa tinig nito.

"Ngayon lang tayo nagkita ulit, Iya. Why don't we sit down and you can tell me stories about you and that dude I met at Antonio's, hmm?"

"Hinahanap ko kasi si Princess," mabilis na sabi ni Iya. "Hinahanap na kasi ako sa... sa amin."

"Talaga ba?"

Jason moved a step closer. Naipit si Iya sa pagitan nito at ng pader ng restroom sa likod niya.

"You can stay here longer. We have a lot to catch up on."

Itinukod ni Iya ang kamay sa dibdib ni Jason nang mag-akma itong yuyuko sa kanya. Narinig niyang tumawa si Jason.

"Look at you acting demure and all when we both know who you're dating."

Mabilis na tumingala si Iya.

"Ano'ng ibig mo'ng sabihin?"

"Princess told me that you're having relationship problems with a certain 'Clark.' Actually, tinawag niya ako ngayon para aliwin ka daw dahil nag-away na naman daw kayo ng boyfriend mo."

Pinaglandas ni Jason ang kamay sa buhok ni Iya.

"If I were you, I'd drop him immediately and start dating me. Hinding-hindi ka malulugi sa'kin."

Hindi na halos naririnig ni Iya ang sinasabi ni Jason dahil ang dami niyang tanong.

Bakit iniisip ni Princess na boyfriend niya si Clark gayong nilinaw na niya dito na magkaibigan lang sila? Bakit nito tatawagin si Jason para 'aliwin' siya? Ano'ng klase ng kaibigan ang ipag-ka-kanulo ang isa pang kaibigan?

Noon niya nakita si Princess na kakalabas lang ng isang kwarto. Tumatawa ito kasama ang isa sa mga kaibigan ni Jason na nakasama din nila sa Antonio's. Nagtama ang kanilang mga mata. It wasn't just her imagination that Princess smirked at her before walking away.

Then it hit her. Na baka si Iya lang ang nagtuturing na kaibigan kay Princess. Na baka kahit kailan ay hindi siya nito itinuring na kaibigan.

"Besides, nandito ka na. Bakit ko pa gugustuhin ng iba?"

Napapikit si Iya nang maalala ang sinabi ni Clark. Noon niya napagtanto na pareho sila ng damdamin ni Clark.

May Clark na siya, hindi ba? Na magpasimula ay panay kabutihan ang ipinakita sa kanya. Bakit naghahanap pa siya ng ibang kaibigan?

"Aalis na ako, Jason," ani Iya.

"C'mon, don't be a spoilsport."

"May witness ako na nakakita sa'yo nang maglagay ka ng drugs sa alak na iniinom ko," banta niya.

Natigilan si Jason. Nakita ni Iya na bahagyang lumikot ang mga mata nito.

"Y-you... you can't know that!"

"Talaga ba?" ulit ni Iya sa tonong ginamit nito. She was emboldened by Jason's stutter. "Nakatago pa ang boteng inabot mo sa'kin. Pwede nating ipa-test kung may tanong ka."

It was a shot in the dark. Nang itanong niya kasi kay Luna kung normal ba ang naramdaman niya noong una siyang maka-inom ng alak, ang sabi ni Luna ay hindi daw ganoon kataas ang alcohol content ng beer na ininom niya para mawalan siya ng pakiramdam at makatulog nang ganoon katagal.

Iya put two and two together, and came up with one conclusion: she probably was drugged.

It was a lie that she had proof. Pero hindi na importante iyon. Nakita na niya kasi ang pag-a-alinlangan sa mata ni Jason. Nagagalit si Iya dito, hindi para sa kanya, kundi para sa ibang mga taong malapit kay Jason na nagawan nito ng hindi maganda.

"Papaalisin mo na ba ako?" tanong ni Iya dito.

Umurong si Jason para padaanin siya. Nilampasan niya ito. But not before she heard him mutter, "Bitch."

Iya probably was, with the way she treated Clark. Sana lang ay hindi pa huli para maayos sila.

Bukas Paggising MoWhere stories live. Discover now