[PART II] I: Pagkatapos ng 'Happy Ever After'

223 14 0
                                    

Nang magsimula ang classes ni Clark ay naiwan si Iya na mag-isa sa bahay. Wala siyang alam sa gawaing bahay, pero masaya siya na pinag-aaralan ang mga iyon para sa munti nilang tahanan. Nagbasa-basa din siya ng mga simple recipes para kapag umuwi si Clark ay makakapag-pahinga na ito.

The first meal Iya cooked was adobo. Sinundan niya ang recipe, pero ewan ba niya kung bakit nang maluto ay itim na itim ang kulay.

"Aba, marunong palang magluto ang asawa ko," bungad ni Clark nang makauwi galing sa klase. "Patikim nga."

Nang kumagat si Clark ay umabot ata sa Lima ang lakas ng ubo nito.

"Maalat?" tanong ni Iya.

Ma-iyak-iyak si Clark habang umiinom ng tubig.

"Sakto lang."

Kaya hindi na nagluto ulit si Iya ng adobo. Bumili na lang siya ng canned goods at maraming prutas. Naisip niyang hikayatin na lang si Clark na maging vegetarian.

Nagpakabit sila ng Internet sa kasunod na linggo. Nakahanap si Iya ng online job na magtuturo ng English sa mga Japanese students and professionals. The pay wasn't really high, but it was enough to support their everyday needs. Saka nakaka-ubos ng oras ang pag-tu-tutor kaya hindi niya masyadong naiisip si Clark tuwing umaga.

Nabigyan kasi si Clark ng special permit para mag-full-load sa first semester, lalo pa at Oblation Scholar ito. Kaya madalas ay gabi na kung umuwi si Clark, at maaga naman kung umalis kinabukasan. Pero kahit hindi ibinilin ni Iya ay hindi nakakalimot si Clark na mag-text in between classes.

During the first few weeks, that was enough for her. Lalo pa at naghahabol siya ng mga estudyante para tumaas ang salary niya. Pero habang tumatagal ay patagal din nang patagal ang mga text messages ni Clark. May mga araw sa isang linggo na wala din siyang na-re-receive na text mula dito.

"Sobrang busy sa school?" Minsan ay tanong ni Iya pagkauwi ni Clark.

Clark looked really apologetic. Inayos nito ang mga makakapal na papel na dala at ipinatong sa mesa kung saan nakahanda ang dinner niya.

"I'm really sorry, Iya. May ni-recommend kasi na org sa'kin ang thesis adviser ko. Makakatulong daw in the long run, lalo pa sa thesis proposal ko."

Then Clark started enthusiastically talking about his orgmates and batchmates which he never did during high school.

"I mean, they're really something, Iya. Ang dami nilang ideas na ahead of our time. Also, they share the same interests with me. They talk the same language."

Madami pang sinasabi si Clark tungkol sa mga theories at terminologies na ginagamit nito sa Computer Science. Nakakahiya na walang naiintindihan si Iya kahit isa sa mga 'yon. She made a mental note to research some of the terms so she wouldn't look stupid in front of Clark.

"Buti naman at nakahanap ka rin ng makakasundo," komento niya, sinikap lagyan ng saya ang tinig.

Because it was wrong for her to feel jealous of Clark and the people he got to spend time with.

"Yeah. It made school a bit easier to traverse."

Maya-maya ay tinitigan lang ni Clark si Iya. May maliit na ngiti na naglaro sa labi nito.

"Did you just take a bath?"

Na-ko-conscious na sinuklay ni Iya ng kamay ang buhok.

"Medyo mainit kasi kanina."

Dumukwang si Clark at inamoy ang leeg niya.

"Kaya pala ang bango mo."

Mabilis na tumayo si Iya at lumayo kay Clark. Alam na niya ang balak nito.

Bukas Paggising MoWhere stories live. Discover now