IX: Samu't-Sari at Nakalulunod

237 15 1
                                    

Isang hapon ay nakatambay si Iya sa bahay nila Clark. Si Luna ay nag-o-overtime pa sa Antonio's. Sinusubukan niyang butintingin ang personal computer ni Clark.

Ayon kay Clark, maliban sa libro ay hindi nito alam kung paano papalipasin ang oras kapag wala ang PC nito.

"Clark, alam mo ba kung ano ang Facebook?" ani Iya kay Clark. "Naririnig ko lang na pinag-uusapan dun sa MAPEH namin."

Si Clark, as usual, ay naka-upo sa living room at may isinusulat sa grid notebook.

According to him, he was trying to program on paper. Wala namang naiintindihan si Iya sa mga ginagawa nito kaya naghanap siya ng ibang pagkaka-abalahan. At iyon nga ang PC ni Clark.

"Yeah, that's the upgraded version of Friendster, I read somewhere," sagot ni Clark. "Main difference is, as far as I know, mas malawak ang network ng Facebook kaysa Friendster."

"Ah. So parang mag-a-add ka rin ng mga tao? May testimonials din, ganon?"

"No testimonials. But I think it's easier now to search for people and add them up. I really don't know."

Tiningala siya ni Clark.

"Bakit? Gagawa ka ng account?"

"Sana."

Nalukot ang ilong ni Iya.

"Kaya lang, may Facebook din nga pala si Princess."

Simula nang maging mag-boyfriend at girlfriend sila, palagi nang pumapasok si Clark sa Lima High School, sa bulung-bulungan ng mga estudyante sa paligid nila.

Ewan ni Iya kung imahinasyon lang niya, pero pakiramdam niya ay iniiwasan siya ng mga classmates niya sa mga subject kung saan classmate niya ang barkada ni Princess.

But Iya found that she didn't care. Clark was all she needed, she realized.

Unlike people their age, walang cellphone si Clark. Iyon ay dahil hindi naman ito lumalabas ng bahay, at kung lumalabas man, ay pumupunta lang sa Antonio's. Contrary to what Princess made Iya believe, Clark wasn't there that night they met because he wanted to get back with Princess. Nandoon si Clark para sunduin sana si Luna dahil nag-overtime ang huli.

"Bakit nga ba ulit kayo nag-break ni Princess?"

Napailing si Clark.

"Paulit-ulit? Hindi nga naging kami. Ikinalat lang niya 'yon when I refused to go out with her during freshman year."

Ngumisi si Iya. "Pogi naman ng boyfriend ko."

Boyfriend.

Clark was Iya's first, but it was so easy to call him that. They just fell into place in a snap.

"Tsk," ani Clark na ikinatawa pang lalo ni Iya. Mabilis mapikon si Clark kapag sa mga bagay na may kinalaman kay Princess.

Hinarap ulit ni Iya ang PC. Pinag-aaralan niya kung paano mag-create ng account sa Facebook.

"Sa tingin mo, mahahanap ko kaya si Daddy dito sa Facebook?"

"Wala bang balita si Attorney Mercado?"

"Ang sabi nya sa e-mail niya last time, may possibility na baka umalis si Daddy at pumunta ng ibang bansa. But he still couldn't be sure. Okay din si Daddy 'no? Iniwan lang talaga ako."

"Do you miss him? Despite what he did?"

"Everyday."

"Then I believe magkikita pa ulit kayo."

"Tingin mo?"

"Oo naman. I'm often right about these things."

Huminga nang malalim si Iya. Gusto niyang maniwala kay Clark. Sa mundo nya, si Clark na lang ang pwede niyang kapitan.

Bukas Paggising MoWhere stories live. Discover now