XII: Madilim At Malabo Ang Hinaharap

216 17 2
                                    

Simula nang magsabi si Antonio na manliligaw kay Luna ay madalas nang maabutan ni Iya si Antonio sa mga bahay ng Saceda. Iya could tell that Clark was very receptive to the idea. Pero mukhang si Luna ang laging aligaga at hindi mapakali. Which was adorable to watch. Iya could tell how much Clark's opinions meant to her.

"Leave it, Iya. Ako na bahala diyan," ani Luna nang tangkain niyang tulungan itong maghugas ng pinagkainan nila. Mukhang ang stress ni Luna ay ibinuhos nito sa pagkukuskos ng mga pinggan.

Sa salas naman ay tahimik na naglalaro ng Game of the Generals si Clark at Antonio. Wala namang ka-alam-alam si Iya kaya naisipan niyang kutingtingin na lang ang account niya sa Facebook.

Kapag i-tina-type niya ang "Manuel Bermudez" ay napakaraming results ang lumalabas. None resembled her father. Kasunod naman na na-type niya ay "Cristina Lee" na siyang bagong pangalan ng mommy niya. Nakapangasawa ito ng Chinese immigrant sa States na sa pagkakaalam ni Iya ay dean ng isang university.

Her parents separated when she was just six years old. Pero kahit kailan ay hindi siya nagtanim ng sama ng loob sa nanay. Palaging sinasabi sa kanya ng kapatid niya, na 'di hamak na mas nakasama nang matagal ang nanay nila, na minahal sila ng ina sa abot nang makakaya.

It never occurred to Iya to check on her mother, until now.

Inisa-isa niya ang "Cristina Lee" na lumabas sa Facebook. One profile picture caught her attention, only because it was like looking at the picture of an older Natasha. May scarf na nakapaikot sa leeg at nakasuot ng brown winter jacket. Nakaakbay dito ang isang singkit na lalaki na naka-salamin at may kargang batang lalaki. Iya wasn't prepared for the lump that formed in her throat.

Gamit ang daliri ay hinaplos niya ang profile picture. Cristina was a really beautiful woman. Mukhang maliban sa mata ay nakuha lahat ni Iya ang features niya sa tatay niya.

And she was glad that her mother was doing so well. She looked so happy and content in her pictures. Inisip ni Iya kung dapat ba niyang i-private message ang ina. But hesitated in the end.

Ano'ng sasabihin niya sa nanay niya? Ni hindi nga niya alam kung iniisip pa siya nito, o kung na-a-alala pa ba siya nito. Wala nga rin siyang balita sa ina nang mamatay ang kapatid niya.

Maybe Iya would try to reach out next time, when she didn't look as helpless as now.

"Maalala ko lang," ani Antonio habang hinihintay tumira si Clark. "Kailan daw ang labas ng UPCAT Results? You took the exam last August, if I remember correctly."

"Yeah, first week of August. Around January ang results, I think?"

Natigilan sa upuan si Iya. Now she knew the reason why she was feeling restless the past weeks. Nakalimutan niya ang mga college admission exams, lalo pa at nang mag-transfer siya around August ay magulong-magulo ang utak niya dahil sa mga problemang dinaanan.

"Ano'ng kinuha mo'ng course?" dugtong ni Antonio habang ito naman ang tumitira.

"Computer Science ang first choice ko sa UP Diliman. Computer Engineering ang second choice. Either way, I know what to do in the future."

"That's a good choice. Give or take five years, and I predict I.T. to be one of the biggest industries in the world." Tumingin si Antonio kay Iya. "What about you, Iya? Ano'ng kinuha mo'ng course?"

"Well... actually, hindi ako nakapag-take ng mga college admission exams."

Sa sinabi niya ay dagling tumingin sa kanya si Clark.

"You transferred around August, right?"

Tumango si Iya, tila binagsakan ng mundo ang pakiramdam.

Bukas Paggising MoWhere stories live. Discover now