CHAPTER 2

2 0 0
                                    

Kissa's   POV

Pagkadating ko sa bahay sinalubong agad ako ng mahigpit na yakap ni Lola

"Napanood kita kanina apo, at gaya ng lagi kong sinasabi sayo I am so proud of you" Aniya habang hinimas himas ang pisngi ko

"Thankyou 'La, kahit ikaw nalang ang meron ako kontentong kontento na ko sayo" kiniss ko sya sa pisngi

"Ala e halika na sa loob, mag-aalas onse na oh, kumain ka na ba ha?"

"Hindi pa 'La, nagugutom na nga ko e" ngumuso pa ako

"Ay sus ginoo, halika ka kumain ka at ayokong nagugutuman ang apo e' , pagod na pagod ka na naman siguro halika na maupo ka na"

Nagsimula na kong kumain at pinapanood lang ako ni Lola , kaya mahal na mahal ko sya e, lagi nyang pinaparamdam na mahal nya 'ko, at gaya ng nakasanayan kinwento ko sa kanya lahat ng nangyari sa araw ko.

"Apo...hindi mo dapat tinatrato ng ganoon si Candy, kahit pa naiinis ka sa kanya dapat pagpasensyahan mo lang sya"

Nabanggit ko din kase yung pagkairita ko kay Candy

"Kasi naman Lola e, sabi ko na sayo na ayoko na magkaroon ng personal assistant"

"Apo..kailangan mo ng p.a mahirap yung walang aasikaso sayo..."

"Sige po Lola, sisikapin kong maging maayos ang pakikitungo ko kay Candy"

"Sya sige na matulog kana mag aalas dose na"

"Sige 'La, goodnight" I kiss her on the cheeks

Pagpasok ko sa kwarto ko naligo na ko at natulog.







Luke's   POV

"L-luke honey...where are you? please answer my calls honey... m-may mga humahabol sakin n-natatakot na ako please i need you right now.... honey please help me nandito ako sa Ahhhh let go of me! Nooooo! wag kayong lalapit please------"

Tootoootoot

Humahangos akong napabangon, lagi ko nalang napapanaginipan ang huling voice message na galing sa kanya, until now sinisisi ko parin ang sarili ko,I know it was my fault kung nasagot ko lang sana yung mga tawag nya sana natulungan ko sya.

I badly miss you so much honey....

I did a deep sighed before taking a bath, Another horrible day without you by my side honey....




The Darkest SecretWhere stories live. Discover now