CHAPTER 7

2 0 0
                                    

Luke's     POV

It's already 6pm ng makarating ako sa 'The Bar' yan mismo yung pangalan ng Bar kung saan kami tumatambay lalo na pag may problema ang isa samin

Malaki ang The Bar, pagpasok mo palang   sasalubong sayo ang malakas na music, may mga kanya kanyang  sections ng mahahabang sofa, kilala ang The Bar dahil sa maganda nilang serbisyo.

"Dreeeee!" parang timang na kumaway kaway si Justine sakin, kahit na ang lakas ng music e mas malakas ang sigaw nya kaya nabaling sa kanya ang atensyon ng mga nandoon

"Hehehe wag nyo na po akong pansinin, go continue what your doing hehehe" tila nahihiya nya pang sabi

Nang makalapit ako sa kanya e parang timang na namang syang sinuri ang kabuuan ko

"Ano na namang tinitignan mo ha?"

"Tsk tsk tsk, akala ko nabawasan na kagwapuhan mo e hahahaha dapat pala mas malakas pagkakabangga sayo"

"Tch! Siraulo! Ano nababakla ka na naman?"

"Ulul! 'Lika na nga dun," aniya at gumiya papunta sa isang table "Ng masimulan na natin ang penitensya mo" bulong nya pero rinig ko naman

"Rinig ko yun pakyu!" bulalas ko

"Ay rinig mo ba Dre hahaha"

Pagkaupo namin e sakto namang dating ng isang waiter at nilagay ang SOBRANG DAMING wine sa table namin

"What the hell?!"

"Hahaha penitensya yan Dre! simulan mo na"

"Tch, who told you that I will drink all of that?" sabi ko sabay turo sa mga wine

"Shhhkk! wag mo nga kong english-in dre! diba eto naman talaga ang ginagawa mo tuwing birthday ni Leigh?"

"Not now, gusto kong tumambay lang dito ngayon, if you want ikaw nalang umubos nyan?"

"Takte?! bago yan ha, but that's good for you" aniya sabay salin ng wine sa baso nya

Halos maubos na nya lahat ng wine na in-order nya kanina,buti nalang talaga mataas ang alcohol tolerance neto dahil ayoko syang buhatin ngayon, Ilang babae narin ang sumubok lumapit samin pero dahil wala ako sa wisyo ay hindi ko sila pinansin kaya naman nagsisialis din

'All I'm thinking right now, is how the hell can I find Leigh's body, Sobrang hirap magluksa lalo na't hindi naman nakita ang katawan nya, Honestly I'm still hoping that she's alive, iba kase yung pakiramdam ko e, hindi ko maipaliwanag,'                                  

Nung matagpuan sya ng mga pulis noon, wala na syang buhay, naliligo sa sariling dugo at wala ng saplot sa katawan, Nung dumating ako sa lugar, halos maputol na ang litid ko kakasigaw dahil hindi ko matanggap na ganon katindi ang kinahantungan nya,halos hindi ko na nga magawang kumilos ng maayos dahil pakiramdam ko'y ako ang pinakamahinang tao na naroon nung mga sandaling yun, nanginginig ang mga kamay ko at di ko malaman kung ano ang kakapitan ko para mapanatiling balanse ang pagkakatayo ko, gustong gusto ko syang yakapin ng mahigpit pero hindi ko nagawa dahil pinipigilan ako ng mga pulis na nandoon, Ang hirap at sobrang sakit na makita mo ang babaeng mahal mo na wala ng buhay, at kalunos lunos pa ang hitsura dahil puno ng pasa at galos ang buo nyang katawan, Inakay na lang ako nun ng mga tao para makasama ako sa ambulansyang nagdala kay Leigh sa Morgue, Pero ganon na lang gulat ko ng sabihin ng isang staff doon na nawawala daw ang katawan ni Leigh,We checked the cctv footage but we saw nothing.Sinisisi ko ang sarili ko dahil nung mga panahong kailangan nya 'ko ay wala ako, wala ako sa tabi nya para protektahan sya, wala ako sa tabi nya para tanggalin ang takot nya.

The Darkest SecretOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz