CHAPTER 5

1 0 0
                                    

Kissa's   POV

"Stable na naman ang vital signs nya, although nagkaroon sya ng head injury because of the car accident, may mga bruises  din sya sa binti nya but mawawala din naman yun through ointments"

"Ganon ba, salamat Doc"

I slowly open my eyes, napapikit pa 'ko ng mariin  dahil  nakakasilaw yung ikaw, pero unti unti na rin namang nasanay ang mga mata ko, Pagdilat ko nag aalalang mukha ni Lola ang bumungad sakin

"Apo..Diyos ko mabuti naman at gising kana, anong nararamdaman mo nagugutom ka ba? nauuhaw? may masakit ba sayo?"

"Lola y—yung kotse ko?" paos pa 'ko

"Nasa mga pulis pa at ini-imbestigahan pa nila ang mga damages, para nalaman kung sino sa inyo ang may kasalanan, chini-check na rin daw nila yung CCTV footage sa lugar"

"O—okay naman yung kotse ko diba?"

"Hindi ko pa alam Kissa"

"P—pero regalo yun ni m—mommy, hindi pwede masira yun" naiiyak na naman ako

"Shh, wag ka mo muna isipin yun, maayos din yun ha, kumain ka muna Apo"

"La...si D—daddy, tumawag ba sya? k—kinumusta nya ba ako?"

"Apo..."

"Y—yeah right, wala na pala syang pakialam sakin hahaha"

'Si Daddy, 10 years old ako ng iwan nya kami ni Mommy, Simula non parang biglang nagkaroon ng malaking pader sa pagitan namin ni Mommy, pero kahit na iniwan nya kami umaasa parin akong one day babalik sya'

Pumasok na naman sa isip ko yung walanghiyang lalaking yun, Ang kapal ng mukha nya akala nya ba hinihingi ko ang pera nya! I don't care to his money, all is care my car!

That car is the first and last gift na ibinigay sakin ni Mommy, sobrang na-overwhelmed ako nun kasi akala ko wala talaga syang pakialam sakin gaya ni Daddy,pero hindi pala, kaya sobrang pag-iingat ang ginawa ko sa kotse kong yun, ayokong nadudumihan or nagagasgasan sya


"La, kelan daw po ba 'ko makakalabasa dito? you know that I hate hospitals"

"Mamaya pa daw ija, pag nainom mo na ang gamot mo mamayang gabi"

"Pero Lola look at this room, sobrang nakakayuck!"

"Ay jusmiyo itong batang ito, tiisin mo nalang at uuwi na tayo mamayang gabi"

"Eh kasi naman Lola, look at this bed,mukhang may kung anong insekto pa ang nakatira dito e, and the windows! super yuck ang daming dust! and the floor wala ba silang janitress dito? Of all the hospitals dito pa talaga nila ko dinala baka mamaya Lola magka-rashes ako or something dito!"

"Hahaha ikaw talagang bata ka umiral na naman ang pagiging laitera mo, kaya ka dito dinala dahil mas malapit dito"

"Lola naman I'm not laitera I'm just stating the fact here,anyways nasan na yung aroganteng nakabangga sa kotse ko?"

"Anong arogante? Yung gwapong binata ba kamo?Nandun sya sa tabi ng kwarto mo"

"You know what 'La, suuuuuper kapal ng mukha ng lalaking yun, so what kung gwapo sya as if namang makakaligtas sya sakin after what he did to my car!—"

"Sa tingin ko'y pareho naman kayong may kasalanan apo, pero gwapo nga ang binatang yun ano?" nanunuyong ani ni Lola

" 'La so what kung gwapo sya, kung lahat ba naman ng gwapo e katulad nyang arogante no thanks nalang 'La, kung makapagsalita pa sya kanina na babayaran nya daw ako sa damage ng kotse ko akala mo sinisingil ko mukha ba 'kong naghihirap Lola?! tapos ang angas pa ng dating nya e lasinggero naman pala! dun palang e bagsak na sya sa standard ko, tsaka yung style ng damit nya mukha syang maayos sa katawan 'La e pero nung napatingin ako sa may braso nya wala na Lola na turn off  na lalo ako, para kasing may galis sya and that's so yuck! tapos the way he looked at me earlier parang hindi manlang sya nagandahan sakin he looked at me emotionlessly———"

Napatigil ako sa pagsasalita ng napansin kong nakangiti sakin si Lola

"La, anong ngini-ngiti ngiti nyo dyan ha?" I said while pouting

"Ngayon ka lang nagkwento ng ganyan kahaba tungkol sa isang lalaki Apo, ikaw ba e nagkagusto na sa binatang yun? Kung sabagay gwapo nga at mukhang mabait naman at magalang——"

"Yuck Lola! parang nasusuka ko sa sinabi nyo, Hahahaha ako Lola?!" Tinuro ko pa ang mukha ko "Nagkakagusto sa lalaking yun?!" Sabay turo ko sa may pinto indicating his room "Yuuuuuck! wala na Lola end of the world na" I said habang may diring diring mukha

"Aba e bakit Kissa, Gwapo naman talaga ang binatang yun, Nag uunhan pa nga ang mga nurse kanina na gamutin sya"

"Iwww, nag uunahan pa talaga? Hahahaha kadiri ang mga nurses dito ha"

"Aba'y bakit ba ang init ng dugo mo sa bintanang iyon?"

"I don't know, siguro kase ang iwww ng impression ko sa kanya, grrr I super duper hate that freak arrogant!"

"Kissa, Apo, there's a very thin line between hate and love" seryosong sabi ni Lola kaya napatawa naman ako

"Hahahahaha, cut the  topic Lola, parang nasusuka ako hahahaha"

*knock knock knock*

Sabay kaming napatingin ni Lola sa may pinto

"Pasok" ani ni Lola

Halos kumulo na naman ang dugo ko ng makita ko kung sino ang pumasok sa pinto

"Hoyyy! Anong ginagawa mo dito ha?!" Dinuro duro ko pa sya , tinignan nya lang ako at dumiretso sya kay Lola na nakaupo sa tabi ng bed ko

'Antipatiko tong lokong 'to ah'

"Oh ikaw pala ijo, ano't napadaan ka?" tanong sa kanya ni Lola

"Ahm,Lola———" I cut him off

"Hoy! etchosero ka ha! Wag mo ngang tawaging Lola ang Lola ko ko!"

Tinignan nya lang ulit ako at bumuntong hininga sya

"Kissa...." Napayuko naman ako ng marinig ko ang warning  tone ni Lola hehehe

"Ahm, Lola, I came here to check her condition, kamusta na po sya?" Inangat ko naman ang ulo ko at tinignan sya, bigla kong natawa

"HAHAHAHAHA, wow concern ka na sakin ngayon ha? Abaaaa anong nakain mo ha?"

"Tch" si antipatikong galis

"Lola, pakisabi naman sa bisita ko na okay na okay na ko,kayang kaya ko na syang bugbugin sa ginawa nyang pagbangga sakin"

"Lola, pakisabi po sa Apo nyo na ayon sa investigation sya ang bumangga sakin dahil ang bilis nyang magmaneho" sya

O.O

W—what?!

The Darkest SecretWhere stories live. Discover now