CHAPTER 5

4.6K 92 6
                                    

CHAPTER 5: NAME

Simula no'ng araw na 'yun, di na nakipag usap sa'kin ang manager namin. Tuwing may importante lang at minsan naman pinapalabas agad ako ng opisina niya. Di na rin muling bumalik do'n 'yung babae. Minsan, 'yung mga kaibigan niya lang pero siya, di ko na nakikita. Sa bahay naman, gano'n pa rin. Pero maingat na sa bawat salita ang Tita ko dahil sa banta ko.

Pumasok na ako sa aming silid para sa klase ko. Okay naman ang lahat, ako ang unang nakapasa no'ng pinapagawa sa Chemistry at lahat sila'y gulat na gulat pati na rin ang prof namin na minaliit ako.  Discussion, recitation, discussion at quiz. Gano'n pa rin ang tungo ng lahat sa akin. Di na rin ako ginulo ng grupo nila Chloe.

Vacant period, pumunta na naman ako do'n sa library.  Sa library do'n sa pinakadulo dahil do'n naman talaga ang laging kong pinupuntahan eh. Bahala na kung sino ang nando'n.

Inabot ko na 'yung malaking module nung encyclopedia para sana maghanap no'ng sa research works na pinapagawa. Pero bago ko pa mabuklat sa susunod na pahina, naagaw na ng atensyon ko ang isang bagay na nakalapag na sa libro. Tiningnan ko naman ang lalaking nasa harap ko at syempre 'yung lalaki na naman.

"Shanteila, 'yung panyo mo oh! Naiwan mo sa'kin no'ng isang araw. Bakit ba kasi lagi kang may naiiwan sa aking gamit?", Aniya na bahagya pang nanunukso ang mga singkit nitong mga mata.

"Tss...", Kinuha ko na 'yung panyo ko at inisnob siya. Pake ko ba dito?

"Ang sungit mo talaga, 'no? At tsaka lagi kang naririto sa lungga ko ah! Miss mo ko?", Nakakairitang tanong nito sa'kin. Tiningnan ko siya at nakita ko ang genuine smile. That smile!

"Wag assuming", irap ko sabay baling sa module.

"Aray naman", Arte nito na bahagya pang humahawak sa dibdib na parang ewan.

"Pwede ba umalis ka nga sa harap ko!", Malamig na sambit ko.

Unti unti siyang lumapit sa akin at itinungo ang kanang kamay sa taas ng aking ulo at unti unting bumaba upang magkalebel kami. Mas kita ko tuloy ang magagandang feature ng mukha niya. Mas mukha pa 'tong babae sa iba dyan eh!

"Eh kung ayaw ko, hmm?", Sabay kagat labi nito. Imbes na bumaling ako sa kanya ay naagaw na lang ang atensyon ko sa piercing niya na hugis krus.

"Pake ko?", Taas kilay kong sambit. Unti unti na siyang lumayo sa akin at tumawa habang umiiling.

"Tss! Babae, di dahil mabait ako sayo, aabuso ka na", seryoso nitong sabi.

"Bakit? Sinabi ko bang maging mabait ka?", Simpleng sagot ko.

"You don't even know me, woman!", Medyo galit nitong tinig.

"Oh kaya! Wag mo 'kong sasabihang mabait ka sakin.", Sarkastikong Sabi ko.

"Why? Do you like me, then?", Simpleng ngiti nito na may bahid ng iritasyon.

"Tss... Kahit kailan di ako magkakagusto sa kagaya mo! You brat!", Pasigaw na sabi ko.

"What? Me? A brat?", Iritadong tanong niya.

"Oo! You're a fucking brat who doesn't have any kindn--", hinawakan niya ako sa aking mga kamay at tinulak paalis sa lugar na 'yun.

"Leave, woman! Don't come here again.", seryosong sabi niya at tinalikuran na ako.

Naoffend ko ba? Tss. Bahala siya sa buhay niya akala naman niya kung sino siyang gwapo. Damn! Oo na! Gwapo na kung gwapo, ang sama naman ng ugali. But wait? Nasabi ko ba 'yun? Shit. Dapat di ganito nafifeel ko eh! Tangina! 'Yung phobia ko.

"Hey hey hey", natigil ako sa paglalakad nang makita ang cleavage girl dito sa harap ko habang nakahalukipkip. Pinasadahan ko ng tingin ang kanyang damit na ngayon ay nakablack off shoulder na naman at short shorts with heels. Ano bang babaeng 'to? Ano bang course nito?

Amidst HatredWhere stories live. Discover now