CHAPTER 25

3.1K 49 5
                                    

CHAPTER 25: READY

Ang sabi ng iba, kailangan ko nang tanggapin lahat lahat. Pero hindi eh. Magbago man ako o kung ano man ang mangyari, patuloy ko siyang hahanapin. Mapapagod din ako, but I'm not going to quit. Hindi ngayon at hindi sa panahong ito.

Tatlong taon na rin ang nakalipas ngunit walang senyales ng balita mula kay Eissen. Sa dalawang taong 'yun ay nagpatuloy ako sa aking buhay na kahit masakit, ay tinanggap ko. Sa tulong ng mga kaibigan ko, nakabangon ulit ako. Pero hindi na muli pang maibabalik 'yung Eila na nakilala nila noon. Wala na rin akong philophobia. Nawalan lang ako ng ganang magtiwala sa mga tao sa paligid ko. Hindi ko rin sinisi si Yannie sa kung ano mang nangyari kaya nanatili rin siya sa tabi ko. Hindi ako iniwan ni Ney na nagsilbi ko ng ate kahit na ilang beses ko siya no'ng itinakwil. Naging pala away ako no'n eh. Nabawi ko na nga 'yung kayamanan ko pero malungkot pa rin ako. Money can buy house but not home. Money can buy clock, but not time. Money can buy friends but not trust and love. Hindi ako masaya. Tatlong taon na rin siguro ang makalipas mula nang huli akong tumawa. Kulang eh. Sabi nga nila don't make that someone your everything because if they've gone, you have nothing. Tama nga sila eh. Hindi na ako gano'n kalala dahil unti unti na akong nabubuong muli. Pero sa tingin ko, hindi na mabubuo ito kahit na anong pilit ko.

"So 'yan lang ba 'yung report mo, Miss?", Masungit kong tanong sa empleyado kong nagrereport tungkol sa area expansion. Tumikhim ito at pinagpawisan.

"Ah eh! M-ma'am, di po ako ready", aniya kaya mas lalong uminit 'yung dugo ko dahil sa kanya. Tiningnan ko 'yung folder kung nasaan 'yung summary no'ng sa presentation niya at tinapon sa harap ng board na sina Ney, Rodel, Kyla, Mira at Yannie lang naman.

"Hindi ko kailangan ng empleyadong katulad mo dito. So in short, you're fired", galit kong pasigaw do'n at agad nang umalis sa harap ko habang umiiyak. Tss. Hindi daw ready. Anong akala niya sa akin icoconsider ang pagkakamali niya? Hell no. Umalis na 'yung magpipinsan pati si Rodel at naiwan na si Ney at tiningnan ako nang masama.

"Ang sungit mo, 'te. Mauubusan ka niyan ng empleyado kasi halos araw araw kang nagpapaalis", biro niya sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya at dire diretsong lumabas sa meeting room na 'yun.

Pinaghirapan ko ding muling makuha itong Lark's real estate dahil nabaon na pala 'to sa utang at nakasangla pa noon sa bangko. Ngayon, namamayagpag na ang kompanyang ito sa bansa pati na rin ang team ko.

"Good afternoon, Miss Margareth", bati ng ilang empleyado ko sa akin. Mula talaga nang pangyayaring 'yun, binago ko lahat. Walang nakakakilala sa akin kundi ang mga kaibigan ko at ang iilan pero tahimik sila dahil hindi kinakaya ang aura ko. Nakilala ako bilang si Margareth Harlyn na walang awa at madalang ngumiti. That event taught me a lesson. I don't want to be burden from that past but it's part of my life now. It won't happen again. Parang nilagyan ko na ng harang ang puso at buhay ko. May distance na kung hanggang saan lang sila at hindi ko sila hahayaang makapasok sa mundo ko. Dahil nga sa mga nangyari parang wala na akong pake sa nananatili at umaalis sa buhay ko. Kahit na umalis pa sila, hindi na ako gaanong masasaktan. That event taught me to be strong and numb. Saktan niyo man ako nang paulit ulit, wala na. Tapos na. Wala na siya eh.

Pumasok si Ney sa opisina ko at tiningnan na naman yung malaking frame na inisketch kong nakaside view na si Eissen habang nakahood. Kapartner kasi nito 'yung inisketch niya rin. Marami pa akong nakasketch na si Eissen pero nakatalikod na o di kaya nakahalf mask. Ayoko kasing kalimutan siya.

"Ayos ka lang?", tanong nito sa akin dahil nakapangalumbaba ako dito sa aking mesa at pagod siyang tiningnan.

"Ayos lang", simpleng sagot ko saka pinaglaruan 'yung ballpen.

"Di ba may schedule ka na may interview ka?", Pag papaalala nito sa akin. Tumango lang ako at hindi na dumugtong.

"Uuwi muna ako. Kayo na bahala no'ng asawa mo dito", paalam ko saka kinuha 'yung bag ko at susi ng sasakyan ko. Nagpaalam na ako sa mga empleyado ko saka naglakad ng nakataas ang noo. Noong nakaraang taon lang nagpakasal si Ney at Rodel. Napilit pa nga akong maging bride's maid kahit na ayaw ko. Naaalala ko kasi lahat lahat.

Nakarating na ako sa basement at nagpaalam sa guard.

Pinaharurot ko na 'yung kotse ko saka nagtungo sa mansyon ko. Gaya ni Eissen, pininturahan ko din ito ng itim. Walang maid at tanging ako lang at ang pusa kong si Frost na may asul na mga mata at puting balahibo. Si Ney at Rodel naman ay dito minsan naglalagi dahil sa kawawa daw ako.

Nagbihis na ako saka bumaba para kumuha nang pop corn at juice saka muling umakyat sa kwarto ko. Nakakapagod din palang mabuhay 'no. Kahit ano na naman ang naisip ko kaya't hinawakan ko 'yung puting kurtina dito saka unti unting ipinulupot sa leeg ko. Ready na nga siguro ako... Hinihigpitan ko na sana nang biglang tumalon sa akin si Frost at kinagat 'yung daliri kong nakahawak at humihigpit sa kurtina kaya nabitiwan ko 'yun.

"Meow", paulit ulit ito sa pag meow sa akin kaya di ko na tinuloy yung gagawin ko sana saka ko tiningnan 'yung kinagat niya. Ang cute ng sugat pero sobrang hapdi. Buti na lang pinapainjectionan ko 'tong pusang 'to. Kinuha ko siya saka hinimas sa ulo.

"Sorry ah. Sorry kung mahina ako", sambit ko saka ko siya nilagay sa balikat ko at naglakad na patungo sa CR para hugasan at gamutin 'tong sugat ko.

"Eila, bilis na. May interview ka pa sa isang TV station", gising sa akin ni Ney. Agad akong nagmulat at nakita siyang natataranta na.

"H'wag na. Ayoko", tamad kong sambit ngunit hinila niya ako patungo sa CR at agad na ini on 'yung shower dahilan para mapatalon ako sa gulat.

"Holy shit", sigaw ko. Tumawa lang ito sa akin.

"Maligo ka na. Ako na mag aayos sa iyo", aniya saka ako tinalikuran kaya napatitig ako sa salamin dito sa CR. Bumuntong hininga ako saka naligo na lang.

Lumabas na ako suot ang bath robe at naabutan ko siya sa walk in closet ko.

"Etong dress na lang ang suotin mo", sabay pakita niya sa akin no'ng isang blue dress na kita ang cleavage kaya ngumiwi ako. Sunod niyang pakita no'ng isang red tube top at mini skirt. Muli akong ngumiwi. Marami pa siyang ipinakita sa akin ngunit puro pag ngiwi lang ang ginagawa ko.

"Etong black top at ripped jeans", suhestyon ko saka ko 'yun kinuha. Actually I'm fond of blacks. It's somehow remind me about him.

"Ano bang pupuntahan mo? Lamay? Baka pati heels mo, itim na rin?", Duda nito sa akin. I smirked at her saka ko siya inirapan.

"Malamang", sagot ko saka ko kinuha 'yung black stripped heels ko kaya narinig ko siyang bumuntong hininga saka ako naglakad na para magbihis.

Natapos naman agad ako saka ko siya nakita sa kama ko na namimili na ng make up para sa akin.

"Etong purple na lang?", Tanong niya sabay pakita nito sa akin.

"Nope. Smokey ice is the best and red matte for my lips", sambit ko saka na umupo sa kung saan ako mimake up-an. Sumunod naman agad siya sa akin saka inilagay sa leeg ko 'yung kwintas na kung saan naroon 'yung maliit na susi at singsing na mula kay Eissen saka niya ako hinawakan sa braso.

"Ready ka na?", Tanong niya sa akin. Ngumiti ako nang hindi gano'n kasaya.

"Yeah. You can now start", utos ko sa kanya.

"No. Uh what I mean, kung ready ka nang mainterview at magpublicize?", Tanong nito sa akin na puno ng pangangamba.

Hinawakan ko 'yung singsing saka muling tumingin sa salamin na nagrereflect kay Ney.

"Yup. I'm ready", sagot ko sa kanya na tunog pinal na.

Amidst HatredWhere stories live. Discover now