CHAPTER 10

3.5K 54 0
                                    

CHAPTER 10: CASE

Tulad ng sinabi ko, di ako tinantanan ni Eissen hanggang sa nagpasya na nga akong sabihin sa kanya.

But not my condition.

Naupo ako sa isang bench dito sa park. Dito niya gustong makipag kwentuhan para daw payapa tapos walang limit sa oras. Yung trabaho ko? Bahala na nga.

"Sige, mag tanong ka na lang", suggest ko. Ayoko kasing manguna. Malay natin di naman pala 'yun 'yung gusto niyang malaman di ba?

"May kaibigan ka ba?", Tanong niya habang kumakain ng lollipop.

"Meron naman pero nakilala ko lang ng ilang araw sa trabaho ko. Si Ney tapos...", Di ko tinuloy 'yung sasabihin ko kasi di pa ako sigurado sa kanya.

"Tapos ako", pagtapos niya sa sinabi ko. nagkibit balikat na lang ako at uminom sa soft drinks ko.

"Saan ka ba dati pumapasok? I mean bago sa school ko, saan ka?", Curious niyang tanong.

"Sa Dilemania University ako", simpleng sagot ko.

"Ex?"

"Wala"

"Boyfriend?

"NBSB"

"Manliligaw?"

"Nahh"

Bakit ba 'yan 'yung tanong nito? Oo, suplada ako kaya wala ako niyan. Meron naman akong manliligaw sa Dilemania pero wala akong sinagot.

"Eh 'yung mga kaibigan mo do'n sa Dilemania?", Tanong niya.

"Wala. Masasabi mo lang kasi na tunay na kaibigan 'yan pag dumating ka na sa paghihirap. Kung sino ang magstay at tulungan ka, tunay mong kaibigan 'yun. Pero sa kaso ko, walang nagstay", mahinahon kong sambit. No'ng una syempre, nasaktan ako lalo na no'ng down na down ako tapos 'yung ilang kaibigan ko do'n ay wala man lang pake. Minsan din ngang humingi ako ng tulong pero pinuputol lang nila ang tawag ko.

Disappointed yes, but it's okay now.

"Kaya ngayon, hirap kang magtiwala gano'n ba?", Tanong niya. Oo. Kasi ayoko nang madisappoint.

"Maybe", simpleng sagot ko.

"If you don't mind, anong nangyari sa parents mo?", Nangangamba niyang tanong sa akin. Takot na baka maoffend niya ako. Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata na may pagsusumamo akong nakikita. Nanahimik kami ng ilang minuto bago siya nagsalita.

"Ah okay lang h'wag mo nang sagutin", nahihiya niyang sambit sa akin.

Siguro ito na 'yung time na iopen up 'yun?I mean, i need to face it.

"Hindi, ayos lang. Nag away kami no'n ni Mama at Papa dahil sa plano nilang pagdala sa akin sa States. Syempre umayaw ako kasi nga 'yung kaibigan thingy na sinasabi. Tapos nagwalk out ako hanggang sa nabundol sila ng kotse sa paghahabol sa akin.", Habang nililitanya ko 'yun ay interesado siyang tumitingin sa mga mata ko at nakikinig ng mabuti. I can't help it but to look away. I mean he's  distracting me.

"I'm sorry for what happened. So after no'n, anong nangyari sa'yo?", Dugtong na tanong niya.

"Namatay naman ang Lolo ko", diretsahang sambit ko habang umiiling.

"So sa mansion niyo ka pa rin tumitira? Cause like what you said that you earn for your living", Ayan na. Di ko pwedeng sambitin sa kanya ang buhay na meron ako dahil baka magduda na siya sa mga ginagawa ng Tita ko.

"Ah yes. Pero nando'n din 'yung pinsan ko at tita ko", sagot ko. Di naman siya nagtanong pa at tumango na lang. I felt relieved.

Something's bothering me. Bakit siya ganito? I mean. Is he my friend? Do I trust him, anyway? Maybe yes. Sinabi ko sa kanya ang about sa personal matters ko. Panahon na rin siguro para magtiwala. But he seems so interested with me or maybe I'm just assuming.

"So about do'n sa case ng parents mo, nahuli ba 'yung driver?", Natigilan ako sa mga iniisip ko sa tanong niya. Matapos ang pangyayaring 'yun ay di na inungkat ang CCTV namin. Di rin nahuli 'yung driver na 'yun.

"Hindi eh. Walang may balak mag ungkat no'ng insidente", sambit ko pero nanatili siyang tahimik. Malalim ang iniisip.

"Bigyan mo ng hustisya ang pagkamatay ng parents mo. Tutulungan kita. May abogadong pinsan ako, matutulungan ka no'n", sambit niya na medyo galit. Nakarinig din ako ng mura sa kanya. Mura do'n sa driver no'ng kotse na nakapatay sa magulang ko. Umiling ako at tumingin sa malayo. Unti unting gumuhit sa alaala ko ang nangyari. Na sana di ako umalis. Na sana di ko sila inaway. Siguro walang kasalanan 'yung driver. Ako ang dapat na sinisisi sa lahat.

Lumapit si Eissen sa akin at hinaplos ang pisngi ko gamit ang kanyang hinlalaki. Marahan niya akong tinitigan. Hinawakan ko ang pisngi ko at nahalatang basa iyon. Naiyak pala ako sa mga naalala ko.

"Wag mong hayaang sisihin mo ang sarili mo sa pagkawala nila. Seek for justice. H'wag mong paikutin sa'yo ang sakit no'n. Move on Shanteila Margareth!", Utas niya sa akin. Naramdaman kong mas lalong tumulo ang luha ko sa kanyang mga sinabi. Pinunasan ko 'yun at tumulong na din siya. I feel safe beside him. Ngayon lang ako muling nakaramdam nito. But there's something inside of me that I don't know how to explain, how to name it, but it's extreme foreign feelings. And I'm happy that I can feel it.

Nilibre niya ako ng ice cream kahit na medyo madilim na. Pinatawa niya rin ako pambawi niya daw sa pagpapaiyak sa akin. Hinayaan ko ang sarili kong maramdaman ang klase klaseng emosyong ngayon ko lang ulit naramdaman. At sa kanya lang. Tama bang maramdaman 'to kahit mali ang isinisigaw ng isip ko? Tama bang maniwala ako kahit labag 'to sa kondisyon ko? Pero wala akong magagawa e.

Napapayag niya akong ihatid sa mansion... May kotse pala tong kumag na to na pinadala niya kanina do'n sa park sa isa daw sa kanyang body guard. Naghahumm siya sa sasakyan niya kanina kaya't napapailing na lang ako. May mga natanong din naman ako about sa kanya at kung di ko napigilan ay patuloy siya sa pagdada.

"Thank you", sambit ko sa kanya nang dito na kami sa mansion. Tumawa lang siya at kumaway na sa akin.

Pumasok na ako sa mansion at nakita ko ang pag alis ng sasakyan niya.

"Si Frost 'yun di ba?", Tanong ni Kana na nakadungaw sa bintana. Pano niya nalaman?

"Kilala ko ang kotse no'n... Yun 'yung madalas na dalhin niya sa University kaya alam kong si Frost 'yun", maarteng saad niya sa akin. Nagkibit balikat lang ako at pumunta na sa kusina para kumain.

Wala akong ganang sinusubo 'yung pagkain habang iniisip ang lahat. Isang bagay ang mas nagpapukaw ng atensyon ko sa alaalang nilibing na. Tama siya... Kailangan ko ng hustisya sa pagkamatay ng magulang ko. Pero sino ba 'yung driver no'n? Bakit di na siya nahanap? Or should I say, bakit walang naghanap? Walang nagtrace sa kanya. It's bothering me. Ngayon ko lang ito naisip. Maybe because I'm too preoccupied back then.

Pumunta ako sa kwarto ko at sinimulang halughugin ang files na nakuha ko sa CCTV namin na sinave ko no'ng araw na 'yun sa aking laptop. Pinanood ko ulit 'yun.

Eto 'yung exact na nangyari no'n. Yung pagtawid ko, pagsunod ni Mommy, pagsulpot no'ng sasakyan at ang pag ambang ligtas ni Daddy at ang pagharurot no'ng sasakyan. Inunti unti kong binackward ang video kung saan nagsimula 'yung sasakyan. And there... Nakita kong nakapark malapit sa isang madilim na parte 'yung sasakyan bago 'yung pangyayari.Tinted at di ko makita 'yung tao sa loob. Base sa speculation ko, sadya ang pagbundol sa mga magulang ko. Or Mali? Di ko maintindihan...

Kailangan ko na bang buksan ulit ang kaso? Paano? Pero kaya ko ba?

Nagvibrate ang phone ko kaya't napatingin ako do'n. May new message.

Unknown number:
           Hi, Shanteila! Sorry sa kanina! By the way, I got your number haha :D
~E.F.V

E.F.V?

Is this just a coincidence or he's the sign?

Eissen Frost Vancleef.

Si Eissen nga ang pwedeng tumulong sa akin.

Amidst HatredWhere stories live. Discover now